Chapter Eleven

391 45 6
                                    

Hindi naman ipinagtaka ni Saph na magkakilala ang dalawang lalaki dahil sa pagdalo ni Finnegan sa gabing iyon. Halatang madalas manood ang binata dahil kilala nito si Cornejo at ang ilang mga kasosyo nito maski na si Juggernaut. Ngunit ang hindi niya maintindihan ay ang tensyon sa pagitan ng dalawang lalaki na kung saan siya ang involved.

Men and their testosterones.

Aniya sa sarili habang nagbibihis sa loob ng nakatalagang kwarto para sa kanya. Doon na siya dumirecho upang makapagpalit muli ng damit. Saglit siyang naputol sa pag-iisip nang may kumatok roon.

"You don't need to go with him. You're not part of his prize." Saad ni Juggernaut pagkabukas niya ng pinto.

Pumayag kasi siya na sumama kay Finn upang matigil na ang namumuong bigat sa loob ng opisina ni Cornejo kanina. At bakas sa mukha ng lalaki ang inis dahil sa naging desisyon niya.

Dahil magkaharap sila ay mas nakita niya ang itsura nito. Malakas ang dating ng lalaki at hindi nakabawas ang peklat nito sa kagwapuhan nito. His burned scar only added to his mysterious effect that keeps her drawn to him.

"It's alright. I can handle him." Aniya na inayos na ang dalang duffle bag para umalis na sa lugar na iyon.

"Do you know what kind of man Finnegan Brandt is?" Tanong nito sa kanya nang lagpasan na niya ito palabas ng kwarto. "He's a pro when it comes to women. He knows how to play with them and anyone who wants to enter his game should always be ready to follow his rules."

Nilingon niya ang lalaki saglit at binigyan ng walang emosyong reaksyon.

"Too bad, I hate playing games and...." Pambibitin pa niya. "....I don't care about his rules coz I have my own set of rules too." Sabay talikod na at naglakad palayo at hindi na nilingon pa kahit may pahabol pa itong sinabi sa kanya.

"Just be careful." Sigaw nito.

Paglabas niya ng compound ay natanaw na niya si Brandt na nakasandal sa itim na Jeep Rubicon nito.

"Akala ko hindi ka na lalabas dahil pinigilan ka ng mga tao dyan sa loob." Nakangiti nitong sabi. "I'm happy that you chose to be with me." Sabay bukas ng pinto sa passenger seat. "I'm sure you're starving after that awesome fight. May alam akong masarap na kainan dito sa may Laguna na bukas pa din ng ganitong oras. Masarap yung pares nila-"

"I'm not hungry." At saka nilagpasan na ang binata at dumirecho sa kung saan naka-park ang motor niya.

"Eh di ihahatid na lang kita pauwi. Saan ka ba tumutuloy?" Na sumunod pa sakanya.

"As you can see, I can drive my way back home." Sabay muwestra sa motor niya. "Kaya umuwi ka na din." At akmang sasakay na nang hawakan siya nito sa braso para pigilan.

"What are you doing in this place, Luxury?" Tanong nito na dumiin pa ang pagkakahawak sa kanya. "How did you end up working with Norberto Cornejo? The last time we saw each other, you were living peacefully on an island where you don't socialize with people that much so I'm surprised to see you here."

Saglit niyang tiningnan ang mukha nito dahil ayaw niyang maulit ang nangyari kanina na napatitig siya rito.

"I'm surprised to see you here too. You're really into some illegal shit, aren't you?" Balik niya rito.

"Yes, and so are you." Anito na hindi niya nakontra pabalik. "Alam mo ba ang pinasok mo? Malabo nang maging tahimik ang buhay mo rito. Why did you do it? Is it about the money?"

F.L.A.W Series Book 4: SAPPHIREWhere stories live. Discover now