XXIV: COURT

2.9K 92 36
                                    

Bumalik ang takot sa dibdib ko nang lumapit si Miro sa amin, nasa likod siya ni Konnor, kinukulong ang bawat kamay nito roon. Agad namang nabaling ang atensyon ko kay Cleon nang marahan siyang tumayo, umalalay ako sa kaniya nang muntikan na siyang matumba. Oo, may plano akong hayaan siyang mamatay, pero hindi sa ganitong paraan. Hangga't maaari ay ayaw kong habulin ng konsensya ko kaya naman kahit naroon ang pagdududa ko sa kaniya ay naghahanap pa rin ako ng isang malinaw na pruweba. Katangahan? Siguro nga, iyon ang tawag sa ginagawa ko.  

Nanlaki ang mga mata ko nang mabilis na daklutin ni Cleon ang kwelyo ni Konnor, kasunod niyon ay ang pagpapakawala ng isang malakas na suntok sa panga nito. Natumba si Konnor, abot-abot ang kaba sa dibdib ko dahil sa takot na baka gantihan niya si Cleon pero hindi iyon nangyari. Ngumisi lang siya, halatang nang-aasar. 

"You broke the rules, Konnor," malalim at mariing sambit ni Cleon.

Umismid naman si Konnor saka mabagal na tumayo, hinarap niya si Cleon. "I'm sorry, I just got lost, and I didn't know she was marked already."

Umigting ang panga ni Cleon kasabay ang pandidilim ng paningin niya. Sino bang maniniwala sa palusot ni Konnor? Napasinghap ako nang sakalin siya ni Cleon sa leeg. Dama ko man ang kahigpitan niyon ay hindi man lang iyon ininda ni Konnor, nanatili ang nakalolokong ngisi sa mga labi niya. Nanginginig man sa takot ay lumapit ako kay Cleon at hinawakan ang braso niya. Awtomatiko kong nakuha ang kaniyang atensyon, katulad kanina ay mabilis na lumamlam ang kaniyang mga mata nang mapunta iyon sa akin.

Napalunok ako. "U-Umuwi na tayo, please?" garalgal kong pakiusap.

Mariing pumikit si Cleon at nanghihinang pinakawalan si Konnor. Isang malalim na hininga ang pinakawalan niya bago muling tumingin sa akin. Hinawakan niya ang pisngi ko saka inilapit ang kaniyang mukha. Ako naman ang napapikit nang dumampi ang kaniyang labi sa noo ko.

"Uuwi na tayo," malumanay na sambit niya.

Awtomatiko naman akong napaluha. Tila may tinik sa dibdib ko na nabunot sa oras na iyon. Ayaw ko mang aminin, pero nag-aalala ako sakaling magkagulo sila rito. Alam kong malakas si Cleon, pero kahit anuman ang pilit niyang ipakita sa akin na maayos ang lagay niya ay hindi ako makampante. 

"Don't try to enter my territory once more, Konnor. Furthermore, avoid approaching my Luna at all costs," Cleon warned clearly.

Umismid naman ang alpha na kausap niya. "Luna . . ." pag-uulit niya saka ako tiningnan.

Mabilis naman akong kinabig ni Cleon patungo sa gilid niya, pumupulot ang kaniyang kamay sa baywang ko.

"Has she accepted you?" natatawa niyang patuloy dahilan para muling umigting ang panga ni Cleon. "Isn't it too early, Cleon, for you to call her your Luna?"

"It's none of your business, Konnor," Cleon replied.

Ramdam ko ang pagkuyom ng kamao niya sa gilid ng baywang ko, halatang gusto na namang saktan si Konnor. Kung wala lang siguro ako sa harapan nila ngayon ay hindi titigil si Cleon sa pagsuntok sa kaharap na alpha. Hindi ko man lubos na naiintindihan ang lahat, mukhang isang kasalanan ang pagtapak sa teritoryo ng bawat isa ng walang pahintulot.

Nabigla ako nang mabilis akong umangat sa ere, karga ako ni Cleon sa mga bisig niya. Awtomatiko namang napapulupot ang mga kamay ko sa leeg niya. Tiningnan niya si Miro. Wala mang salita na lumabas sa bibig niya ay muling hinila ni Miro si Konnor, isang magalang na yuko ang ginawa niya saka siya tinalikuran ni Cleon.

"The next time your hand touches my Luna, especially your filthy lips, I will kill you, Konnor," ani Cleon bago kami tuluyang nakalayo sa dalawa.

Tahimik ang naging paglalakbay namin. Hindi maalis ang mga titig ko kay Cleon, siya naman ay naka-focus ang tingin sa dinaraanan namin. Paminsan-minsan pa ring umiigting ang panga niya, siguro ay naaalala niya ang palitan nila ng salita ni Konnor. 

