Chapter Thirteen

383 36 2
                                    

Palaisipan kay Saph ang huling sinabi sa kanya ni Nate. He said those things as if he knew Brandt that much. Kung sa bagay ay hindi naman talaga niya kilala ang lalaki at nagkataon lang na natulungan niya ito dati noong mapadpad ito sa isla.

Pagkapalit niya ng damit at pagkakuha sa mga gamit niya sa kwarto ay lumabas na siya ng compound. Doon ay naabutan niya si Finn na nakasandal sa motor nito.

"Why are you here?" Tanong agad niya rito pagkalapit.

"I wanted to see you." Malapad na ngiti ang ibinigay sa kanya. "Galing ako dun sa apartment mo pero wala ka. Kaya ko naisipang dumirecho dito."

"Now that you've seen me, what now?" She sounded a little annoyed.

"Bakit parang galit ka? Did I do something wrong again?"

Nagpakawala muna si Lux ng buntong hininga bago sumagot.

"I'm just not in the mood, Brandt. I'm doing some training coz I need to be part of the incoming battle next week."

"Next week pa naman pala eh, wag mong pagurin ang sarili mo. You need to relax, Lux." Sabay ngisi. "Come on, I'll take you to my world." Aya nito.

"You've already shown me your world the last time."

"But not yet the other side." Sabay kindat.

"The other side?" Ulit niya.

"Yeah. Kaya tara na." At saka ito sumakay na sa Ducati bike nito. "I'm sure you would want to ride your own bike so I brought my own."

Dahil nakapagdesisyon na siya kanina na sasama kay Finn upang makaiwas kay Nate ay tinungo na niya ang kanyang motorsiklo at pinaandar na iyon. Nakaalalay lang ang pagmamaneho ng binata dahil inaantabayanan siya. Alam niyang kung nasa isang race ito ay paniguradong kanina pa nito pinaharurot ang bike nito.

Binilisan niya ang takbo at humabol din ito sa kanya ngunit naabutan siya nito at sumenyas sa kanya na mageexit sila sa susunod na exit ng SLEX. Nagtaka pa siya ng ang daan patungo sa apartment niya ang tinatahak nila. Nang marating nila ang kanto ng tinutuluyan niya ay saka lamang sila huminto.

"What are we doing here?" Tanong niya agad.

"You might want to change your outfit." Anito na itinuro pa ang suot niyang t-shirt at joggerpants.

Galing siyang training at tshirt lang ang dala niyang pamalit kanina ngunit kung sa sosyal na lugar siya dadalhin nito ay wala siyang naitatabing bestida na maisusuot niya. Bukod sa hindi siya mahilig ay alam niyang hindi naman niya iyon magagamit dahil wala siyang hilig sa mga sosyal na pagtitipon.

"San ba kasi talaga tayo pupunta? If you're planning to bring me to some fancy gathering, I don't-"

"It's nothing fancy." Putol nito. "I just want to treat you to some relaxation. I'm bringing you to my hideout."

Kumunot ang noo niya doon.

"What hideout?" Tanong niya.

"A bar." Sabay muwestra na sa apartment niya. "So go and get change. I'll wait for you."

Alam niyang dapat ay iwasan na niya ito gaya ng payo sa kanya ni Nate ngunit ni minsan ay hindi naman siya nito pinakitaan ng di maganda. Ang medyo kinababahala lang niya ay ang pakiramdam niya na mapanganib ang lalaki at ibang klaseng panganib ang tinutukoy niya.

F.L.A.W Series Book 4: SAPPHIREDove le storie prendono vita. Scoprilo ora