Chapter 25: Darkness Galene

49.4K 1K 1.6K
                                    


Chapter 25



"What are your thoughts about a guy with two phones?"




"What do you mean by two phones? Hmm... you mean... a secret phone?"




"Um. P-Parang ganoon na nga."




"Ano pa nga ba edi may babae."




Kumabog ang dibdib ko nang marinig iyon.




"B-Baka naman pang-work iyong isa tapos iyong isa naman for personal contacts."




"Kung for work purposes phone na 'yon edi sana open iyon sa public. Having a second phone is normal but having a secret phone is somewhat suspicious. Kasi bakit magiging secret phone iyon kung wala kang tinatago? Kung wala kang babae? Alam mo kasi iyong mga pro cheater na 'yan, gumagamit sila ng extra phone para safe iyong mga magiging convo nila ng kabit nila. Gagawin ng mga iyan, sa main phone wallpaper nila girlfriend o boyfriend nila, lock screen, lahat-lahat na. Syempre ito namang si girlfriend hindi maghihinala kasi feeling niya secured na siya kasi nakabalandra ba naman mukha niya sa cellphone ni Guy, so who would think na may iba pa bukod sa kaniya since wala rin naman siyang nakikitang convo o babae sa contacts? Hayss, mga lalake nga naman ngayon oh nag-innovate na rin sa pambababae."




"H-Hindi naman siguro mambababae si Dustin."




Napatigil ito sa paghahalo ng kape at gulat na napatingin sa akin.




"Si Kaezar Dustin iyong tinutukoy mo?"




Mabagal akong tumango-tango. Umikot siya sa countertop at naupo sa high stool na katabi ko.




"I was looking for my AirPods earlier in his car. But accidentally, I found his second- secret phone in the search."




"Secret phone so it means... you didn't know that he have that?"




"Ganoon na nga. Alam ko phone niya eh. Ultimo password alam ko. Ako pa nga ang naggayak niyon sa maleta niya kanina."




"Baka for work iyon."




"Pero bakit hindi niya sinabi? Iyong place pa lang na pinagtaguan niya sobrang obvious ng ayaw niyang may makaalam. Tapos kanina may tumawag sa phone niya. Babae."




"Anong sabi?"




"Hindi ko nakausap kasi hindi ko naman sinagot pero nag-text. Ang sabi, Nand'yan pa ba girlfriend mo?"




"Oh my gosh." Napatakip siya sa bibig.




"Do you think he's cheating on me?"




"Alam mo, beh, ayaw kong mag-isip ng hindi maganda pero... oo, bhe, may posibilidad." Bumagsak ang balikat ko matapos marinig iyon. "Pero hindi ko naman sinasabi na mayroon talaga."




"Ang tagal na namin, Jade. At sa ilang taon na iyon, ni minsan ay hindi ko naramdaman na may iba- na may mali sa relasyon namin. But after seeing that phone... hindi ko maiwasang hindi mag-isip ng kung ano-ano. I know that girl. Minsan na rin namin siyang napag-usapan ni Dustin dati. Siya iyong best friend niya na nasa Japan- iyong may-ari ng coffee shop na sinasabi ko sa 'yo noon na hindi ko pa name-meet."




Reminiscing the Cold Wind (Conzego Series 3✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon