II: DISOBEYED

5.2K 218 30
                                    

Dalawang araw na ang nakalipas mula nang magtrabaho ako sa mansyon. Maayos naman at hindi mahirap kahit na dalawa lang kami ni Manang na kumikilos para linisan ang buong bahay. Maglilinis, magluluto, mamamahinga, repeat. Iyon lang palagi ang ginagawa ko.

"Raya?" rinig kong tawag ni Manang sa labas ng silid ko.

Iyon ang itinawag niya sa akin mula nang dumating ako sa mansyon. Masyado raw kasing mahirap bigkasin ang Faraiah kaya naman binigyan niya ako ng alyas. Ayos lang naman sa akin iyon dahil hindi naman pangit pakinggan.

Mabilis akong bumangon mula sa aking kama at nagtungo sa pintuan para pagbuksan niya. "May kailangan po ba kayo?" bungad na tanong ko sa ginang.

"Mamamalengke muna ako sa bayan. Babalik din ako agad bago magtanghalian." Doon ay napansin ko ang nakatuping eco bag na nakaipit sa kilikili niya.

"Sige po. Gusto niyo po bang samahan ko kayo?" I suggested.

Manang quickly shook her head. "Hindi na, kaya ko na. Ikaw na muna ang bahala rito sa bahay."

Isang tipid na tango lamang ang isinagot ko at tuluyan na niya akong tinalikuran. Sandali ko pang pinanood ang paglayo ng pigura niya bago ko muling isinarado ang pinto at bumalik sa aking kama.

"Shit!" bulaslas ko nang naalala ang lakad ko ngayong araw.

Mabilis akong kumilos para sana habulin si Manang ngunit hindi ko na siya nakita pa nang nakalabas ako ng bahay.

"Kailangan kong mag-enrol ngayon sa malapit na school," naiiling kong sambit at napatampal sa aking noo.

Wala sa sarili akong napatingin sa mansyon. Hindi naman magiging problema kung umalis din ako ngayon, ang kaso lang hindi ako nakapagpaalam kay Manang. Baka hanapin niya ako mamaya.

Isang tao ang biglang pumasok sa isip ko.

Kami lang tatlo ang naninirahan sa bahay, kung hindi ako kay Manang makakapagpaalam, pwede naman siguro sa kaniya?

I bit my lower lip when I recalled Manang's order. Nagdalawang-isip tuloy ako.

Pero hindi kaya mas matanggal ako sa trabaho kung aalis ako ng walang paalam?

At saka isa pa, ang bilin niya naman ay huwag aakyat sa ikalawang palapag. Hindi niya naman sinabi na bawal ako makipagkita kay Senyorito, 'di ba?

"Argh! Faraiah," frustrated kong sambit at napasabunot sa buhok ko. "Pareho lang 'yon! Aakyat ka pa rin sa second floor para magpaalam!" dagdag ko.

Isang buntonghininga ang pinakawalan ko at nagdesisyon na lamang na hintayin si Manang ng isang oras, kapag wala pa rin siya ay roon na ako magpapaalam kay Senyorito. Malalabag ko man ang bilin ni Manang na huwag umakyat doon, mas okay na iyon kaysa makagalitan sa pag-alis ng walang paalam. Mamaya mapagkamalan pa akong nagnakaw at tumakas bigla.

Asta akong babalik sa loob ng bahay nang nakarinig ako ng mahihinang ungot. Kunot-noo akong naglakad patungo sa pinagmulan ng ingay hanggang sa makaabot ako sa likurang bahagi ng mansyon. Saglit akong natigilan sa pagkakatayo sa imaheng bumungad sa akin.

In my 22 years of existence. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong breed ng . . . aso?

His fur was a mixture of white and black. It has ears, a tail, and feet—which made it look like a dog. But compared to normal dogs, it was five times bigger in size. He was lying down and growling in pain.

Doon ko lang nagawang pansinin ang duguan niyang tiyan. Agad akong kinabahan na halos pangibabawan niyon ang nararamdaman kong takot. Lakad-takbo ko siyang nilapitan at sinuri.

The Alpha's Obsession (VIP GROUP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon