XI: CONTROL

4.5K 211 26
                                    

Sa lahat ng pagkain na ginawa ko, ito na 'ata ang pinakamaingat. I'm not sure if it's because of the several werewolves around me or the fact that Señiorito was dining with me for the first time. Parang naging maingat ako bigla na huwag magkamali.

"Ayos ka lang ba, hija?" usisa ni Manang.

Mariin kong nilunok ang pagkain sa bibig ko at saka tumango. Napansin ko ang paninitig sa akin ni Senyorito pero kahit kailan ay hindi ako naglakas-loob na lingunin siya. Tipid akong nginitian ni Manang habang si Miro naman na nasa harapan ko ay may sinusupil na tawa.

Kahit kailan talaga ang awu awu na ito. Tsk!

"How about you, are you okay?" tanong ni Miro sa Alpha nila.

Pasimple kong tiningnan si Senyorito sa gilid ng paningin ko. Isang buntonghininga ang ginawa niya bago marahan na ibinaba ang hawak niyang kubyertos. Ipinatong niya ang magkabila niyang siko sa lamesa at seryosong tiningnan si Miro.

"As of now, I am. Pero hindi katulad noon, hindi ko alam kung kailan ulit ako mawawalan ng kontrol sa katawan ko," tugon niya.

Tumango-tango naman si Miro. "Hinahanap ka na nila," aniya. "Makakaya mo bang humarap ngayon kahit ilang minuto?" dagdag niya pa.

Wala sa sarili akong napaayos ng upo at nagkunwaring abala sa pagkain. Hindi ako awu awu kaya naman tingin ko ay wala akong karapatan na makisali sa kanila. Though, I badly wanted to open my mouth to speak.

Paano kung may mangyaring masama? Paano kung kailan narito na ang iba saka siya mawala sa sarili?

Hindi ako gano'n katanga para hindi maintindihan ang gustong puntuhin ni Miro. Oo, kakaunti pa lamang ang alam ko tungkol sa kanila, pero sapat na ang tensyon sa mga mukha nila para makuha ko ang lahat.

Nakita ko ang pagsilip ni Manang sa akin. Mukhang hindi rin siya basta nakikisali dahil sa mga ranggo nila sa . . . ahmmm . . . pack?

"Can you stay with me?"

Pakiramdam ko ay umakyat sa lalamunan ko lahat nang kinain ko nang balingan ako ni Senyorito at sabihin iyon. Malakas akong napaubo na halos tumalsik na ang kanin palabas sa bibig ko. Prente naman niyang kinuha sa gilid ko ang aking baso at inilapit iyon sa harapan ko na para bang hindi ako nag-aagaw-buhay ngayon.

"S-Salamat," utal kong sambit at nagmadaling uminom.

Parang lalabas sa dibdib ko ang aking puso dahil sa lakas ng kabog niyon. Ganito kalakas ang presensya niya sa akin. Na tila sa bawat sasabihin niya ay inaatake ang sistema ko.

"A-Ano po'ng ibig niyong sabihin?" tanong ko nang makabawi at saglit siyang tiningnan.

He licked his bottom lip and leaned his back against his seat. "Right now, you're the one who can control me."

Napaawang ang labi ko sa narinig. Seryoso man siya at wala akong mabakas na ibang emosyon, hindi ko maiwasan na makaramdam ng kakaiba.

Nababaliw na talaga ako.

"P-Paano? I mean . . . paano ko magagawa na panatilihin kang maayos? W-Wala akong ideya," pag-amin ko. "Saka . . . paano kung . . ." Wala sa sarili akong napalunok. "Bigla kang mawala sa sarili at ako ang maatake mo dahil malapit ako sa iyo?"

Hindi naman siya agad nakasagot pagkatapos niyon. Nanatili siyang tahimik habang nakamasid sa akin. Hindi ko napigilan na umiwas ng tingin dahil hindi ko matagalan ang mga mata niya.

"Just call my name," he said.

Kunot-noo kong ibinaling pabalik ang atensyon ko.

"There's something in your voice, and I don't know why, but every time you call, it feels like I'm being roused from a deep sleep."

"Dapat ko po bang ikatuwa iyon?" Alanganin akong tumawa.

Nakagat ko ang ibaba kong labi nang mapagtantong kusa iyong lumabas sa bibig ko.

"Well, let's just say it's a good thing. Besides, Miro will protect you if something bad happens," he assured.

Napanguso ako at tumingin kay Miro. He raised his eyebrow at me. Wala pa man ay parang sinasabi niya sa akin na huwag kuwestyunin ang kakayahan niya.

Sabagay, hindi rin naman talaga ako mapapahamak kanina kung sinunod ko ang bilin niya.

"What if traydorin niya kayo?" iyon na naman ang bibig kong walang preno sa pagtatanong.

Sa isang organisasyon, gaano man iyon katibay, hindi imposible na may isang sumira doon. Akala ko ay mamasamain nila iyon, pero sabay na tumawa si Manang at Miro, si Senyorito naman ay tipid lang na napangiti.

"Aside from Luna, I feel the deepest connection to Alpha, lady," mayabang na sagot ni Miro.

Palihim akong napanguso. Edi ikaw na ang loyal.

"Hindi kita pipilitin kung hindi ka kumportable," pagkuhang muli ni Senyorito sa atensyon ko.

Sa pagkakataong ito ay napatitig ako sa kaniya. Seryoso siya at sinsero sa binitiwan niyang salita. Nagtitiwala ako, pero tao lang din ako na natatakot.

"Alam kong iniisip mo ang tungkol sa nasaksihan mo. Iniiwasan mo lang magtanong nang magtanong. But to let you know, she's now safe. You saved her . . . from me."

"T-Talaga?" Hindi ko naiwasan na matuwa sa narinig.

Hindi ko tuloy nabigyang pansin ang pait ng tono niya sa huli. Kinain ako ng konsensya at awa para sa kaniya. Alam kong hindi niya rin ginusto na makapanakit, pero dahil sa sitwasyon niya ay hindi niya napigilan ang nangyari.

He just gave me a simple nod and looked at Miro. "Ipatawag mo na sila ngayon. Kung sakali na makita mong hindi na nagiging maayos ang lahat, stop the meeting and make them leave," tipid na utos niya at saka tumayo para umalis.

Isang yuko lang naman ang ginawa ni Miro, tanda nang pagsunod sa sinabi ng Alpha nila. Pagkatapos niyon ay pinanood namin siyang umakyat sa hagdaanan.

He's cold. I can clearly see that. Hindi man siya nakakatakot sa anyo niya ngayon ay mababakas pa rin ang kapangyarihang hawak niya. But despite everything, I could also feel his warmth.

"Maghanda ka nang mas matibay na rehas, Manang," ani Miro nang bumalik siya sa pagkain.

"B-Bakit?" pagsingit ko.

Tamad niya akong tiningnan at saka nagpakawala nang malalim na hininga. "Katulad ng sinabi niya, sakaling mawalan na naman siya ng kontrol, kakailanganin na ulit namin siyang ikulong sa k'warto."

Napalunok ako at naintindihan ang lahat.

"Nagawa niyang masira ang rehas kanina para sundan ka. Hindi ko rin inaasahan iyon, pasensya ka na, hija. Muntik ka pang mapahamak," ani Manang.

"Natatakot po ako, Manang . . ." mahinang sambit ko, sapat lang para marinig nila.

Wala namang sumagot sa akin. Marahil ay naiintindihan nila ang pinagmumulan ng takot ko. Hindi man nila aminin ay alam kong miski sila ay kinakabahan sa p'wedeng mangyari.

Hindi ko alam pero kusang umakyat ang paningin ko sa ikalawang palapag. Sandali pa akong nagulat nang nakita ang pigura ni Senyorito. Nakasandal siya sa pader at diretyo ang paningin patungo sa akin.

There's something in his eyes that I can't explain.

Pain?

Pero para saan?

He stopped staring and turned to head in the direction of his chamber. Para siyang bigo at malungkot kahit pa hindi ko iyon lubos na makita sa mukha niya. He's like a solving puzzle. A dangerous piece that I should never touch.

"I'll stay . . ." wala sa sarili kong bulong nang tuluyan na siyang nawala sa paningin ko. "I'll try my best to keep him sane."

The Alpha's Obsession (VIP GROUP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon