Simula: Paper Plane

175K 1.9K 600
                                    


Conzego Series 3: Reminiscing the Cold Wind✈️


Written by: Azureriel©2022

____________________________________________________________________________







Simula




Pinalipad ko ang eroplanong papel sa bughaw na himpapawid. Maganda ang panahon ngayon at kay sarap pagmasdan ng mga ulap. Puno ako ng pangarap habang pinapanood iyong tangayin ng hangin.


"Balang araw magiging piloto rin ako."


Tanging tahol ang naging sagot ng alaga kong aso. Mula sa maaliwalas na langit ay bumaba ang tingin ko sa tambak ng basura. Masarap mangarap ngunit tulad din yata ng eroplanong papel na iyon, tatangayin lang din ng hangin ang pangarap ko.


"Ano sa tingin mo, Laika? Magiging piloto kaya ako?"


"Arf!"


"Hay naku si Dustin nag-iilusyon na naman." Nang-iinsulto silang tumawa.


Nandito na pala sila. Tumayo ako at hinawakan ang tali ni Laika, handa ng umalis ngunit hinablot nito ang aking braso.


"Ano basta ka na lang aalis?! Akin na."


"Wala akong pera."


"Anong wala? Huwag mo nga akong lokohin! Nakita ka namin na nagbenta ng kalakal kanina. Tapos ngayon sasabihin mo na wala kang pera? Huwag mo nga kaming gawing tanga. Akin na!"


"Wala nga sabi!"


"Aba nagmamatigas ka ah! Hawakan n'yo 'yan."


Pumwesto sa likod ko si Benedick at hinawakan ako sa magkabilang braso upang hindi makapalag. Hinawakan namin ni Trunk ang aso ko habang si Aeron ay pilit dinudukot sa bulsa ng short ko ang pera.


"Arf! Arf!" Pilit itong kumakawala upang makatakbo papunta sa akin ngunit masyadong mahigpit ang pagkakahawak nito rito.


"Ibalik n'yo sa akin iyan. Pambili namin iyan ng bigas ni Inay."


"Ayoko nga."


"Pera ko iyan, Aeron, kaya akin na!"


"Kanina 'yon, pero ngayon sa akin na ito."


"Akin 'yan!" Pilit ko iyong binabawi sa kaniya pero dahil sa liit ko ay madali nitong nahablot ang kwelyo ng aking uniporme.


Reminiscing the Cold Wind (Conzego Series 3✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon