XIII: SLAVE

3.6K 168 20
                                    

Nanatili man akong nakatago sa dibdib ni Senyorito ay ramdam ko ang tensyon ng lahat. Unti-unti tuloy napalitan ng kahihiyan at pagkabahala ang dibdib ko. Hindi ko alam kung paano ngayon lalayo sa kaniya o . . . kung gusto ko nga bang malayo. His arm around my waist sent butterflies in my stomach. His scent sent me comfort. Rason kung bakit ayaw kong dumistansya.

A chuckle brought me back into reality. "I don't think it is proper to treat your maid like that," said by the mysterious man named Konnor.

Para naman akong tinamaan doon kaya awtomatiko akong lumayo. Napansin ko ang babaeng kasama sa pagpupulong na nakatayo na mula sa kaniyang pagkakaupo, matalim ang mga titig sa akin. Ang mga matatandang Epsilon naman ay tahimik ngunit ramdam ko ang bigat sa kaniyang mga tingin. Wala sa sarili akong napalunok.

Ito na ba? Magiging hapunan na ba ako ng mga awu awu na ito?

"P-Pasensya na po, hindi ko po sinasadyang yumakap. Natakot lang ako, hindi pa po ako sanay na malapitan ng mga—" awu awu "—tulad niyo," paliwanag ko sa mga kasamahan ni Cleon.

Hindi ko matingnan si Senyorito. Ngayon 'ata ako lubos na tinablan ng hiya. Nakayuko akong lalayo sa kaniya, ngunit nagulat ako nang maingat niya akong hawakan sa braso at iginiya sa kaniyang gilid. Pareho na kaming nakaharap ngayon sa Alpha na kausap niya. He's stern as he watched us. Tila may gustong makuhang sagot sa bawat kilos namin. Bahagya tuloy akong kinabahan na baka nagkaroon siya ng ideya sa totoong rason nang pagyakap ko kay Senyorito.

"Wala kang karapatan na pakialaman ang pamamalakad ko," matigas na wika ni Cleon.

Isang tipid na ismid ang pinakawalan ng lalaki sa harapan namin. "How sweet of you, Alpha." Then he looked at me. "How about you, lady? Are you also this sweet?" dobleng kahuluguhan niyang wika.

Ang lintek na 'to, gusto pa 'ata akong gawing dessert! Sinabi ng safeguard lang ang sabon ko!

Kinain man ng takot ay matapang ko siyang sinuklian ng tingin at ngumiti. "Oo. Sa sobrang sweet ko, yumayakap ako nang mahigpit sa leeg sabay tagas sa tagiliran. Want to try?" Maarte kong inangat ang kaliwang kilay ko.

Gan'yan nga, pakalmahin mo ang sarili mo, Faraiah. Mang-dogshow ka lang tutal awu awu naman 'yang nasa harapan mo, high breed nga lang.

He didn't answer. Marahan niya lamang na binasa ang ibabang bahagi ng kaniyang labi at tipid na ngumiti. Nakakapanindig balahibo.

"You are in my territory, Konnor. You're just here to check and maintain our peace agreement. You can now leave," pagtataboy ni Senyorito sa malamig na tono.

The guy smirked and without a word, he turned his back and leave. Asta akong magpapakawala nang malalim na hininga bilang pagkalma nang may humatak sa balikat ko. The moment my face turned, a strong slap landed on my cheek.

"How dare you, a mere fvcking slave touched our Alpha?!" gigil at nanlilisik na matang ani ng babae na kasama ng mga Epsilon na ngayon ay nasa harapan ko na.

It really shocked me. Her fangs and claws were on display. Kitang-kita ko ang galit sa kaniyang mga mata. I stepped aback as fear automatically consumed me. Nabuwal ako dahil doon at napasalampak sa sahig. Mabilis akong dinaluhan ni Miro pero ang atensyon ko ay nasa babae lang.

"P-Pasensya na po. H-Hindi ko sinasadya," nanginginig na wika ko.

She let out a mocking laugh. "He's your master, stupid! Always bear that in mind."

"Enough, Aica. Let's just continue our meeting. This is not worth to talk about," Cleon said coldly and went back to his seat.

Hindi ko alam kung saan ako mabibigla. Sa sinabi ba ni Senyorito o sa pagbabago na naman nang pagtrato niya sa akin. Pero alinman sa dalawa, pareho lang akong nabigo. Kung hindi ko inaasahan ang pagsampal sa akin ng babaeng kaharap ko, mas hindi ko inaasahan ang kilos ni Senyorito.

The Alpha's Obsession (VIP GROUP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon