Chapter Twenty-Three

263 27 3
                                    

When Saph heard her stage name being called she went out straight and entered the ring. She didn't mind her surroundings even though her name was the one being cheered by the crowd. Her mind was focused on her enemy alone.

Matiim niyang pinagmamasdan si Sasha na nasa may bungad ng pasukan ng ring. Nakatayo lamang ito roon habang nakatitig rin sa kanya pabalik.
Kita niya na kahit mukhang matapang ito ay may pag-aalinlangan pa rin na maaaninag sa mga mata.

But when Kazakova stood behind her and injected her with a serum, all emotions faded slowly on her face. She just stared blankly at her like a robot.

Alam ni Lux na ang 'Crimson Death' ang itinurok ng matandang Russian sa tauhan nito at ngayon nga ay nakakasiguro na siya na may access ito sa droga kahit pa patay na pareho ang magkapatid na Weber.

Does this mean he was the one who took over the Syndicate's drug operation? Was he the one whom Madame Pearl was talking about before she died? And was he the one who flipped the switch of the chip inside my head?

Iyon ang mga katanungan sa isipan ni Saph habang nakatitig ngayon sa kanyang kalaban at sa matandang lalaki na nasa likuran nito habang may ibinubulong.

"Don't stop until she's down. Make me proud my 'Belladonna'." Malakas na sigaw ni Kazakova bago umalis na roon.

It's as if Madame Pearl's voice echoed inside her head because of that. Ganoon din kasi ang isinasambit nito bago sila sumabak sa mga misyon nila noon.

Make me proud!

This man was like a copycat of the Weber siblings. He uses drugs for personal gain to win and he remembers Saph as part of the FLAW too, which means that he knew as well that she was a traitor to her former organization.

Mabilis na pumosisyon si Lux at saka binunot na niya ang kanyang sandata mula sa kanyang likuran. Alam niyang wala nang takot, kaba o kahit na anong pag-aalinlangan ang kalaban niya kaya naman hindi na niya sinubukan pang kausapin ito.

Nang sumugod na ito sa kanya ay kaagad siyang kumilos upang salagin ang hampas ng sandata nito sa kanya. The woman is using a spear as a weapon and she knew that the tip of the blade is laced with deadly nightshade poison because she wasn't called Belladonna for nothing.

Magaling din lumaban ang babae at dahil nga nasa ilalim ito ng droga ay hindi nito alintana ang mga sugat na natatatamo nito mula sa mga atake niya. Saph knew that the woman doesn't feel any pain and she will just keep on attacking her until one of them is down.

Kung kagaya siya noon na isang Gem ay brutal na niyang sasaktan ito, uunahan na niyang patumbahin bago pa man siya nito mapuruhan. Ngunit ngayon ay may pag dadalawang isip na siya sa mga ikinikilos at iyon ang nagpapahirap sa sitwasyon niya.

"Fuck, that was close!" Aniya nang kamuntik na siyang matamaan ng talim ng sandata nito.

Kung nalaman lang sana niya nang mas maaga na ang babae pala ang makakalaban niya ay nakagawa pa sana siya ng antidote para sa lason nito dahil tinuruan sila noon sa isla na gumawa ng mga lason bilang sandata. At iyon nga ang naging isa sa mga naging sandata ng kapatid niyang si Ruby. At sigurado siya na doon lang din ginaya ng grupo ni Kazakova ang lason na gamit.

Marahil ay sinadya talaga ng matanda na biglain siya sa pagkakaroon ng laban ngayon upang hindi siya makapaghanda dahil nga kilala na siya nito bilang isang dating Gem at alam nito na hindi siya basta-basta madaling kalabanin. But this time, they have the advantage against her.

F.L.A.W Series Book 4: SAPPHIREWhere stories live. Discover now