Chapter Three

350 40 5
                                    

You're only looking for trouble.

Ani Sapphire sa kanyang sarili matapos niyang ipasok ang lalaki sa loob ng kanyang bahay. She knew she should've left him out there and never meddle with a stranger but a voice inside her mind told her otherwise.

Hinubaran niya ito dahil basang-basa ang mga damit. Sanay siyang makakita ng hubad na katawan ng lalaki kaya't walang problema sa kanya. Kita niya na may mga galos at sugat ito sa ilang parte kaya't ginamot muna niya iyon. Hindi niya alam kung saan ito galing o kung ano ang nangyari rito ngunit halatang daplis ng bala ang nakuha nito sa may tagiliran.

Hindi siya maaaring magkamali dahil buong buhay niya ay sanay siya makakita ng iba't ibang uri ng sugat.
Isang palatandaan iyon na hindi dapat siya maging kampante kahit pa walang malay ito. Wala rin siyang damit panlalaki para ipamalit sa hinubad niya mula rito kaya't binalutan na lamang niya ang katawan nito ng kumot.

Magdamag siyang nagbantay dahil malakas pa din ang bagyo at wala pa ding malay ang lalaki. Rinig na rinig ang ugong ng hangin sa labas at ang malakas na hampas ng alon sa dagat. Pinakatitigan niya ang mukha ng kasama habang iniisip kung saan ito nagmula at kung paano ito nakarating sa lugar niya.

Hindi naman siguro ito tauhan ng FLAW o binayaran ni Madame upang magmanman sa kanya o upang gawan siya ng masama. Though the man looks dangerous, and even when he is unconscious, his presence is shouting seriousness and danger. She must prepare herself for whatever comes her way. Anything can happen including a threat from a stranger. So she hid a knife somewhere near just in case she'll need it.

Hindi siya makatulog dahil sa pagbabantay. She doesn't want to let her guard down and kept on watching him. Napansin niya na parang nanginginig ang katawan nito at nangangatal ang mga labi. Nang lapitan niya ay saka niya napagtantong inaapoy na ito ng lagnat.

Mabilis siyang kumuha ng pamunas at malamig na tubig upang punasan ang katawan nito para mabawasan ang init sa katawan. Ngunit naroon pa din ang panginginig nito kaya't may naisip siyang gawin.

They were taught everything on the island including human anatomy and physics. And she knew that the only way to help him is to share body heat. So she lie down beside him and went under the blanket and move her body closer to his- a skin-to-skin contact.

Habang nakadikit sa binata ay pinagmasdan niya ang mukha nito. Matangos ang ilong at mahaba ang pilikmata. Halatang may halong banyaga dahil sa kulay at tangkad nito. Maganda rin ang pangangatawan, halatang batak sa gym o kung sa ano mang trabaho nito. At ang labi na unti-unti nang tumitigil sa pangangatal ay mamula-mula at bahagya pang nakaawang.

Yeah, the man is undeniably gorgeous and hot but it does not affect Sapphire at all. And bringing their bodies closer together does not give any effect on her. She's just helping him get through the night, that's all.

Nakatulog din siya ng ilang oras at nagising lang nang gumalaw ang lalaki. Mabilis siyang bumangon at lumayo mula rito lalo na nang magmulat na ito ng mga mata.

"Beautiful" Iyon ang unang lumabas sa bibig nito. "Am I dead?" Tanong nito sabay kunot ng noo pa. "Coz I'm seeing an angel."

Lux didn't utter a single word and just observed the man. When he moved a little, she instantly took the knife she kept and pointed it at his neck.

"Whoah!" Gulat na sambit ng lalaki. "What the hell?! I take back my words, you're not an angel."

"I'm far from being one." Aniya na mas diniinan pa ang kutsilyo sa leeg nito.

"Hey, careful with that! I'm sure now that I am still alive but not for long, I guess." At napalunok pa. "Why are you doing this?"

"Who sent you?" Tanong ni Lux.

F.L.A.W Series Book 4: SAPPHIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon