Wakas: Cold Wind

45K 1K 1.6K
                                    

Wakas



"Mommy!"

I saw my son running towards me wearing his school uniform with medals hanging on his neck. Inihinto ko saglit ang pagluluto upang harapin siya.

"How's your day, son?"

"Mom, look! I got two medals in our Science Quiz Bee."

"Wow! Congrats. Ang galing-galing talaga oh." Ginulo ko ang buhok niya at hinagkan siya sa pisnge.

Nasa Grade 5 na siya ngayon and he was really doing well in school. He excelled not only in academics but also in extra-curricular activities. Grade 5 pa lang siya pero member na ng volleyball team, Editor in Chief ng School Publication nila, at Student Leader.

Mukhang namana niya ang katalinuhan at galing sa pagsusulat sa ama. Siguro iyong sa pagiging student leader, sa akin. I was not a student leader in school but I have a big circle of friends unlike kay Kaezar Dustin na tahimik lang sa gilid at hindi mahilig makipag-usap.

He never wanted to be in the spotlight.

"I also won a trophy but it's still in the car right now."

"Saan naman galing trophy mo?"

"Remember the Little Inventor Competition?" I nodded. "I won there too, Mom!"

"Wow!" Anak ko ba talaga 'to?

"And because of that you need to raise my allowance this coming week so I can buy a new manga." He winked.

My lips parted when I heard that. Anak ko nga. Sigurista sa pera eh.

"Okay. No problem."

"Yes!"

"Magbihis ka na sa taas. Baka matuyuan ka ng pawis."

"Wait, I have something for you mom."

"Really? Ano na naman iyon?"

May dalawang medal na siya at trophy, ano pa ba ang pasalubong ng batang ito? Binuksan nito ang zipper ng bag at may dinukot doon.

"Charaan!" Inabot nito sa akin ang isang bugkos ng sariwang bulaklak. "Pinitas ko 'yan kanina sa daan."

"Aw, thank you." Hinagkan ko siya sa tuktok ng ulo. "Ang sweet mo talaga."

"Daddy always does that when he was still here."

Ngumiti lang ako nang tipid at niyakap siya.

"Sige na magbihis ka na. Pagkatapos ay tawagin mo na rin ang kapatid mo nang makakain na tayo."

"Okay, Mom!" Tumakbo na siya paakyat sakbit ang backpack.

Ilang segundo akong natulala sa harapan ng kalan bago napabuntong hininga.

Si Kaezar Dustin...

"Mommy!"

Umiiyak itong naglakad palapit sa akin. Lumuhod naman ako upang punasan ang luha niya.

Reminiscing the Cold Wind (Conzego Series 3✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon