XVIII: BITTEN

1.6K 53 7
                                    

It's late. I've been gazing at the ceiling of my room for a while, but until now I wasn't sure what was actually making my thoughts so uncomfortable. Is it my parents' death? The potential connection between them and werewolves?

Pagkatapos kong gamutin ang sugat ni Miro ay hindi na ako lumabas pa ng silid. Pinuntahan ako ni Manang kanina para anyayahang kumain pero hindi rin ako sumali sa kanila. Gusto ko munang mapag-isa para makapag-isip.

Isang buntonghininga ang ginawa ko bago marahan na bumangon. Nakaramdam ako ng uhaw kaya naman napagdesisyunan kong lumabas ng silid. Alas-onse na ng gabi, tahimik na ang palagid nang magpunta ako sa kusina.

Kumuha muna ako ng tubig sa ref bago naupo sa high stool. Ipinagpatuloy ko ang aking pag-iisip habang iniikot ang tubig sa loob ng basong sinalinan ko. Tulala lang akong nakatitig doon habang inaalala ang ilan sa mga pinag-usapan namin ni Miro kanina.

"ARE you worried that you might be bullied again at school?" he asked as I felt him looking at me apprehensively.

Hindi naman ako nakasagot. Nakatuon lang ang atensyon ko sa sugat niya habang nilalagyan ko iyon ng ointment. Maingat kong dinadampi ang daliri ko sa balat niya.

"Don't worry. Now that you are under Alpha's command, no one can hurt you."

Doon na niya tuluyang nakuha ang atensyon ko. "Ano ang ibig mong sabihin?" kunot ang noo kong usisa.

"That is a heavy command. Walang sinuman ang pwedeng sumuway," aniya.

Mas lalong nangunot ang noo ko.

"Once they disobeyed the Alpha's command, they would suffer intense pain; at worst, they would die."

Napaawang ang labi ko nang marinig iyon. "G-Gano'n iyon kaseryoso?"

Tipid akong tinanguan ni Miro. "Kaya hindi mo na kailangang mag-alala ngayon. Protektado ka ng Alpha," paninigurado niya.

Ilang beses naman akong napakurap. Hindi pa rin ako makapaniwala na may nag-e-exist na awtomatikong parusa sa kanila. Kung may gano'n ding sistema sa mortal na tulad ko, siguro napakadaling utusan ng mga tao. However, it also has a negative consequence because we can't be certain that the superior's orders will always be fair.

Ipinagkibit ko na lamang iyon ng balikat at saka ipinagpatuloy ang paggamot kay Miro. "Si Senyorito ba . . . ilang taon ng nakakulong dito?" mahina at mabagal kong usisa.

Hindi ko alam pero kusa iyong lumabas sa bibig ko. Iniwasan kong iangat ang paningin ko sa Beta. Umakto ako na wala lang ang binitiwan kong tanong.

"Since he was rejected. Hindi na namin siya pinaalis ng mansyon para walang ibang makaalam ng sitwasyon niya."

So, six years.

Nakagat ko ang ibaba kong labi at tumango. "Ibig sabihin walang nakakaalam sa ibang kasamahan niyo na na-reject siya? I mean, since aware kayo sa pwedeng mangyari sa inyo sakaling mangyari iyon, I think magkaka-idea sila, 'di ba?" Doon ko pa lamang inangat ang paningin ko kay Miro.

He shook his head. "Like what I've said, for us, humans are one of the lowest creatures. Hindi agad naanunsyo sa pack namin na si Zhen ang future Luna."

"Pero bakit gano'n?" wala sa sariling wika ko na mabilis na ikinangat ng isang kilay ni Miro. "Bakit gano'n kalala ang inabot ni Senyorito? Sobrang lalim ba talaga ng koneksyon nilang dalawa?" patuloy ko.

He sighed. "Unfortunately, aside from being the designated mate, she was also marked by the Alpha."

Nalaglag ang panga ko pagkatapos iyong sabihin ni Miro. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit gano'n na lang siya nawala sa sarili.

"Hindi ba sabi mo may inner wolf kayo?" tanong kong muli at nilagyan na ng benda ang sugat niya.

"What about that?" kuryoso niyang sabi.

