•IX•

2 2 0
                                    

THE MISCHIEVOUS PRINCESS

Chapter Nine: Princess Zephaniah

May isang sofa sa sala, at isang kama sa kwarto, ipinahiram ito ng landlady dahil alam nya na wala akong gamit sa bahay. Malinis naman ang mga ito.

Pagtapos kong iayos sa kwarto ang mga gamit ko ay pumunta ako kay Nix, magpapasama ako sa pamimili ng mga gamit.

"Nix?" tawag ko habang kinakatok ang pintuan ng bahay nya,

"What?" bungad na tanong nya pagkabukas ng pinto,

naka- white na syang sando at itim na shorts,

"I want to buy things for my house and for myself"

Sinarado nya ang pinto, akala ko ay hindi nya ako sasamahan kaya naman aalis na sana ako. Pero bago pa ako makaalis ay bumukas muli ang pinto, naka-white t-shirt na sya at pantalon,

"I talked to my friend, he said he knows a place where you can exchange your diamonds for money" sabi nya habang nakatingin sa cellphone nya na nagkaroon ng konting basag dahil sa pagbato ko kanina,

Hindi ko na sya sinagot pa, sumunod na lang ako sa paglalakad nya. Sumakay din ako sa taxi na tinawag nya. Hindi nagtagal ay bumaba kami sa isang flower shop,

"Nix my man! ooh, hindi mo naman sinabi na may chix kang kasama pre" isang lalaki mula sa flower shop ang sumalubong samin, he's tall and quite muscly, has a heart shaped mouth and tanned skin,

at ano nga raw yun? chicks?

lumingon lingon ako para hanapin yung chicks daw, hindi ba sisiw ang chicks? wala naman kaming kasamang sisiw?

"Who are you looking for?" tanong ni Nix nang mapansin ang paglingon-lingon ko,

"Yung chicks? sabi kasi nya ay may sisiw daw tayong kasama" inosenteng sagot ko,

"BWAHAHAAHHAHAHA, hindi lang maganda, joker pa! I think I like you, you're cute" wika nung lalaki at kumindat pa sakin,

"Where can we exchange the diamonds? Saan 'yung lugar na sinasabi mo? siguraduhin mo lang na legal at maayos 'yan, alam mo naman na maraming illegal at manloloko pagdating sa ganito" seryosong sabi ni Nix,

"Teka, hindi mo ba muna ako ipapakilala kay Ms. Beautiful?"

Bago pa ako ipakilala ni Nix na hindi ko alam kung balak nga nya, inilahad ko ang kamay ko sa lalaki, baka isipin kasi nito ay masama akong tao kung hindi ako magpapakilala sa kanya,

"Hi, my name is Xyrelle"

agad naman nyang inabot ang kamay ko,

"Oh the voice of an angel! I'm Trev, it's a pleasure to meet you binibini"

may sasabihin pa sana ito kaya lang bigla itong hinila ni Nix sa damit kaya napabitaw ito sa kamay ko,

"We're not here for your b*llsh*ts Trev" madiin ang pagkakasabi ni Nix, ngunit imbes na matakot ay tinawanan lamang sya ni Trev,

"Okay okay, masyado talagang maiinitin ang ulo mo Nix, tara na nga"

"Anong tara na?" nakakunot noong tanong ni Nix,

"Tara na, sasamahan ko kayo sa lugar na sinasabi ko" sagot ni Trev,

"What? ang sabi mo ituturo mo lang samin, wala kang sinabi na sasama ka"

nasa likod na ako ni Nix, magkaharap sila ni Trev kaya hindi ko na nakikita ang ekspresyon nya pero bakas sa tinig nya ang pagka-inis,

"Easy, masyadong tago ang lugar na 'yun kaya hindi magiging madali ang paghahanap ninyo kung sasabihin ko lang. Mas mabuti kung sasamahan ko kayo"

bumuntong hininga si Nix at pumayag na rin na sumama si Trev dahil nag-alok ito na sasakyan na lang nya ang gagamitin para raw mas madali ang pag-byahe namin,

si Trev ang nag-mamaneho, katabi nya sa unahan si Nix at ako naman ay nasa back seat,

si Nix ang may dala ng mga gold bars,

"May money card ka Xyrelle ganda?" tanong ni Trev,

money card? ano yun?

"She doesn't have one" si Nix ang sumagot para sakin,

"Hindi bale, ipapalakad ko na rin doon sa kakilala ko. Pero one week pa 'yun bago mo makuha, but don't worry dahil mapagkakatiwalaan naman 'yun. 101% ang tiwala ko dun, pagkagawa na pagkagawa ng money card mo ay mai-ta transfer kaagad ni master ang lahat ng pera mo dun" paliwanag ni Trev ngunit miski isa sa mga sinabi nito ay wala akong naintindihan,

•••

"Nandito na tayo"

tama nga ang sinabi ni Trev, masyado ngang tago ang lugar na ito. Maraming pasikot-sikot ang dinaanan namin bago kami makarating dito. Dalawang palapag ang halos paluma nang gusali at may nakalagay na malaking signage sa itaas nito,

'Gleaming Shop'

itinulak na ni Trev ang pintuan at pumasok na kami,

"Master!" bati ni Trev sa isang matandang lalaki na nakaupo sa loob ng shop at may pinupunasan na gintong plato, maraming kumikinang na bagay na naka-display sa shop, nakalagay ang mga ito sa mga glass cabinet, mukhang luma lang ang labas ng shop ngunit sobrang linis naman sa loob, may dalawang sofa na magkaharap at isang lamesa sa gitna.

May isang kwarto rin at may nakasabit sa pinto na,

'Authorized Person Only'

Pinaupo kami ng matanda sa sofa, katabi ko si Nix at nasa kabilang sofa naman si Trev na kaharap ko at yung matanda,

"Nasaan ang mga dyamante na sinasabi mo?" tanong nung matanda kay Trev, bago pa makasagot ay inilabas na ni Nix ang dalawang supot na dyamante at ipinatong sa mesa,

"Legit ang mga 'yan master" wika ni Trev sa matanda na ngayon ay sinusuri na ang mga diamonds,

"Trevor, mabuti pa at isunod mo 'yan sa akin nang masuri kong mabuti" tumayo ang matanda at pumasok sa silid, sumunod naman si Trev dala ang mga supot.

"What's a money card?" tanong ko kay Nix nung maiwan kaming dalawa,

"It is a card where you can deposit and withdraw your money. Para hindi ka na mahirapan magdala ng cash, pwedeng iyon na ang gamitin mo kapag bibili ka ng kahit na anong gusto mo sa mga department stores. Merong mga machines sa bayan kung saan pwede mong i-withdraw ang pera mo, it requires a pin bago mo magamit ang money card" he explained,

Hindi ko naman ito naunawaan, siguro ay magpapaturo na lang ako kung paano ito gamitin kapag nakuha ko na ang money card ko.

The Mischievous PrincessWhere stories live. Discover now