Chapter Nine

328 39 4
                                    

Hindi makapaniwala si Saph na ang buhay na natakasan niya noon at ayaw nang balikan pa ang siyang kababagsakan niya ngayon. Noon pa man ay itinatak na niya sa sarili na huwag makipaglapit kahit kanino upang hindi niya mapasok ang ganoong sitwasyon.

At a young age, she was already exposed to violence and suffering and the first thing she learned was to never trust anyone and never let them get close to her. Coz it's either they'll stab her in the back or she'll end up tied to their businesses. And that's what she got when she tied herself to the kids' problems.

Pumayag siya sa gusto ni Norberto Cornejo, ang masali sa grupo ng mga manlalaro nito kapalit ng kalayaan ni Toteng. They come up with an agreement and made some arrangements. She can still do things that she wants but if she has a scheduled fight, she must focus on it. Hindi naman siya literal na nakakulong sa grupo dahil hindi naman siya binabantayan nang todo, ngunit pinagbantaan na siya na kapag tumakas siya o may hakbang siya gagawin upang ipahamak ang lalaki ay ang mga bata ang babalikan nito.

They won't bother her personal errands but she must never jeopardize Cornejo's business. Hindi siya maaaring magsumbong sa mga kinauukulan dahil maraming hawak ito sa mga kapulisan. At kahit pupwede siyang humingi ng tulong sa kapatid sa pamamagitan ng organisasyon ng SIATT ay minabuti na lamang niya na itikom ang bibig dahil ayaw niyang ipahamak ang mga bata.

If only herself is involved, she would've taken Cornejo down by whatever means necessary because she doesn't care about the consequence. But it's a different story when there's another person that is involved, especially innocent ones.

Kaya naman nang pakawalan na ay hinatid niya pabalik ng isla si Toteng upang magsama na ang magkapatid roon. Kinausap na lamang niya ang kapitan na tulungan ang dalawa na hanapan ng pansamantalang magbabantay. Sa bahay niya ipinatira muna at sinabi niya na may kailangan kasi siyang ayusin at madalang siyang makakauwi.

Hiniling din niya kay Anthony na isekreto na lamang ang naging kasunduan nila ni Cornejo lalong lalo na kay Arlene. Gusto niyang makapamuhay na ang dalawa ng normal, lalo na't nasa kustodiya na ng mga pulis ang ama ng mga ito na si Mang Allan.

"Bakit po kasi kayo aalis, Ate?" Tanong ni Len-Len sa kanya habang nag-iimpake na siya ng mga damit.

"May trabaho kasi ako sa Maynila." Aniya na sinulyapan pa si Toteng na tahimik lang na nakatingin sa kanya. "Dadalaw-dalawin ko naman kayo kapag wala akong pasok."

"Eh kami po ni Kuya, pwede ka ba namin dalawin sa trabaho mo?"

"Huwag." Mabilis niyang sagot at napailing. "Delikado." Nahirapan siyang ipaliwanag. "Hindi kayo maaaring dunalaw sakin sa trabaho. Ako na lang ang dadalaw rito."

"Pero Ate Lux-"

"Huwag mo nang kulitin si Ate." Pigil ni Toteng sa kapatid. "Magpasalamat na lang tayo dahil dito na niya tayo pinatitira sa bahay niya dahil wala na tayong bahay kasi nakakulong na si Tatay." Nakayuko nitong sabi. "G-ginagawa ni Ate ang l-lahat p-para sa atin." Garalgal na at nauutal dahil naiiyak ito.

"Kuya-" na nilapitan pa ang kapatid upang tingnan kung bakit naiiyak. "Umiiyak ka ba?"

Mabilis namang pinahid ng batang lalaki ang mga mata at inangat na ang mukha.

"Huwag mo nang kulitin si Ate Lux, Len-Len. Mahirap ang trabaho niya sa Maynila kaya ipagdasal na lang natin siya para makabalik siya agad dito sa isla." Na tinanguan naman ng batang babae.

"Magpakabait kayo dito ha. Sundin niyo lang yung magbabantay sa inyo." Bilin ni Saph. "Tatawag-tawag ako para makibalita. Kung may problema man ay pwede niyo akong tawagan gamit ito." At iniabot ang cellphone.

F.L.A.W Series Book 4: SAPPHIREWhere stories live. Discover now