Chapter Eighteen

399 39 5
                                    

Saph couldn't move from where she stood. Her mind is telling her to look away and step back inside the villa but her feet are glued to the ground and her eyes are stuck on two people five meters across from her.

"Hala, sino siya?!" Biglang tanong ni Len-Len sa gilid niya na siyang nagpalingon kina Finn at sa babaeng kahalikan nito sa pwesto nila. "Bakit niya ni-kiss-"

Mabilis tinakpan ni Lux ang bibig ng bata upang hindi na nito matuloy ang nais sabihin.

"I'm sorry for the disturbance." Aniya na hindi makatingin sa dalawa at humakbang na paatras habang hila na si Len-Len na tinakpan pa din niya ang bibig. "We'll leave you be." Sabay pasok sa loob ulit ng villa nila at kahit narinig niya ang pagtawag sa kanya ng binata ay hindi na niya pinansin ito at kaagad nang isinara ang glass door.

"Ate, sino po yung babae sa labas? Bakit niya ni-ki-kiss si Kuya Finn? Gerlpren po ba niya yun o asawa?" Tanong ni Len-Len sa kanya nang tinanggal na niya ang pagkakatakip ng kamay niya sa bibig ng bata.

"H-hindi ko alam."

"Pero sabi niya dati na wala pa siyang asawa diba?" Tukoy nito noong napadpad ang binata sa bahay niya sa Catanduanes.

"Hindi natin alam kung ano ang totoo." Aniya.

Totoo namang hindi niya alam kung sino ang babaeng kahalikan ng binata at kung ano ang relasyon ng dalawa. At base sa mga nakita niya noon kung paano ito makihalubilo sa mga kababaihan ay alam niyang mahilig makipaglandian ito.

"Magandang umaga po." Bati ni Toteng sa kanila na kalalabas lamang ng kwarto. "Len-len, ang aga-aga ginugulo mo na agad si Ate Lux!" Saway agad nito sa kapatid.

"Wala naman akong ginagawa Kuya, may tinatanong lang ako kay Ate kasi nagulat ako dahil may nag-kiss kay Kuya Finn sa labas eh." Sabay turo nito sa labas ng glass door.

Akmang sisilip din roon si Anthony kaya't inunahan na ni Saph.

"Huwag na natin silang guluhin." Awat niya. "Samahan niyo na lang akong mag-ikot ikot sa isla habang hindi pa ganoon kainit ang araw." Aya niya sa dalawa na excited ding sumama.

Pinahiram sila ng staff ng isla ng isang golf cart para magamit nila sa pag-iikot roon. Malaki nga ang isla at kadalasang inaarkila iyon para gawing venue ng mga kasalan dahil sa ganda. Its majestic and picturesque view can give anyone a relaxing vacation. It's like an invitation or a simple excuse to be close to nature. Ngunit hindi iyon gaanong maapreciate ni Lux dahil mayroong gumugulo sa kanyang isipan at pilit lamang itinataboy.

Nang magutom na ang mga bata ay nagsabi na lang sila sa front desk na dalhan na lamang sila ng pagkain at doon sila mag-almusal sa may garden area ng isla para maiba naman ng atmospera. Pero ang pinakadahilan ni Saph ay ayaw niyang makisalamuha muna si Finn at ang bisita nitong babae.

"Ang daya, di niyo ako sinabihan na dito pala kayo magbreakfast!" Sigaw ni Paulette na nakasimangot habang naglalakad palapit sa kimaroroonan nila.

"Ate Letty!" Sabay na sigaw ng dalawang bata. "Good morning po."

"Morning." Nakasimangot pa din ito nang makalapit na.

"I'm sorry, I thought you were still sleeping." Si Lux. "Hindi ka na namin ginustong gisingin pa para ayain na maglibot sa isla kanina. Dito na kami inabot kaya't dito na lang din kami nagpahanda ng almusal. Akala din namin ay sumabay ka na sa Kuya mo at sa bisita niya na kumain."

"No way!" Mabilis nitong sagot. "Hindi siya bisita kundi buwisita!" Halata ang pagkadisgusto sa mukha.

"Sino po yung bisita ni Kuya Finn?" Pagsingit ni Arlene. "Bakit niya ni-kikiss kanina si Kuya dito sa lips?" Na tinuro pa ang sariling nguso. "Gerlpren niya yun?"

F.L.A.W Series Book 4: SAPPHIREWhere stories live. Discover now