VII: REJECTION

4.7K 217 39
                                    

It's already past midnight yet I'm still awake. Tulala lamang ako sa kisame, iniisip ang mga bagay na hindi ko rin maintindihan kung paano iintindihin. Nakakabaliw.

Nang hindi pa rin ako dinalaw ng antok pagkatapos ng ilang minuto ay napagdesisyunan ko na lamang lumabas ng bahay para magpahangin. Dala ang tasa ng tsaa sa kamay ko, isinandal ko ang aking siko sa pasimano ng veranda at inilibot ang aking paningin sa kapaligiran.

They're here, right?

Isang buntonghininga ang pinakawalan ko at saka marahan na sumimsim sa tasang hawak. Mayamaya pa ay nakaramdam ako ng isang presensya. Hindi ko man siya lingunin ay kilala ko ang pigura niya mula sa gilid ng paningin ko.

The beta.

"Still thinking about us, lady?" he asked; I don't know if it was a good approach or not.

Nagtungo siya sa gilid ko at ginaya ang aking p'westo.

"Totoo ba?" usisa ko habang hindi siya tinatapunan ng tingin. "Totoo bang mate ako ng alpha niyo?"

I heard him scoffed. "Why? Pinag-iisipan mo na ba kung paano siya ire-reject?"

Hindi naman ako agad sumagot. Uminom muna ulit ako ng tsaa bago siya saglit na nilingon.

"Hindi ko lang maintindihan. Paanong naging ako?" nalilito kong sambit. "Una, tao ako. Pangalawa, kakakita niya pa lang sa akin!"

Miro's side lip rose for a moment, then focused his gaze at the surrounding. "Seriously, I also don't understand why it has to be you," he started. "Ang alam ko lang, you are not his fated mate."

"Fated?"

Tamad naman siyang tumango. "Hindi ang inner wolf niya ang may gusto sa 'yo, ang alpha mismo."

Saglit naman akong natigilan at napaisip. Gusto ko pang humanga sa sarili ko dahil sa mga oras na ito ay hindi pa nagma-malfunction ang utak ko.

May gusto sa akin si Senyorito?

"Teka," wala sa sariling sambit ko at itinuon ang buong atensyon sa kaniya. "Kung hindi ako gusto ng inner wolf niya, bakit noong pumasok ako ng k'warto . . . muntik niya na akong . . . pagsamantalahan?"

Nakita ko ang mabilis na pag-igting ng panga ni Miro, halatang nahihirapan na sagutin ang tanong ko.

"It's because his wolf became mad. Dahil sa nangyaring rejection at pagkamatay ng mate niya, nawala siya sa sarili. He became obsessed finding a mate," tugon niya.

Napangiwi naman ako. "Hindi ba p'wedeng hanapan siya ng isang mateless na katulad niyo?"

He let out a sigh and bent down his back; elbows still on the railings. "We tried . . . but we failed also."

"Bakit? Hindi nag-click ang chemistry?"

"Damn," bulong niya, kasunod niyon ay tipid na tawa at saka umiling. "Ganiyan ba talaga mag-isip ang mga mortal?" usisa niya sa akin nang lingunin niya ako.

Pinagtaasan ko siya ng kilay. "What? Seryoso akong nagtatanong, eh! Pasensya na, ikaw na rin ang nagsabi, tao ako. Kayo, awu awu."

Mabilis siyang napahawak sa kaniyang noo. Hindi ko alam kung nagtitimpi ba siya o literal na nananakit na ang ulo niya dahil sa akin. P'wede ring pareho?

The Alpha's Obsession (VIP GROUP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon