XIV: ACCIDENT

4.1K 157 33
                                    

Action or words.

Alin nga ba ang matimbang sa dalawa?

Paano mo paniniwalaan ang mga kilos kung taliwas iyon sa mga sinasabi nila? Paano mo rin paniniwalaan ang mga salita kung hindi iyon tumutugma sa mga kilos nila? At paano ka rin maniniwala sa kilos at salita nila kung may sarili kang pinaniniwalaan?

I gave out a deep breath and watched the surroundings we are passing by. Hindi ko maiwasan na maisip ang isang tao na kagabi pang naglalaro sa utak ko. His words, his actions, everything.

"You are now unusually silent," Miro interrupted my deep thinking.

Nilingon ko siya at inirapan. We are on our way to school, and as usual he's the driver. Ibinalik ko ang aking paningin sa labas ng bintana at pinagpatuloy ang pagmamasid sa paligid.

"Kapag nagsasalita ako, pinupuna mo. Ngayong tahimik, prinoproblema mo pa rin. Ugali niyo ba iyang mga awu awu?" I almost rolled my eyes again.

"I just want to know what you're thinking. You seem lost," paliwanag niya.

My lips curled into a smirk as I remembered my last conversation with their Alpha. Pagkatapos niya akong gamutin kagabi ay iniwan na niya ako sa kusina. Hindi niya rin hinintay pa ang sagot ko sa huling sinabi niya.

Sino ba'ng nagsabi na takot ako sa kaniya?

"Iniisip ko lang naman kung ano'ng sim card ni Senyorito," bulong ko.

"Sim card? You have his number, right?"

Hanga na talaga ako sa tainga nito. Napakatalas ng pandinig. Tss!

Pairap ko siyang tiningnan."Mixed signal, eh."

Mabilis na kumunot ang noo niya. Halatang hindi maintindihan ang isinagot ko. Hindi ko tuloy maiwasan na matawa sa isip ko.

Hindi talaga nila kaya ang katalinuhan ng isang mortal na katulad ko, haays.

"Anyway, can I ask a question?" He gave me a brief glance before shifting his attention back to the road.

Napaupo ako nang maayos sa seryosong tono niya. "Ano iyon?

He didn't respond right away, as though he wasn't sure whether to ask further questions. "It's about your parents," he started slowly.

"What about them?" I asked with a frown.

"You're an orphan, right? May I know how your parents died?" pang-uusisa niya.

Hindi ko alam kung bakit curious siya sa magulang ko, pero dahil mukhang seryoso siya ay sasagot na lang ako nang maayos.

"Yup, apat na taon na akong ulila. They died in a car accident. I was with them that day actually. Hindi ko alam kung matatawag ba na swerte pero ako lang ang nakaligtas." Mapait akong ngumiti habang inaalala ang mga magulang ko.

"So, you are not definitely her reincarnation," I heard him murmured.

My brows furrowed. Mayamaya pa ay naisip ko ang tinutukoy niya.

The alpha's original mate.

Hindi ko tuloy alam kung maiinis ako o matatawa. "Ano'ng tingin mo sa kaniya? Kaluluwang pagala-gala na pwedeng sumanib basta kung kanino? Kaloka ka, ah."

"Well, my brother is insisting that you're his mate. Whether you are chosen by him or the Moon Goddess gave him an another mate, there must be something with you," he explained in details.

I hummed and moved my head for a nod. "May point, pero hindi talaga ako ang iniisip mo. Bukod sa buhay ako noong namatay ang babaeng itinakda kay Senyorito, wala akong amnesia. Ay, mayroon pala, partial amnesia—TNGNA!" wala sa sarili akong nakapagmura at galit na tiningnan si Miro dahil bigla siyang prumeno. "Hoy! Alam kong awu awu ka kaya may ticket pass ka kay kamatayan pero tao ako, hindi pusa. Isa lang ang buhay ko, hindi siyam. Mag-ingat ka nga!"

The Alpha's Obsession (VIP GROUP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon