•X•

3 2 0
                                    

THE MISCHIEVOUS PRINCESS

Chapter Ten: Princess Zephaniah

Limang araw na mula nung pumunta kami sa Gleaming Shop ni Master Ellie, papunta kami ngayon ulit doon para kuhanin yung money card ko dahil nagawa na raw ito at nakarehistro na. Nandon na rin sa card na yun ang mga pera ko,

"Hayy, may pasok na naman bukas. Ikaw pala Xyrelle? saan ka nag-aaral?" tanong ni Trev, kasalukuyan kaming nasa byahe,

Oo nga pala, mamayang ala una ng hapon ay pupunta ako sa University para sa orientation at para makuha ko rin ang uniform at mga libro ko,

"Sa Sapphire University"

napalingon silang dalawa sa akin pagkasabi ko nun,

"You enrolled there?" tanong ni Nix,

"Oo, mamayang ala una ay pupunta ako doon para sa orientation"

"Wow, magkaka-schoolmate pala tayo. Doon din kami nag-aaral ni Nix" wika ni Trev na nakatuon na ulit sa pagmamaneho,

"Why didn't you tell me?" Nix asked,

"Hindi ka naman nagtanong" I pouted, pagtapos nun ay hindi na ulit sya nagsalita,

"Ahmm, Trev" tawag ko dito, he glanced at me at lumingon na ulit sa kalsada,

"Yes?" malambing na tanong nya,

sa kanya na lang ako magpapasama mamaya sa University dahil hindi ko alam ang daan patungo roon, mas madali rin syang kausap kaysa kay Nix na palaging nakakunot ang noo na akala mo ay pinagsakluban ng langit at lupa,

"Maaari mo ba akong samahan mamaya sa University?" tanong ko, nakita ko naman si Nix na biglang lumingon sa akin at tila galit na naman ang ekspresyon nito,

psh, hindi naman sya ang niyayaya ko bakit sya magagalit?

"Ofcourse—"

"Really woman?" naiinis na tanong ni Nix,

kumunot ang noo ko dahil sa tanong nya,

"Bakit? sabi mo sa akin ay pinasasakit ko palagi ang iyong ulo kaya nga hindi ako sayo nagpapasama dahil baka magalit ka na naman at sumakit na naman ang ulo mo" I said,

Tuwing magpapasama kasi ako sa kanya nung mga nakaraang araw ay palagi syang nagagalit, mukhang palaging galit sa mundo ang isang 'to,

"HAHAHA, hindi galit 'yan Xy. Ganyan lang talaga palagi 'yan si Nix, may galit talaga sa mundo 'yan pero I assure you, hindi galit sayo 'yan. Hindi lang palangiti at palatawa 'yan pero may puso rin naman 'yan" natatawang sabi ni Trev,

"Himala na lang ang magpapatawa at makapagpapangiti dyan" dagdag pa nya,

pero tinawanan nya ako nung isang araw ah? napakalakas pa nga ng tawa nya,

"Shut up Trev, sasama ako sa inyo mamaya. Tumawag sakin si Ms. Kaye, kailangan daw ako sa orientation mamaya"

"Pfft, talaga Nix?" nang-aasar ang tono ni Trev kaya sinamaan ito ng tingin ni Nix,

"Yes Trev, I'm the President of the students council remember?"

"Woah, sabi ko nga kasama ka sa orientation" Trev uttered at mahinang tumawa,

Nang makarating sa shop ni Master Ellie, inabot nya sa akin yung card at mga papeles na hindi ko alam kung para saan. Sinabi nya rin sakin ang PIN at kaming dalawa lamang daw ang nakakaalam nito, wala naman daw akong dapat ipagalala dahil mapagkakatiwalaan naman daw sya. Mukha naman syang mabuting tao kaya hindi na ako nag-dalawang isip pa.

Pagtapos nun ay pinag-withdraw ako ni Nix ng pera na sapat lang daw para sa mga pangangailangan ko at para sa mga bayarin sa school. Sinamahan din nila ako na mamili ng mga pagkain para sa bahay ko at ilang mga gamit at damit pati mga sapatos pamasok at pang-alis,

Sinabi ko rin sa kanila na gusto kong magtrabaho ngunit sabi nila ay sobra sobra ang pera ko sa bangko kaya hindi ko na kailangan pang magtrabaho. Kung kakailanganin ko raw ng pera ay mag-wiwithdraw na lang ako, hindi raw mauubos ang pera ko sa bangko kahit na gumastos ako ng malaki.

Sabi pa nga ni Trev ay 'lifetime savings' na raw ang pera ko, pwede pa nga raw akong bumili ng sariling bahay at sasakyan ngunit tumanggi ako.

Alas dose na ng tanghali kaya nagyaya si Trev na kumain muna bago kami pumunta sa University, libre nya raw ang pagkain.

"Good day, Ma'am, Sir" bati sa amin nung babae pagkaupo namin sa isang 'Chicken Restaurant' yun yung pangalan ng restaurant, sabi ni Trev ay marami at masasarap daw ang mga luto ng manok dito,

"I'll have Chicken Adobo Miss, sa inyo? " tanong ni Trev,

"Same with you" sabi ni Nix at lumingon naman sila sakin para alamin ang order ko,

" I want fried Ayam Cemani Chicken"

"I-I'm sorry Ma'am?" naguguluhang tanong nung babae,

"Oh, It's a black chicken na pinirito" I explained,

"B-black chicken? I'm sorry Ma'am wala po kami nun dito"

"What about black chicken soup?"

"They don't have that kind of chicken here Xyrelle, it's a rare breed of chicken that can only be found in other country. At isa pa napakamahal nun" wika ni Nix kaya naman napasimangot ako,

Sa palasyo ay yun madalas ang lunch ko, iba-ibang luto pa nga,

"Okay, yung katulad na lang sa inyo"  I pouted,

Sabi kasi ay meron daw dito na iba't ibang klase ng chicken kaya akala ko ay meron din na black chicken,

"Seriously Xy? nakakain ka na ng black chicken?" tanong ni Trev,

Kapag sinabi ko na pagkain namin yun sa palasyo ay baka magtaka naman sya, hindi nya alam na galing ako sa palasyo at hindi nya yun dapat malaman,

"A-ahh hindi, akala ko lang kasi ay meron sila nun dito. I'm just curious about the taste, hindi ko naman alam na rare breed pala yun"

"You're so innocent and cute, I just wanna keep you in my house" natatawang wika ni Trev,

"Tss" singhal ni Nix, ngunit hindi ito napansin ni Trev,

"So, dahil parehas lang naman pala tayo ng school, what if sunduin na lang kita lagi at sabay na tayong pumasok" suhestiyon ni Trev,

Mukhang maganda nga 'yun!

"Sige!" excited na sabi ko,

"Ikaw Nix? sasabay ka rin samin?" tanong ko kay Nix,

Blangko ang ekspresyon nya na tumingin sakin,

"Kaya ko ang sarili ko" walang emosyon na wika nya,

"Woo, mood swings" saad ni Trev at sumipol pa,

Maya-maya lang din ay dumating na ang pagkain namin kaya naman nagsimula na kaming kumain...

The Mischievous PrincessWo Geschichten leben. Entdecke jetzt