"S-Senyorito, pwede mo na po akong ibaba," utal na sambit ko, kinakabahan na baka pagalitan niya ako dahil sa nangyari.

Natuon naman ang atensyon niya sa akin. Seryoso iyon ngunit may bakas ng pag-aalala. Saglit na dumaan ang kaniyang dila sa ibabang labi niya bago bumuntonghininga.

"Do you really hate me?" maingat niyang tanong habang patuloy na naglalakad.

Natigilan naman ako. May naramdaman akong kirot sa dibdib ko na hindi ko matukoy kung sa akin ba iyong emosyon o kaniya. Umiwas ako ng tingin, pinanatili ko ang mga mata ko sa dibdib niya.

"Do you even like me?" balik kong tanong imbes na sagutin siya.

Tumigil naman siya sa paglalakad at naramdaman ko ang pagyuko niya para tingnan ako. "I do," sagot niya na nakapagpaawang ng bibig ko.

Wala sa sarili kong naangat ang paningin ko sa kaniya. Nagsimulang mangarera ang tibok ng puso ko nang makita ang sinseridad sa mga mata niya. Nilulukob na naman ako ng kung anong emosyon na nakapanghihina sa akin.

He gently put me down while maintaining eye contact with me. He brought his thumb up to my lips and gently stroked them, as though wiping something. His eyes alternately turned soft and dark as he did that.

"I'm sorry . . ." he said lowly. "I promise he will never come near you again."

Hindi naman ako nakapagsalita.

"I meant it when I said I like you, Faraiah. I meant it when I said I want all of you," he uttered then his eyes stared at me again, lovingly. "I know you have no plans to accept me, but I will still try to change your mind without using force."

"P-Paano mo naman gagawin 'yon?" garalgal kong ani, hindi dahil sa takot kundi dahil sa kaba—kaba na baka malimutan ko ang pinatitili kong galit sa dibdib ko.

"I will court you . . ." he said, making me stop breathing. "I don't blame you if you don't like me. Apart from the fact that I suddenly entered your life, I also had no assurance given to you. So now, I'm going to date you. Even in the short time I have left, I will show how true I am to what I feel."

Wala sa sarili akong napailing at pilit na natawa. "Senyorito, naririnig mo ba ang sinasabi mo?"

"Cleon," he corrected firmly. "Whether you accept me or not, I consider you as my Luna, Faraiah."

Napalunok naman ako at nag-iwas ng tingin. "Paano kung . . . paano kung hindi totoo iyang nararamdaman mo?" mahina kong sambit saka siya muling tiningnan. "Ilang taon kang wala sa sarili at dahil iyon sa dati mong mate. Minahal mo siya, ilang taon mo siyang kinargo sa utak at puso mo. Paano mo nasisiguradong totoo ang nararamdaman mo sa akin sa maiksing panahon na nagkasama tayo? Ayaw ko mang isipin, pero mukhang . . . panakip-butas lang ako."

Nahigit ko ang aking hininga nang maingat niyang hawakan ang baba ko at iniharap sa kaniya. "You're hurting," aniya na nakapagpakurap sa akin ng ilang beses habang nakatitig sa mga mata niya. "Why? Why do you need to hurt yourself with that thought?" patuloy niya pa.

Bumuka naman ang bibig ko para magsalita, para tumanggi, pero naiiwan lang sa ere ang gusto kong sabihin. Para akong kriminal na nahuli sa akto. Walang lulusutan, walang tatakasan.

"Trust my words, Faraiah," he said. "I can't answer your other questions, but I can only answer one. My feelings for you are true. I like you, and I'll go crazy when you're gone, not because I need something from you but because that's how I really feel."

Nagwalang muli ang dibdib ko nang unti-unti niyang inilapit ang kaniyang mukha sa akin. "Every time I see you, even when you're not doing anything, I feel like I'm falling into a deep abyss. You're not a rebound, Faraiah. You are bound to be my Luna."

Marahan akong napapikit nang tuluyang lumapit ang labi niya sa akin. Mabagal at puno ng emosyon niya akong hinalikan. Para akong inihehele sa kawalan sa bawat galaw ng labi niya, nakababaliw. Naramdaman ko ang pagpulupot ng kaniyang braso sa baywang ko, sapat lang para masuportahan ang mga binti kong nanghihina.

He kissed me for a few seconds, even though I couldn't respond. As my thoughts went blank, his lips were the only thing that kept coming to me. I groaned involuntarily as I tightly held his clothes when I felt his tongue enter my mouth, sending a jolt of electricity through my body. It was as if I were paralyzed while being burned by an inexplicable fire.

We were both breathing heavily when he pulled his lips away from mine. Our foreheads pressed together, and we looked at each other drunkenly. I felt his gentle touch on my cheek.

"I am cursed to fall in love with you, Faraiah . . ."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 25, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Alpha's Obsession (VIP GROUP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon