•IV•

3 2 0
                                    

THE MISCHIEVOUS PRINCESS

Chapter Four: Princess Zephaniah

I need to escape! bukas na bukas din!
Tama si Lily, hindi masasagot ang lahat ng mga katanungan sa isip ko kung hindi ko susubukan na pumunta sa bayan.

Alam ko at ramdam ko na sa bayan ko lang mahahanap ang aking tunay na katauhan,

at isa pa ay hindi ko gusto na magpakasal sa kahit na kanino,

"Lily, I need your help"

Aalis bukas ang mga tao rito, kaya't natitiyak ko na maraming kawal ang isasama nila at natitiyak ko rin na mas madali akong makakatakas kapag wala sila,

"Ano po iyon, mahal na prinsesa?"
tanong nya, isinira ko muna nang mabuti ang pinto ng aking silid upang walang makarinig samin,

"Tatakas ako bukas, at hindi ko magagawa yun kung mag-isa lamang ako"

I know that I have her loyalty kaya naman hindi ako takot na sabihin sa kanya ang plano kong pagtakas,

"Sigurado na po ba kayo riyan sa inyong plano mahal na prinsesa? Bago nyo po marating ang bayan ay dadaan muna kayo sa kagubatan" tila nag-aalalang wika nya,

"I'm one hundred and one percent sure Lily, marami akong tanong na gusto ng kasagutan. At hindi ko mahahanap ang sagot kung narito lamang ako magkukulong sa palasyo"

Desidido na akong tumakas, gusto kong ako mismo ang makatuklas ng tunay kong pagkatao. Hindi ko rin alam ngunit batid ko na nasa bayan ang sagot, gusto ko rin makahanap ng mga tunay na kaibigan at patutunayan ko kay Ama na hindi masasama ang mga taong bayan. At patutunayan ko rin na hindi ako isang puppet na pwede nyang kontrolin sa lahat ng pagkakataon,

"Kung ganoon ay tutulungan ko po kayo sa abot ng aking makakaya, ngunit ipangako nyo sa akin na magiging ligtas kayo"

"Don't worry about me Lily, kaya kong protektahan ang sarili ko"

"Paano po kung may makakilala sa inyo? Alam nyo naman po na tanging ang mga ipinanganak sa royal family ang may asul na mata. Madali po kayong makikilala mahal na prinsesa"

She's right, ang mga mata ko ay asul dahil isa nga akong prinsesa. Tanging ang mga Royal Blood lamang ang may asul na mata, kaya madali nga akong mahahalata ng mga taong bayan kung sakali mang makatakas ako,

"Don't worry, I have contact lenses" natatawang saad ko kay Lily,

Madali kong matatakpan ang mga mata ko sa pamamagitan ng contact lense na itim.

"Ano po iyong contact lenses?" nagtatakang tanong nya,

"Isinusuot yun sa mga mata kung gusto mong ibahin ang kulay nito"

"Maliwanag po, kung desidido na po ang pagtakas nyo. Ano po ang maitutulong ko?"

Hindi kasi ako maaaring lumabas ng palasyo nang naka-gown o mamahaling dress,

"Can I borrow some of your clothes? mamahalin ang tela ng aking mga damit kaya tiyak kong mahahalata ito kung ito ang susuotin ko papunta sa bayan"

"Walang problema mahal na prinsesa"

Niyakap ko sya dahil sa tuwa, tapos ay sinabi ko na sa kanya ang magiging plano ko para makatakas bukas. Sya ang kailangan ko para ma distract ang mga nagbabantay na kawal sa mismong gate ng palasyo. Hindi ako dadaan sa main door ng palasyo dahil may mga nagbabantay din doon na mga kawal bukod sa mga kawal sa gate. Sa bintana ako ng aking kwarto dadaan, pagbaba roon ay bubungad sakin ang garden doon ako dadaan patungo sa gate para hindi makita at mahalata ng iba pang mga kawal. Pagtapos ay inaasahan kong wala na ang mga kawal sa gate dahil sa pinagawa ko kay Lily, at doon na ako lalabas ng gate!

Ang pinoproblema ko na lang ay ang pagbaba sa bayan, dadaan ako sa masukal na kagubatan at hindi ko batid ang mga kalaban na naroon.

Aish! tsaka ko na lang nga poproblemahin yun kapag nakalabas na ako ng palasyo,

"Mag-iingat ka mahal na prinsesa, hindi mo alam ang naghihintay sa iyong panganib sa kagubatan. Hindi ko alam ang gagawin kapag may nangyari sa iyo" natutuwa ako na nag-aalala sakin si Lily, kahit hindi nya sabihin ay alam kong kapatid na rin ang turing nya sakin,

"Don't worry Lily, mag-iingat ako para sayo. 'wag mong sasabihin kahit na kanino ang pagtakas ko okay? kapag tinanong ka ni Ama kung sakali man na makalabas nga ako, 'wag na 'wag mong sasabihin na may alam ka dahil ayaw kong mapahamak ka Lily"

tango lamang ang iginanti nya at nagulat ako nang bigla akong yakapin nito,

"Wala pa man ay nalulungkot na ako sa iyong pag-alis mahal na prinsesa, 'wag mong pababayaan ang sarili mo dun ha?"

sabi na nga ba at mahalaga ako rito kay Lily eh, buti pa sya,

" Huwag ka nang mag-alala, bukas ka na umiyak dahil hindi pa nga ako nakakatakas eh" biro ko sa kanya,

"Mag-iingat ka pa rin, sya ako po muna ay magtutungo sa aming silid upang ayusin ang damit na inyong hihiramin mahal na prinsesa"

Pagka-alis ni Lily ay inihanda ko na rin ang aking mga dadalhin, I'll take my bow and arrow with me para may laban ako kung sakali man na may masamang mangyari sa kagubatan.

Inilabas ko ang contact lenses na itim, magdadala rin ako ng mga salapi para makabili ako ng mga gamit at damit sa bayan.

Bukas na bukas din, 'pag alis nila ay ipapaputol ko ang aking buhok. Para naman hindi ako makilala kung sakali man na ipahanap ako ng aking Ama. Hanggang lagpas ng bewang ang buhok ko at ipapaputol ko ito na hanggang taas ng balikat, si Lily ang gagawa nun dahil sya lang naman ang nakaaalam ng plano ko at bihasa rin sya sa pag-gupit ng buhok.

Ano pa ba ang mga dapat kong dalhin?

Habang nag-iisip ay pumasok na si Lily sa aking silid dala ang mga damit na hiniram ko,

"Ito ang inyong suotin 'pag aalis na kayo bukas mahal na prinsesa"

itinuro nya sakin ang jacket na itim at jeans na itim din, kasama rin ang rubber shoes na itim,

"Hinding-hindi nga ako makikita sa dilim nyan" pagbibiro ko na syang ikinatawa nya,

Sa loob ng jacket na itim ay may v-neck T-shirt akong suot,

"Ito pong mga dress ko ay tiyak kong nababagay sa inyo, kaya dalhin nyo po ang mga ito"

"Salamat Lily, doon na lang din ako bibili ng iba ko pang gagamitin"

"Mahal na prinsesa, saan po pala kayo tutuloy kapag nakapunta na kayo sa bayan?"

Oo nga noh? where am I gonna stay? saan ako matutulog at titira?

"Bibili ako ng bahay doon" seryosong saad ko ngunit tinawanan nya lamang ako,

"Why?" I asked,

"Sabi sa akin ni Lady Mirna ay hindi raw ganoon kadali ang pagbili ng bahay sa bayan, maraming proseso raw ang kailangan. Ngunit mayroon daw sa bayan na tinatawag na 'apartment' maaari ka raw makitira doon ngunit babayaran mo iyon kada buwan. Ang pinag-aalala ko lamang po ay paano kung maubos na ang dala nyong dyamante? paano kayo mabubuhay doon?"

Napaka-kumplikado nga ng bagay na 'yan,

"I will look for a job, tama! magtatrabaho ako at mag-eenroll sa paaralan nila. Ayy, 'wag na nga muna natin isipin yun. Ang mahalaga ay makatakas ako sa palasyo"

Tsaka ko na poproblemahin ang ibang bagay kapag nasa bayan na ako...

The Mischievous PrincessWhere stories live. Discover now