"Wala lang. Naisip ko lang kung nakakausap niyo ba sila? Siguro kaya minsan tumatahol nang mag-isa 'yong aso ng kapitbahay ko noon kasi kaaway niya ang inner dog niya," kibit-balikat kong tugon.

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Miro at mariin na pumikit. "Damn," he murmured.

"What? May sense naman 'yon, ah? Huwag mong sabihin na pati ikalawang persona niyo ige-gate keep mo pa?" Inirapan ko siya.

"It's not like that, lady. Our wolves are just like a spirit that joins us. We didn't really talk to them, but we can feel them inside," he explained, containing his frustration.

"Oh? Edi sinasapian nga si Senyorito!"

Miro shut his eyes again and shook his head. "Think what you want to think. I'm done talking to you."

My lips winced at what he said. Tuluyan na akong lumayo sa kaniya nang matapos siyang asikasuhin. Agad naman siyang tumayo bilang paghahanda sa pag-alis.

"But, yeah. I remember one time, like what happened recently, the alpha escaped from the mansion," Miro said casually as he took the kit.

Mabilis naman na napalitan ng pagseseryoso ang mukha ko. "Kailan iyon?"

Sandali siyang umakto na nag-iisip. "I think that's four years ago. But he came back on his own accord. Nagulat nga kami nang makita siya sa labas ng bahay noon."

Sunod-sunod na kumabog nang malakas ang dibdib ko.

"Alis na ako. Magpahinga ka na. Thanks anyway," he said and finally took his leave.

Tulala ko lang naman siyang pinanood habang inaalala ang panahon kung kailan naaksidente ang mga magulang ko.

I am just overthinking, right?

ONCE again, I heaved a deep breath when my thoughts brought me back into reality. I felt like I was still short of breath, so I went straight to the terrace. The surroundings are quite bright because of the waxing gibbous moon.

Bahagya akong yumuko at ipinatong ang magkabilang braso ko sa railings. Dinama ko ang malamig na hangin na humahaplos sa mukha ko.

Zhen. That was his mate's name. Hindi ko maiwasang isipin ang sitwasyon at desisyon niya.

Kung sakali na ako ang nasa posisyon niya, tatanggihan ko rin ba si Cleon?

Kung itinakda sila sa isa't isa, imposibleng wala siyang naramdaman na kahit ano para kay Senyorito. She was even marked! I mean, for sure there was a connection between them. Pero naiintindihan ko rin naman siya, sa ilang araw kong pananatili rito sa mansiyon ay masyado ngang mabigat kung pipiliin niya ang mundo ni Cleon.

Muli ko na namang naramdaman ang kakaibang puwang sa dibdib ko nang maisip si Senyorito. Oo, naaawa ako sa kaniya. Aaminin ko rin na attracted ako, siguro dahil nga gwapo siya. Pero sa tuwing naiisip ko na may posibilidad na katulad niyang taong lobo ang pumatay sa mga magulang ko, nabablangko ako.

Sa hindi mabilang na pagkakataon ay bumuntonghininga ako.

I hope . . . it's not you.

Natigilan ako sa aking pagmumuni-muni nang may mabigat na presensya akong naramdaman. Mabilis kong iginala ang paningin ko para hanapin kung ano iyon. Nanlaki ang mga mata ko kasabay ang paghigit ko ng hininga nang makita si Senyorito sa bungad ng pintuan.

He's not well. Mariin na nakatitig sa akin ang nandidilim niyang paningin. Nakakuyom ang kaniyang mga palad ngunit hindi nakatakas sa paningin ko ang matutulis niyang mga kuko.

"Cleo—" Natigil ako sa pagbanggit ng pangalan niya at napaigik nang bumagsak ako sa sahig kasama siya.

Dumagundong ang dibdib ko sa kaba. Nakaibabaw siya sa akin, direkta akong tinitingnan sa aking mukha. In a snap, a blurred image flashed in front of me. Same scenario, but I don't know where it came from.

"It's you . . ." he said it in a deep and scary voice.

Kasabay nang pagpikit ko dahil sa pagsakit ng aking ulo ay ang pagbaon ng kung anong matulis na bagay sa leeg ko. I shouted in pain. Hindi ko alam kung dahil sa ulo ko o dahil sa kung anong tumutusok sa aking balat.

"Cleon!" I screamed at the top of my lungs before everything went blank.

The Alpha's Obsession (VIP GROUP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon