28: Format ng Manuskrito

0 0 0
                                    

Ito na ang pinakahihintay natin—dumating ang araw na magsusumite na tayo ng ating manuskirpto sa publishing house na ating natitipuhang pagpasahan. At ito rin ang simula ng totoong lakbayin natin sa pagsusulat. Mararanasan natin ang pagkabigo, paghihirap, pagkapagod, pagkamit sa tagumpay, pagsuport ng mga tao, at pag-ayaw ng mga nakararami.

Pero sasabihin ko sa iyo, na kapag sumugal ka, hindi ang pagkapanalo ang magpapasaya sa iyo. Matutunan mong pahalagahan ang lahat ng pagkadapa at pangit na pangyayari, marahil ito ang magpapalinaw sa atin kung paano ba talaga sumaya. Kapag niyakap natin ang kalungkutan, tatapikin tayo ng kasiyahan. Pasasalamatan natin ang ating mga sarili dahil hindi tayo sumuko sa pagsusulat. Magiging matapang tayo na magpatuloy sa kabila ng maraming pagkabagsak. At ipagdiriwang natin ang maliliit na ginawa habang nagsusulat.

Format

- Font Style — Times New Roman

- Font Size — 12 points

- Margin — 1 inch sa lahat ng banda ng pahina

- Page Size — letter size (8.5 inch x 11 inch)

- Alignment — Justified

- Spacing — double / 2

- Indention — may puwang bawat parirala maliban sa pinakauna kada kabanata o sulatin at pagkatapos ng scene breaks (paggamit ng *** o nasa malalaking titik ang ilang unang letra).

- Bilang ng pahina — nakapuwesto ito sa footer at nasa bandang gitna.

Ito dapat ang mga makikita sa iyong manuskripto:

- Pangunang Pahina — nakasaad dito ang pamagat ng akda at ang iyong pangalan.

- Dedikasiyon (optional) — para kay nino mo inaalay ang iyong sinulat?

- Talaan ng Nilalaman (optional)

- Nilalaman — ito na ang simula ng pagbabasa.

- Acknowledgement (optional) — pasasalamat sa mga taong naging dahilan para mailathala ang iyong libro

- Tungkol sa May-akda — maikling impormasiyon ukol sa iyo: saan nakatira, ano ang degree na natapos (konektado lang dapat sa pagsusulat), ilang achievements sa pagsusulat, at kaunting detalye sa iyo bilang manunulat (kung paano ka nagsulat).

Ang mga nasa ITAAS ay para sa mga ilalathala ng libro. Sa pagsusumite ng manuskripto sa publishing house, hindi isasama ang Acknowledgment. Iyong Dedikasiyon at Talaan ng Nilalaman, nakadepende sa iyo o sa panuto ng pagpapasahan mo.

Paalala: Ito ay base sa obserbasiyon lamang na nakikita ko sa mga publishing house at ilang manunulat na nakapagpasa na ng manuskripto, saka sa kung paano ako mag-format.

Pakatatandaan: Parating magbabase sa panuto (guidelines) na ibibigay ng publishing house ang magiging format ng iyong manuskripto. Kung walang sinabi, roon mo lang gagawin ang mga ibinahagi ko.

• • •

Ibahagi ito sa iba! Salamat.

— A.V. Blurete

Mga Payo NiyaWhere stories live. Discover now