17: Boses

4 0 0
                                    

Masarap pakinggan ang tinig ng isang tao. Sa pamamagitan nito, maipadarama niya sa atin ang nais niyang iparating, lalo na kung musika ang pag-uusapan. Kasabay ng melodiya na nakaaaliw, tunog ng mga instrumentong nakabubuhay ng sistema, ritmong nakapang-iindayog ng katawan, at tono na nakaaakit, mararamdaman natin ang emosiyon na ipinapakita ng mang-aawit sa kantang nilikha niya. Kaya nga may mga taong madaling makibagay sa awiting iyon, dahil iba ang dating sa kanila; hindi maipaliwanag, sadyang nasa loob-loob lang nila. Iyon bang kapag naduduwal ka, hindi mo masiguro kung masusuka ka ba o naduwal lang talaga. Pero sa pakikinig ng kanta, hindi tayo maduduwal. Puwera na lang kung ang tumugtog na kanta ay theme song ninyo ng dati mong kasintahan na kinasusuklaman mo nang maalala.

Sa pagsusulat, ang boses na tinutukoy ay iyong paraan ng manunulat sa pagsasalaysay ng kuwento. Dito masusubok ang galing niya para masabing “kuwento” nga ang akda niya. Maipapamalas sa boses ang pagiging iba niya sa iba. Parang sa pag-awit, mayroong tinatawag na “distinct.” Ito iyong kalidad ng boses ng isang mang-aawit na kapag narinig, mapapangalanan na siya ang umawit ng kanta. Kuhanin nating halimbawa si Bugoy Drilon. Alam nating may gaspang ang tinig niya at mayroong lalim. Sa pag-awit niya ng “One Day,” magiging pamilyar na sa ating siya iyon. Ganoon din sa pagsusulat. Mayroong katangian sa manunulat na iyon kaya tinatangkilik siya ng mga mambabasa. “Distinct” kasi ang pagkukuwento niya.

Maraming klase ang boses sa literatura. Ngunit ang karaniwang ginagamit sa pagsusulat lamang ang ibabahagi ko. Magsimula muna tayo sa pangkalahatan, bago sumubok ng mga hindi na karaniwan.

Boses ng Tauhan

Lahat tayo, nakanood na ng telebisiyon. Ipinapalabas doon ang mga teleserye na kinagigiliwan ng mga matatanda. At sa teknolohiyang iyon, ang nagbibigay buhay ay ang show business—industriya ng pangkatuwaan na pinamumugaran ng mga artista.

Sumasalang sa produksiyon ang isang palabas bago iere sa telebisiyon. Nagpapakahirap ang mga direktor, taga-makeup, mananahi, tagakuha ng retrato at video, at marami pang iba. Pero, sa likod sila kumikilos; hindi sila mapapansin at makikita sa manipis at makinis na parisukat na bagay. Wala sila sa spotlight. Ang mga makakapal ang mukha—este, malalakas ang loob at malaki ang kumpiyansa sa sarili ang bumibida sa harap ng lente.

Maihahalintulad sila, mga artista, sa mga estatwa sa isang museo—pinagmamasdan, pinupuna, pinupuri. Sa kadahilanang malaki ang inaasahan sa kanila ng mga tao (umiidolo, pamilya, kaibigan, kapwa artista), magdodoble-kayod sila. Maghahanda. Daraan sila sa proseso ng pag-i-internalize. Babasahin nila ang script, pag-aaralan, at iaakto sa harap ng salamin. (Alam n’yo ba na nakadaragdag ng kumpiyansa sa sarili ang pakikipag-usap sa sarili sa salamin? Iwasan nga lang na sumobra. Baka magkaroon na ng turnilyo ang utak mo. Maging Frankeinstein ka riyan, sige!)

Kapag pumasok na sa eksena (camera’s rolling . . . action!), bigay na bigay ang artista. Dalang-dala sa karakter niya. At nang mai-cut ng direktor, pumapalakpak siya na sinamahan ng malawak na pagngiti. “Bravo!” sabi niya. Itong artista naman, mabibiyak na ang gilid ng labi kangingiti sa pagpuri ng direktor matapos ang labing-dalawang takes.

Ang paggamit ng boses ng tauhan sa pagsusulat ay maisasalaysay natin ang kuwento sa kalagayan noong pangunahing bida. Mailalagay natin ang ating sarili sa posisiyon nila. Magpipiling artista tayo.
Kapag nagsusulat, hindi tayo ang nagsasalita. Tayo ang bumubuo ng mga salita, pero hindi sa atin manggagaling ang pagtingin sa mundong ginagalawan ng mga tauhan. Para tayong direktor na gumagabay sa ating mga artista. Magdo-doble-kara tayo. Parehong direktor at artista, may-akda at tauhan. Isaisip lang natin na ang direktor, nagsimula rin sila sa pagiging artista. Kaya makakaya nating makapagsulat dahil tayo mismo, naging tauhan sa totoong buhay. At ito ang magandang panghugutan sa pagsusulat—gawing pundasiyon ang buhay natin sa pagbuo ng kuwentong malayo sa reyalidad. Ikukuwento natin ang ating buhay sa paraang nahaluan ng imahinasiyon.

Mga Payo NiyaHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin