•VII•

1 2 0
                                    

THE MISCHIEVOUS PRINCESS

Chapter Seven: Princess Zephaniah

Kanina pa kami naglalakad nitong kasama ko, nauuna sya at nasa likuran nya lang ako.

Papunta kaya talaga sa bayan ang isang 'to? Sana naman hindi nya ako ipahamak,

"Yung kanina, ikaw ba ang hinahanap ng mga lalaki?" tanong ko, mabibingi na kasi ako sa katahimikan dito sa gubat, kinakabahan din ako kaya kailangan kong libangin ang sarili,

"Ano nga pala ang iyong pangalan?" tanong ko ulit, hindi nya kasi ako sinasagot,

"Paano ka napunta rito sa kagubatan? ano ang iyong ginagawa rito?"

"Hey, it's not a sin to answer my questions, you know" I pouted,

"Ouch!" sigaw ko nang bigla akong nabunggo sa likod nya, bigla kasi syang huminto sa paglalakad,

"I knew it" wika nya sabay harap sa akin, hindi ko makita ang mga mata nya dahil ang ilaw na nanggagaling sa buwan ay nasa aking pwesto,

"A-anong I knew it?" tanong ko ulit,

"You're from the palace aren't you?"

kinabahan naman ako sa tanong nya,

"Ano? H-hindi hindi, ano kasi naligaw lang ako rito kasi—"

"You can't fool me lady" he seriously said,

Tsk, Zephaniah! isip!

"Yes, ano galing nga ako sa palasyo. Isa akong tiga-silbi doon at tumakas ako dahil gusto kong i p-pursue ang pag-aaral ko, hindi kasi nila ako pinahihintulutan na makapag-aral k-kaya naisipan kong tumakas" mas kinabahan ako dahil hindi ko naman nakikita ang kanyang mga mata,

"Hmm, okay" tumango tango sya at nagpatuloy na ulit sa paglalakad,

"Ano nga palang pangalan mo?" tanong ko habang naglalakad kami,

"Nix" tipid na sagot nya,

"Nice to meet you Nix, I'm Ze—X-Xyrelle"

Myghad! muntik mo nang ipahamak ang sarili mo Zeph!

Hindi naman sya sumagot at nagtuloy lang sa paglalakad..

Maya maya pa ay natatanaw ko na ang mga ilaw sa bayan!

"Oh my ghash! finally!" hindi ko napigilan ang excitement sa aking tinig, ang dating tinatanaw ko lang sa malayo ay abot kamay ko na ngayon,

Hindi pa rin ako makapaniwala na makakatapak na ako sa bayan!

"Where do you live?" tanong nya,

"Ahh, ano kasi.. W-wala akong tirahan dito" mahinang sagot ko sa kanya,

"Where are your parent? sa palasyo ba sila nakatira? wala ka bang kamag-anak dito?"

"A-ang totoo kasi, p-patay na ang mga magulang ko at wala kaming ibang kamag-anak dito" nakayukong wika ko,

Dahil sa ilaw na nanggagaling sa bayan ay nasilayan ko na rin sa wakas ang kanyang mukha,

He has a perfectly intense eyes, a perfectly straight nose, chiseled jaw, expressive eyebrows,  perfectly shaped lips, soft cheeks, thick eyelashes, and perfectly warm complexion, pula ang kanyang buhok— teka, what am I saying? bakit puro 'perfectly' ang nasasabi ko?

The Mischievous PrincessWhere stories live. Discover now