Chapter 22: Vintage Letter

35.2K 680 284
                                    


Chapter 22




Dumiretso ako sa baba pagkagising upang magmeryenda. Nakauwi na nga pala kami ni Dustin. Dumating kami bago mag-lunch. Since both of us have cars, naghiwalay na kami ng daan pagdating dito sa Manila. Siya umuwi sa condo niya tapos ako naman sa amin. Mom hugged me pagdating ko tapos kumain lang kami. No more drama.



Kinumusta ko lang mga aso ko pagkakain at nakipaglaro sa kanila kahit saglit tapos umakyat na ako sa taas para makapagpahinga. Walang tao sa kusina nang dumating ako. Tapos na sila sa mga gawain kaya siguradong nasa entertainment room ang mga iyon ngayon at nagka-karaoke. Kumuha ako ng yoghurt sa fridge.



"You're here!" Tumakbo sa akin si Hope na naka-backpack pa. Kasunod nito si Ate Guava. Kauuwi lang nila galing sa Ballet Class.



"I have pasalubong for you."



"Really, Ate?" Her eyes twinkled.



"Um. Let's go sa room. I'll show it you."



"Nand'yan na siya?" natataranta kong tanong nang marinig ang ugong ng sasakyan. Tumango-tango si Ate Melon. "Oh my god! How's my look?"



She gave me a thumbs up. Nagmadali na akong bumaba ng hagdan ngunit binagalan ko ang paglakad nang medyo malapit na. I need to keep my kilig in myself. Ayokong ipahalata sa kaniya na sabik akong makita siya. Isang linggo kaming hindi nagkita, 'te. Normal lang naman siguro na ma-miss ko siya. Pero syempre sekreto lang.



"Good day po, Tita."



Nagbeso-beso sila ni Mommy.



"Tawagin ko lang si Sofie- oh nand'yan na pala siya." Sinenyasan ako nitong lumapit.



Naupo ako sa kabilang dulo ng sofa.



"Hi."



"Hello."



Shi*t! Bakit parang nagkakahiyaan kami? Dahil ba isang linggo kaming hindi nagkita?



"Kukunin ko lang iyong b-in-ake ko." Nagpunta si Mom sa kusina.



"Kumusta?"



"Katatanong mo lang n'yan kanina sa phone kalahating oras pa lang ang nakakalipas," sagot ko nang hindi siya tinitingnan.



Pareho kaming nakayuko sa sahig at ramdam ang awkwardness. Ghad! Bakit ngayon pa kami nagkahiyaan?



"Sorry." Tumawa ito nang mahina.



Dumating na si Mommy dala ang tray na may lamang pagkain. Mabilis namang tumayo si Kaezar para tulungan ito.



"How was it?"



"Ang sarap po ng pie n'yo, Tita."



"Kaya naman pala paborito ng yumao kong asawa."



Ipinilig ko ang ulo at kumuha na lang ng slice ko ng buko pie. Mainit-init pa dahil freshly baked ni Mommy. Kumain lang kami sa sala habang kausap ni Mom si Dustin. Nagulat ako na nakasabay si Kaezar sa kadaldalan ni Mommy. Samantalang ako tahimik lang. Ang daldal nila pareho. Hindi ako makasingit. Close na sila?



"Kaya mo ba?" alalang tanong ko habang inaayos niya ng patas ang mga plato at basong ginamit namin. "Ay, Waiter at Barista ka nga pala."



Tumaas ang isang sulok ng labi niya at dinala na ang mga iyon sa lababo. Pagbalik ay may dala na itong basahan. Maingat nitong pinunasan ang lamesa at muling bumalik sa kusina.



Reminiscing the Cold Wind (Conzego Series 3✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon