24: Aral at Tema

3 0 0
                                    

Edukasiyon ang susi sa tagumpay. Iyan ang madalas marinig, mabasa, o makita natin. Hindi mawala-wala sa sermon ng mga magulang o ng matatanda na pahalagahan ang pag-aaral. Iyon ang magdidikta sa ating hinaharap, kung mayroon ba tayong mararating, sabi nila. Kaya tayo noong kabataan, pinanghawakan natin ang kaisipang iyon. Ginagawa natin ang buong makakaya upang makapagtapos. Para sa mga taong hindi nabibigyan ng pansin ng kanilang mga magulang, paborito nila ang ibang kapatid at ang masakit pa ay iyong malimit na ipagkumpara, nagsisikap silang magkaroon ng parangal o medalya. Sa isip-isip nila, baka ang pagkakaroon niyon ang magiging rason upang mahalin na sila at maipagmalaki.

Mapag-aaralan ang moralidad sa paaralan. Ito iyong pagbatay sa isang gawain, kaisipan, o pangyayari kung tama ba ito o hindi. Dahil tayo, bilang mag-aaral, naisasabuhay natin ang ilan sa mga natutunan natin. Tulad ng pag-iisip ng mga bagay na katanggap-tanggap sa hindi patas.

Ang kataga na makukuha rito ay iyong “Alam mo na ang tama sa mali.” Naaapektuhan nito ang pagtingin natin sa mundo. Kapag nakakita tayo ng bata sa kalye na pinagkakaisahan ng mga mas malaki sa kaniya, may mag-uudyok sa ating tulungan siya. Pero hindi ka dapat magpadalos-dalos. Iisipin mo ang dahilan kung bakit galit na galit ang mga lalaki sa bata: Isa ba siyang magnanakaw? Kumupit ba sila sa mga iyon? Susuriin mo ang mga damit ng lalaki. Kapag nasigurong hindi, iisip ka ng iba pang mga dahilan hanggang sa makapagpasiya ka na.

Ipagtatanggol mo ang bata. Sa pagmaktol ng mga lalaki at paghahamon ng away, ipapaliwanag mo sa boses na marahan na hindi tamang pagbuhatan ng kamay ang patpating bata. Sapat na siguro ang pingutin o kurutin. Pero ang gulpihin at sugatan siya nang malala ay ibang usapan na.

“Kinuha niya kasi wallet ko!” ang irarason ng lalaking nakainom. At dahil natutunan mo ang moral sa paaralan, paninindigan mo ang pagprotekta sa bata. Isusuhestiyon mo sa kanila na dal’hin na lang sa presinto. Nang sa gayon, hindi na siya mambiktima pa ng mga tao.

Iiyak ang bata. Malalaman mong ginawa niya lang iyon para sa mga kapatid niyang nagugutom. Talong araw na silang hindi kumakain. Ikaw, kasama ang mga lalaki, mahahabag at maaawa. Hindi na papakialaman ng mga lalaki ang bata, saka lumisan nang hindi nagpapaalam. Sa kabutihang loob mo, bibigyan mo siya ng salapi na sapat para punan ang kanilang tiyan sa buong mag-araw. Tatanungin mo pa siya kung ano pangalan niya, nasaan ang kaniyang mga magulang, at bakit sila gutom.

Sasamahan mo ang bata na bumili ng kaniyang mga kakainin. Papaalalahanan pa na iwasan ang pagbili ng chichirya, kendi, at mga pagkaing nakasasama sa kalusugan. Dagdagdagan mo rin ng pangligo at ilang damit na ukay-ukay. Matapos masiguro na ginamit ang perang binigay mo sa pangangaailangan nila, hinatid mo na siya sa kaniyang uuwian. At nang ligtas siyang nakatawid ng kalsada patungo sa ilalim ng tulay, kakawayan ka niya. Mapapangiti ka sa pagngiti niya, pagkaway ng pamamaalam, at pagsabi ng “Salamat po nang marami!”

Isa iyan sa mga makikita sa teleserye kapag ang takbo ng kuwento ay mahirap at mayaman. At sa panonood ng ganito, mapapansin ang mga letrang “PG” sa ibabang gilid ng palabas. Ang ibig sabihin: Parental Guidance. Kailangan ng patnubay at gabay ng mga magulang kung sakaling may mga anak na makikinood o makikita ang pinapanood.

MTRCB ang nasa likod niyon. Organisasiyon sila ng mga taong sumisiyasat sa uri ng teleserye. Kung ito ba ay pangmasa (G), pangkalahatan ngunit kailangan ng kasama (PG), o eklusibo sa mga malawak ang pang-unawa (SPG).

Sa Super Parental Guidance (SPG), nakapaloob doon ang iba’t ibang paksa na hindi angkop sa ilang manonood. Ang mga ito ay ang tema, lengguwahe, karahasan, seksuwal, katatakutan, at droga.

Hindi ko na ito itatalakay lahat. Iyong tema lamang ang itatalakay ko, sapagkat ito ang isa sa pamagat ng kabanata natin sa sandaling ito.

Tema

Mga Payo NiyaWhere stories live. Discover now