12: Pabalat ng Libro at Manlilikha

4 0 0
                                    

Hindi umuubra ang katagang nagsasabing "Huwag husgahan ang nilalaman ng kuwento sa libro base sa pabalat nito." Hindi, hindi, hindi. Pinangalandakan ko noon—bago-bago pa lang akong manunulat—na huwag magsasalita ng tapos kung ang description lang naman ng kuwento ang nabasa, parang sa pabalat lang din. Pero habang tumatagal ang paglalakbay ko sa larangan ng pagsusulat, paunti-unti kong natutunan na hindi iyon ganoon. Para bang pinaalam sa iyo ng mga magulang mo na ampon ka lang. Kasinungalin ang pagkabuhay mo sa mundong ibabaw. Mapapatanong ka ng bakit, bakit, bakit?!

Sa pananaw ng pagsusulat, ganito iyan: bakit walang sumusubok na basahin ang kuwento ko? Bakit parang may kulang sa pagpapaskil ng aking nobela? Hindi yata nila nagugustuhan, pero bakit? Kampante naman akong maganda ang pagkakasulat ng kuwento ko: marami silang aral na makukuha, ang mga tauhan ay relatable, hindi nalalayo sa katotohanan ang mga eksena.

At hahaba nang hahaba ang pagkuwestiyon sa sarili na hahantong sa pagkawala ng gana.

Subok na sa iba’t ibang plataporma sa internet ang paggamit ng napakaganda/astig na pabalat. (Hindi natin pag-uusapan ang pisikal na libro. Alam naman nating lahat na pinaghahandaan iyon at kasama na ang pabalat.) Iyon kasi ang nakapagpupukaw ng atensiyon ng mga mambabasa. Tingin nila, kapag nakaaakit ang illustration, nangangahulugang natatangi ang akdang iyon. Para bang may kung ano na hindi maipaliwanag ng bibig. Nasa dulo ng dila ang nais ibigkas. Sa kadahilanang hindi matiyak, babasahin ang kuwento. Mahuhumaling sila sa nababasa, at hindi na nabigyan ng pansin ang pabalat. Para siyang clickbait, pero hindi sa masamang paraan. Dinaraan sa ganda ng pabalat ang kuwento at ang nilalaman na ang magpapasiya ng pagkagusto ng mambabasang iyon.

Pagsubok para sa mga manunulat ang paglikha ng pabalat. Anong alam nila sa bagay na iyon? Pagsusulat pa nga lang, nakauubos na ng oras at panahon, kaya paano maisisingit ang pagkatuto sa paggawa ng pabalat? Hindi naman sinasabing bara-bara ang gawin. Iyon bang may mailagay lang ay ayos na. Kahit hindi nakababali ng leeg ang pagkuha sa atensiyon ng mambabasa ang gawing pabalat. Mababasa dapat doon ang pamagat at ang may-akda. At saka iyong hindi masakit sa mata ang background at napiling kombinasiyon ng kulay. Ang solusiyon diyan, magsanay o magpagawa sa mga marurunong o magagaling.

Manlilikha

Nakaiinsulto sa isang tao kapag nag-demand ka sa kaniya na gawan ka niya ng libre. Kamay, utak, oras, at talento ang nilalaan niya para makalikha ng numero unong pabalat. Kaya sana, huwag maggaling.

Babanggitin ko ang ilang mga ipinagbabawal na gawain:

— Huwag na huwag magpalibre. O hindi kaya ay huwag gawin ang social media at Wattpad payments.

— Huwag scammer.

— Kapag nagkaroon na ng kasunduan, huwag kumonsulta sa ibang manlilikha o mapaggawa sa kanila.

— Magbayad nang nasasaayon. Katumbas ng ganda at galing dapat ang matatanggap nila sa iyong multa. Tandaan na artist pa rin sila.

— Huwag kuwestiyunin ang presiyo ng kanilang serbisiyo, lalo na kung hindi naman kaduda-duda.

— Huwag uurong, aatras, aayaw kapag natapos na ang pabalat.

— Huwag tatakbuhan ang manlilikha.

— Kapag siya na mismo ang nagsabing libre na lang, humindi ka muna. Magalang kang umayaw at ipaalam na babayaran mo. Kapag pinilit pa rin niyang hindi na kailangan ng bayad, doon mo lang tanggapin ang nilikha niyang pabalat.

— Huwag sobra-sobra makahiling. Limitahan ang pagsasabi na ganito, ganiyan dapat ang hitsura ng pabalat. Alam nila ang kanilang ginagawa, at hindi na sila kailangang diktahan. Huwag magmarunong.

— Pasalamatan sila nang maayos. Puriin ang gawa nila kung kinakailangan.

— Kapag hindi nagustuhan ang pabalat, makipag-usap nang hindi galit at nangmamata.

— Hikayatin silang ipagpatuloy ang kinahihiligan nila.

Sariling Gawa

Ito ang huling pagpipilian ng mga manunulat na walang kakayahang makakuha ng serbisiyo ng manlilikha. Nagtitipid, walang pera, o mas inuuna ang mahahalagang bagay ang ilan sa mga rason kung bakit. Hindi kailangang malungkot dahil hindi ka nag-iisa. Ako rin ay ganiyan ang kapalaran.

Mahirap sa unang mag-edit. May mga pagkakataon na aasa na lang sa gawa na talaga at papatungan na lang ng text. Kahit anong gawin mo, hindi mo matagpo ang ninanais na resulta. Hindi bagay ang font style na ginamit. Malabo ang na-save na retrato o mayroong copyright. Pinagtaksilan ng kulay at nagmistulang coloring book ang pabalat. At ang malala ay wala na talagang magawa at ang nakalagay na lang ay iyong display piture sa profile. Bahala na iyong taong-paniki!

Tagasagip mo ang tutorials sa YouTube. Nood-nood ka na lang. At kapag susubukan mo ng gumawa, ito ang mga kinakailangan mong malaman:

1. Applications.

Mag-download ka ng Ibis Paint, Fonto, PicsArt, VSCO, o kung ano man ang iyong natitipuhan. Doon ka saan ka komportable at masasabing matututo ka kaagad gamitin. Ito ang makatutulong sa iyo para makalikha ng pabalat na maihahalintulad sa ganda ng iba.

2. Mga Larawan.

Hindi pinapahintulutan na kumuha sa Pinterest, Tumblr, at ilang sites na mayroong royalty o copyright. Para kang lumulusong sa ilog na pinamumugaran ng mga buwaya. Malalapa ka ng panggagaya at kasong pagnanakaw. Maaaring kumuha sa Google Images pero siguraduhing libre at walang nagmamay-ari. Ang kalimitan kong kinukuhan ng larawan ay ang pixabay(.)com.

3. Mga Pangkaraniwan.

Pag-aralan ang font, font style, font size, color palette, at ilang adjustments sa pag-e-edit gaya ng contrats, saturation, hue. Itong mga ito ang pundasiyon para makalikha ng pabalat. Nakagagawa ako ng magandang pabalat kahit simple lang ang larawang nakuha ko. Pinaglalaruan ko lamang ang nabanggit sa unahan.

4. Magsanay lang nang magsanay.

• • •

Mahusay ang mga manunulat na nakagagawa ng nakapupukaw na pabalat at nakasusulat ng kuwentong makapag-iiwan ng lamat sa puso at isip ng mambabasa. Bigyan sila ng pagpupugay! Ang galing, galing, galing n’yo naman!

— A.V. Blurete

Mga Payo NiyaWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu