VIII: PACKHOUSE

5.1K 241 79
                                    

Madaling araw man akong nakatulog ay maaga pa rin akong nagising kinaumagahan. Tulad ng palagi kong ginagawa; naglinis ako ng bahay at nagluto ng almusal. Kung dati-rati ay si Manang ang naghahanda ng pagkain ni Senyorito, ngayon ay kusa ko nang inayos iyon sa isang tray. Sakto namang pasok ni Manang sa kusina nang natapos ako.

"Oh, Raya. Ang aga mo 'atang nagising?" puna niya at napatingin sa inihanda kong pagkain.

Nakita ko ang paglambot ng ekspresyon niya bago muling itinuon sa akin ang paningin. "Ako na ang magdadala sa itaas."

Tumango na lamang ako kahit pa gusto kong ngumiwi.

Siya lang naman talaga p'wede umakyat, 'di ba?

Lumapit si Manang sa akin at maingat na kinuha ang tray ng pagkain. Sandali niya iyong sinuri bago ako nilingon at nginitian.

"Salamat, hija," aniya.

Alanganin akong ngumiti pabalik at napakamot sa aking batok. "Ayos lang po, ito naman ang trabaho ko."

"Salamat pa rin," giit niya saka tinapik ang balikat ko.

Asta siyang lalakad paalis nang hindi ko maiwasan na magtanong.

"Manang . . ." mahinang usal ko.

Agad niya akong nilingon. "Hmmm?"

"Nagtataka lang po ako. Paano niyo po napapakain nang maayos si Senyorito sa sitwasyon niya? Bukod po roon, hindi niya po ba kayo inaatake?"

Tipid na umangat ang gilid ng labi ni Manang. "Kilala na ako ng inner wolf niya, hija. Hindi na bago sa kaniya ang amoy at presensya ko. Iyon din ang sagot kung bakit nagagawa ko siyang malapitan o makausap nang maayos, hindi tulad mo at ng iba pang nilalang. Hindi nagiging agresibo ang inner wolf ng Alpha kapag ako at mga lalaking lobo ang humaharap sa kaniya."

Napaawang na lamang ang bibig ko sa pagkamangha. Ngayon ay mas lalo kong naintindihan ang lahat. Nati-trigger ang obsession ng inner wolf niya sa tuwing may iba siyang nakikita na babae. Tulad ng paliwanag nila, naging baliw iyon sa paghahanap ng kapareha.

"You've been asking a lot, lady. Hindi ba dapat naghahanda ka na?" Nakuha ni Miro ang atensyon namin ni Manang nang dumating siya.

Prente siyang naupo sa isang silya at tamad na tiningnan ang mga pagkain na nakahanda. "Mukhang ipinagluto mo rin kami?" Umismid siya.

Inirapan ko naman siya. "Mabuti naman at natuto ka nang magdamit," sambit ko imbes na sagutin siya.

Yeah. Mas marami ang niluto ko ngayon kumpara sa mga nagdaang araw. Pagkatapos kong malaman na hindi lang talaga kami ang tao rito sa mansyon, tila naging obligado akong isama sila sa trabaho ko.

Oh, ako nga lang pala ang tao.

"You should get ready," ani Miro at nagsimulang magsalin ng pagkain sa isang bakanteng pinggan.

Kunot-noo ko siyang tiningnan. Naramdaman niya naman ang paninitig ko kaya naman tamad niyang inangat ang paningin sa akin at bumuntonghininga.

"It's your first day of school, lady," he stated.

Nanlaki naman ang mga mata ko sa narinig kasabay nang pag-awang ng labi ko.

Ang bilis naman?

"I'll give you 30 minutes to prepare. Kapag hindi ka pa okay niyon, iiwanan kita," banta niya.

I rolled my eyes.

Makapanakot naman ang aso na 'to. Tss!

"Edi ibigay mo sa akin ang address."

The Alpha's Obsession (VIP GROUP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon