Chapter Seven

325 40 8
                                    

They tried to track down Madame Pearl but they got nothing. Nagpaiwan pa si Saph roon para tumulong sa pagiimbestiga habang si Ruby naman ay bumalik na ng Pilipinas dahil sinundo na ng asawang si Percy.

Naka-high alert na ang ahensiya ng SIATT para maghanda sa kung anuman ang binabalak ng matanda kaya't nagpaalam na rin si Lux at maghihintay na lamang ng balita mula sa kapatid na si Diamond kapag may bagong impormasyon na.

Pagkabalik niya sa isla ay mga kuryosong tingin na naman ang isinasalubong sa kanya ng mga tao roon. Marahil ay nagtataka kung saan siya nagpunta at nawala siya ng halos isang buwan. Katulad ng dati ay deadma lang ang ginawa niya dahil wala siyang pakialam. Dumirecho lang siya sa kanyang bahay at naglinis roon.

Pagkatapos ng paglilinis at pagliligpit niya ay hindi na niya nagawang magpahinga dahil sa pagsulpot ng mga munting bisita niya.

"Nakabalik ka na po, Ate!" Masayang bati sa kanya ni Len-Len na napayakap pa sa katawan niya. "Na-miss ka po namin."

Lux stood still and didn't move. She didn't expect the kid to hug her, it caught her off guard.

"Akala namin di ka na po babalik." Si Toteng na may pinaghalong saya at lungkot ang ngiti. "Palagi po kaming naghihintay sa pagbabalik niyo po."

"Kami po nagbantay sa bahay niyo po nung wala kayo." Si Arlene ulit. "Chineck namin ni Kuya nung nakaraan kasi umulan po ulit dito eh. Di lang po namin macheck sa loob kasi po naka-lock, pero hinarangan po namin mga bintana po para di makapasok yung ulan."

"Hindi niyo naman kailangang gawin iyon." Aniya na humiwalay na mula sa akap sakanya ng bata dahil naaasiwa siya. "Hindi niyo responsibilidad na bantayan ang bahay ko kapag wala ako." Napalunok pa siya dahil tila may bikig sa lalamunan niya.

"Gusto lang po namin gumanti ng kabutihan sa inyo dahil po pinapakain niyo kami ng libre." Si Toteng.

"Oo nga po, Ate. Dahil po kasi sa inyo nakakakain kami ng masarap." Segunda naman ni Arlene.

"Kaya niyo ginagawa to kasi gusto niyo lang makakain, ganoon ba? Na kaya lang kayo nandito kasi nakikinabang kayo sakin?" May halong sarkasmo iyon na hindi niya alam kung bakit niya ginawa.

Lux saw the pain cross their little faces. Kaagad naman niyang pinagsisihan ang nasabi dahil nabigla lang siya sa isinalubong ng dalawa. Hindi siya sanay na may nagmamalasakit sa kanya bukod sa mga kapatid niya. At mas lalong hindi siya sanay na may naghihintay sa kanyang pag-uwi.

"Pasensiya na po kayo kung lagi po namin kayong naaabala." Sabi ng batang lalaki na hindi na makatingin sa kanya ng direcho. "Hayaan niyo ho, hindi na ho kami mang-iistorbo sa inyo ng kapatid ko." At saka hinila na ang kapatid para umalis.

"Kuya, teka lang, kararating lang ni Ate Lux eh. Gusto ko pa makipagkwentuhan sa kanya at tanungin kung sa Maynila ba siya galing." Na ayaw pang magpahila sa kapatid.

"Huwag ka nang makulit, Len-Len. Naiistorbo na natin siya kaya umuwi na lang tayo!" Na mas hinitak pa nang malakas ang nakababatang kapatid.

"Pero Kuya-"

"Kumain na ba kayo?" Putol ni Saph sa dalawa na halos di pa nakakalayo sa bahay niya.

"Hindi pa po - Opo-" magkasabay na sagot ng dalawa na nagkatinginan pa.

"Anong Oo, Kuya? Hindi pa kaya tayo kumakain simula kaninang umaga diba?" Nakakunot-noong sabi ni Arlene.

"Sa bahay na tayo kumain! Tara na!"

"Eh wala namang pagkain sa bahay, tsaka baka maabutan na naman natin si Tatay dun." May halong takot ang boses.

"Basta, gagawa na lang ako ng paraan para makahanap ng pagka-"

F.L.A.W Series Book 4: SAPPHIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon