Chapter Twenty-Two

288 34 11
                                    

"That was a hell of a show!" The host said and snaps Sapphire from her state of sleep.

She blinked a couple of times as if she had literally just woken up. She didn't understand why the host is congratulating her and the crowd are cheering her name. But when she turned her head to look around, she saw the snakes which were split in two, and then her opponent- now lying on the floor, swimming in a pool of blood.

Nagulantang si Lux sa nakikita. Hindi ito ang unang pagkakataon na nakakita siya ng isang katawan na duguan. Ngunit ang ikinababahala niya ay ang kaalamang siya ang may gawa niyon subalit hindi niya matandaan kung papaano niya iyon nagawa.

Sh couldn't remember how did she managed to defeat her enemy or needless to say, how did she strike Medusa and leave her bleeding to death.

Dahan-dahan pa siyang humakbang upang lapitan ang naghihingalong babae. Puro ito sugat sa katawan na nagmula sa pagkumpas niya ng kanyang sandata.

Itinaas niya ang dalawang kamay na hawak pa din ang Twin Katana at kita niya ang bahid ng mga dugo roon. Siya talaga ang may kagagawan, siya talaga at wala nang iba.

"Damn, y-you're r-real." Ani Medusa kahit hirap nang magsalita. "G-Gems are real, huh?" Sabay ubo na ng dugo.

"Refrain from talking." Awat niya at inikot pa ang tingin sa paligid upang ipaalam na kailangan ng tulong ng babae ngunit walang kumikilos, walang may balak tumulong.

"N-no one cares for the l-losers." At muli na namang umubo. "No one w-will help so don't b-bother yourself to look anymore."

"I'm sorry." Mahinang usal ni Saph sabay luhod sa gilid nito dahil hindi niya alam kung may saysay pa ba ang paghingi niya ng tawad sa nagawa.

"I didn't know that Gems have warm hearts. I thought yours are made of stone." And then winced in pain.

"How did you know?" Tanong niya.

Mahina lang ang mga boses nila at sila lamang ang nakakarinig.

"When you started striking me, I knew that I am up against an elite assassin- the famous Gems. And at that moment, I knew, I won't leave this ring alive." And winced again and her breathing becomes hard and shallow. "It's good to die in the hands of a worthy opponent."

"Medusa-" Sapphire called but when the woman smiled and closed her eyes slowly, she knew she was gone already.

Nanatiling nakatanghod si Lux sa bangkay ng kalaban habang patuloy pa din ang pagcheer sa kanya ng mga tao. May patay na ngunit tila ba nagsasaya pa ang lahat sa kabila niyon. Talaga ngang marahas na ang mundong ginagalawan at wala nang mga awang natitira sa mga puso ng tao.

Nang tumayo na siya mula sa pagkakaluhod pagkatapos niyang punasan ang bahid ng dugo sa kanyang sandata at isukbit iyon sa kanyang likuran ay tumabi sa kanya ang host at kinuha ang isang kamay upang itaas. Muli na namang naghiyawan ang mga manonood habang isinisigaw ang pangalan niya.

She remained her poker face until she went out of the ring. She didn't even bother to react or mind the other fighters who congratulated her. But she took a mental note of those who gave her a threatening look. She knew that she gained another attention for brutally killing her enemy. She was the first one among the other first set of fighters who entered the ring to draw the first blood- the first kill and it made her a new target for everyone.

Pagkapasok niya sa VIP room ay sa CR agad siya dumirecho at doon niya pinagmasdan ang sarili sa salamin. May mga talsik siya ng dugo sa mukha at kung titingnan nga siya ay talagang matatakot ang mga taong lapitan siya. She looked like a dangerous wild animal who just finished devouring her prey.

F.L.A.W Series Book 4: SAPPHIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon