XXIII: KISS

1.5K 55 3
                                    

Nangunot ang noo ko sa sumunod na araw habang naglalakad ako sa hallway ng building. Hindi ko alam kung dahil ba kasama ko si Cleon sa tabi ko kaya hindi ako matingnan nang maayos ng mga nadaraanan kong estudyante o mayroon talagang mali sa kanila. Ipinagkibit-balikat ko na lamang iyon at inayos ang suot kong scarf habang hinahanap ang room ko.

Hindi pa rin gaanong maayos ang pakiramdam ko. Nakakakilos man ako nang normal ay naroon pa rin ang init na nananalaytay sa aking katawan. Hindi rin nakatutulong na kasama ko ngayon ang alpha, pakiramdam ko anumang oras ay susunggaban ko siya ng halik.

Muli kong naalala ang huli naming pag-uusap. Itinanggi niya ang paratang ko sa kaniya. Bakas man ang kalituhan sa kaniyang mukha kung bakit ko iyon natanong ay sigurado naman siya sa kaniyang sagot. Nakababaliw man pero mayroon sa loob ko na pinanghawakan iyon kahit tumututol ang isip ko.

Natigilan ako sa asta kong pagpasok sa room nang makita ko si Aica sa unahan. Agad akong kinabahan nang magtama ang mga mata namin, handa na sana akong magbigay galang pero naiwan sa ere ang asta kong pagyuko nang iiwas niya ang paningin sa akin. Doon ko lang napagtuunan ang kabuohan niya. May benda ang kaniyang braso, hindi ko alam pero may ideyang namuo sa utak ko. Naramdaman ko naman ang presensya ni Cleon sa aking likod, ang kaninang tahimik na silid ay mas lalo pang nanahimik. Tila isang maling kilos lang nila ay alam nilang may paglalagyan sila.

Wala sa sarili akong napabuntonghininga at hinarap si Cleon. "Don't tell me you're going to stay here the whole day?" 

"Why not?" balik niyang tanong.

Napapikit na lamang ako at saka siya hinawakan sa kaniyang braso. Binalewala ko ang kung anumang nararamdaman ko dahil sa pagdampi ng aming mga balat at hinila siya sa gilid ng pintuan, sapat lang para makapag-usap kami nang pribado. Agad ko siyang binitiwan at saka nakapamaywang siyang hinarap.

"Alam kong amo kita, pero bigyan mo ako ng personal space rito sa school, Senyorito," matapang na sabi ko.

Siguro nga nababaliw na ako dahil nagagawa ko siyang kausapin ng ganito. Hindi naman siya agad tumingin sa akin, nanatili ang kaniyang mga mata sa braso niyang hinawakan ko. Isang beses siyang lumunok nang mariin at pinadaanan ng dila ang ibaba niyang labi. Palihim ko namang nahigit ang hininga ko at pasimpleng nag-iwas ng tingin. Nagsimula na namang magwala ang dibdib ko sa kakaibang emosyon.

"I won't bother you," he said softly then lifted his eyes at me.

Inirapan ko naman siya. "Yeah, k'wento mo sa pagong," bulaslas ko.

Kumunot naman ang noo niya, halatang hindi maintindihan kung bakit ko iyon nasabi. Isang buntonghininga na lamang ang pinakawalan ko saka siya tiningnan nang seryoso. Siguro dahil sa pag-iisip na siya ang pumatay sa mga magulang ko ay nawala ang lahat ng takot ko sa kaniya.

"Hindi ko alam kung bakit mo pa ako kailangang samahan. Kaya ko ang sarili ko, Cleon, kaya umalis ka na," pagtataboy ko.

Marahan namang umigting ang kaniyang panga. "I can't. What if you feel sick and pass out?"

"Edi saka mo ako puntahan," kibit-balikat kong sagot. "Kahit doon ka na lang sa gate o kaya si Miro na lamang ang guluhin mo."

"Miro can take care of himself," he pointed out.

Napapikit na lamang ako sa pagtitimpi. "Aalis ka o ako ang aalis sa mansyon?" banta ko.

In a split second, his eyes turned dark. Muli pang umigting ang panga niya kasabay ang pagkuyom ng kaniyang kamao. Sa huli ay isang mahinang mura na lang ang pinakawalan niya at saka bastang hinila ang scarf na nakabalot sa leeg ko.

"Fine. But don't hide my mark on you. That will serve as your protection," he said in a dismissive tone, leaving me dumbfounded.

Napatitig na lamang ako sa pigura niyang palayo. Napahawak ako sa leeg ko, hilom na ang sugat doon pero bakas pa rin ang pamumula. Halatang-halata pa rin ang pinagbaunan ng pangil niya sa balat ko.

The Alpha's Obsession (VIP GROUP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon