XIX: MARKING

1.5K 47 1
                                    

I woke up feeling weak and nauseous. Marahan akong nagmulat at agad na bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Senyorito. Nakaupo siya sa tabi ko. Nakitaan ko rin ng takot ang kaniyang mga mata na hindi ko alam kung para saan.

"Are you okay? How do you feel?" he asked softly.

Doon pa lang bumalik ang mga alaala ko. Kahit nanghihina ay mabilis akong napalayo sa kaniya dahilan para mapapikit ako nang maramdaman ko ang pagkirot ng aking leeg at balikat. Nanigas ako sa aking pagkakahiga at nanlalaki ang mga mata na napatitig pabalik sa kaniya.

"A-Ano'ng ginawa mo sa akin?" utal kong tanong.

I saw him swallowed hard. Nag-igting din ang panga niya bago napaiwas ng tingin. Kung kanina ay ako ang lumayo sa kaniya, ngayon naman ay siya ang kusang umatras.

"I'm sorry . . ." he whispered.

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng bahagyang pagsisisi at naguguluhan ako dahil doon. Wala akong dapat ipagsisi kaya bakit ko iyon naramdaman?

"I know you're scared. I can feel it," imik niyang muli.

Napakunot ang noo ko. Oo, takot ako ngayon at marahil halata iyon sa mukha ko kaya naman aware siya. Inilibot ko ang aking paningin sa silid, narito kami sa kwarto niya. Walang ibang tao bukod sa aming dalawa.

"I-I . . . didn't mean to hurt you." Naroon man ang pagiging seryoso ng kaniyang mukha ay hindi ko naiwasang maramdaman ang lungkot niya.

"Ano'ng nangyari?" pag-uulit ko sa tanong ko.

His hand fisted slowly as he stared at me. "I marked you last night."

Para akong nabingi sa narinig ko. Wala sa sarili akong napahawak sa aking leeg at naramdaman ang maliit na benda roon. Nalaglag ang panga ko at ilang beses akong napakurap. Pilit kong prinoseso ang lahat, pero hindi talaga iyon matanggap ng utak at dibdib ko.

"A-Ano na ang mangyayari sa akin ngayon?" kinakabahan kong tanong.

Napaiwas siya ng tingin. His jaw set once again before he heaved a deep breath. Marahan siyang tumayo at walang emosyon na namulsa.

"Just reject me, nothing will happen," he stated.

Hindi ako nakaimik nang pabalyang bumukas ang pinto. Kasunod niyon ang pagpasok ni Miro na may malalaking hakbang at seryosong nilapitan si Senyorito. Naalarma ako nang bigla niya itong kwelyuhan.

"Nothing will happen?" hindi makapaniwala niyang sabi. "Can you hear what you're saying?" gigil na patuloy ni Miro sa kaniyang kapatid.

Nanghihina man ay awtomatiko akong napabangon. Naguguluhan ako kung ano'ng nangyayari. Hindi ako sanay na makita si Miro na may galit kay Senyorito kahit pa nakikita ko ang pag-aalala sa kaniyang mukha.

"Stay out of this, Miro," Cleon commanded as he looked at him coldly.

Napatiim-bagang si Miro at patulak na binitiwan ang kwelyo ni Senyorito. "You'll die! You know that!" he yelled with his bloodshot eyes.

Little by little I understood what they were talking about. Sandali akong tiningnan ni Miro at itinuro. Kita ko ang frustrasyon sa kaniyang mukha nang ibinalik ang paningin kay Senyorito na ngayon ay nanatili pa ring malamig ang emosyon.

"She's been marked! A bond has formed between the two of you!" pagpunto ni Miro.

"Get out, Beta," Cleon commanded again.

Napahilamos si Miro sa kaniyang mukha kasabay ang sunod-sunod na pagmumura. "You are unstable, another rejection will make it worst, Alpha," pilit niyang paliwanag.

The Alpha's Obsession (VIP GROUP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon