XII: KEY

3.6K 194 23
                                    

Malakas ang bawat kabog ng dibdib ko. Ilang minuto na lamang ay darating na ang mga inaasahang bisita rito sa mansyon. Halos mabaliw na ako sa mga posibleng eksena na pwedeng mangyari habang nagpupulong sila.

"You should calm down," ani Miro sa gilid ko marahil ay napansin ang aking pagiging balisa.

I rolled my eyes. Oo, sinigurado naman nila sa akin na hindi nila ako pababayaan kay Senyorito, pero paano kung ang mga bisita naman nila ang magwala?

Kung magkagatan sila, edi lugi ako. Ano'ng laban ng pantay kong ngipin sa matutulis nilang pangil, aber?

"Go to your room."

Naputol ang pag-iisip ko nang dumating si Senyorito sa salas kung nasaan kami ni Miro. Si Manang ay abala sa kusina para sa paghahanda, hindi na niya ako pinatulong dahil kaya niya na raw iyon, hindi naman na ako nagpumilit pa. Mamaya may dugo pa akong makita roon, magtatakbo pa ako nang wala sa oras.

Taka kong inangat ang paningin ko kay Senyorito na may seryosong titig sa akin. "Po?"

"Go to your bedroom. Saka ka na lumabas pagkatapos ng pagpupulong," paglilinaw niya.

"Alpha—" naputol ang tutol na pagtawag ni Miro nang balingan siya ng tingin ni Senyorito, tila sinasabihan si Miro na huwag nang mangialam pa.

"P-Pero bakit?" pagsingit ko na nakakuhang muli ng atensyon niya. "I mean . . . sabi mo kailangan mo ako?" dagdag ko pa.

Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko pagkatapos. Gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil lalo akong tumatalon sa kapahamakan. Kung tutuusin ay dapat sumunod na lamang ako at hindi na nagtanong pa dahil pabor sa akin ang kaniyang gusto.

"I don't need to explain, just leave," he said coldly.

Ilang beses akong napakurap habang nakatingin sa kaniya, May kaunting kirot akong naramdaman sa aking dibdib sa pagpapaalis niya. Hindi ko matuloy kung bakit. Disappointment? Sama ng loob? Hindi ko alam.

"Okay," tipid kong sambit at tuluyan nang tumayo mula sa aking pagkakaupo.

Isang beses ko muna siyang tiningnan bago ako nagsimulang maglakad palayo. Mabibigat ang aking mga hakbang, hindi ko alam pero umasa akong tatawagin niya ako pabalik, ngunit hindi nangyari iyon. Mapait akong napangiti habang isinasara ang pinto ng aking kwarto.

Hindi niya talaga ako kailangan.

Tulala akong nahiga sa aking kama. Nakakatawa lang dahil daig ko pa ang may iniisip pero ang totoo ay blangko ang utak ko. Sinubukan kong ipikit ang aking mga mata para umidlip pero hindi ako kailanman dinalaw ng antok. Napabuntonghininga na lamang ako sa huli at saka bumangon. Hindi ako mapakali.

What's with a sudden change?

Gusto kong sumilip. Gusto kong makiusyoso. Gusto kong tumabi kay Senyorito habang nakikipag-usap siya sa kauri nila, pero . . . naisip ko rin na baka nga mas okay na wala ako roon. Hindi dahil sa ayaw niya o takot ako, kundi dahil isa akong mortal. Hindi ako katulad nila, malayong-malayo. Nakakahibang dahil tila naramdaman kong hindi talaga ako nababagay rito.

Isang katok ang pumutol sa magulo kong pag-iisip. Kunot-noo akong napatingin sa direksyon ng pintuan ko nang marahan iyong bumukas. Agad na tumambad sa akin ang tamad na mukha ni Miro. Hindi ko tuloy maiwasan na irapan siya.

"What?" anas ko.

"Let's go," aniya na ikinagulat ko.

"Pala-desisyon ka. Hindi 'yan utos ni Senyorito, 'no?" Muli akong umirap.

Letcheng awu awu 'to. Muntik na akong umasa, mabuti na lang matalino ako.

Napapikit siya at napamasahe sa kaniyang sentido. "Sasama ka ba o hindi?"

The Alpha's Obsession (VIP GROUP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon