Chapter 23: Water Fountain

36.2K 697 434
                                    


Chapter 23





"We kissed."




"What?" Napatigil siya sa pag-inom.




"We kissed," I repeated and rolled my eyes before sipping on my milktea.




"Magaling ba?"




"Um." Tumango-tango ako.




"So how was it?"




"I lost my mind."




"Really? Ganoon ba kagaling para mawala ka? I thought hindi siya marunong. Sinasabi ko na nga ba't mapanlinlang ang ganoong mukha."




"It was... it was..."




"It was what?"




"It was fucking awkward." I bit my lower lip.




"How come? You told me he's a good kisser, right?"




"I told you na nawala ako sa sarili, 'di ba? Not nawala na nadala, but nawala na... I forgot to close my eyes."




"What?" Napaawang ang bibig nito. "So ano iyon nakamulat ka habang hinahalikan ka niya?"




"Oum." Nahihiya akong tumango-tango.




"Hala ka."




"As in nablanko ako, beh. Maski pagpikit nakalimutan ko. Wala akong ibang nagawa kundi makipagtitigan doon sa Last Supper na pos—"




"Poster na... teka- saan n'yo ginawa?" Naningkit ang mata nito, mukhang nakakutob na. "Huwag mong sabihing sa condo ko."




"Sorry." Nakangiwi akong nag-peace sign.




"Gagang 'to." Pinukpok niya ng ballpen ang ulo ko. "Sa lahat ba naman ng lugar sa condo ko pa talaga."




"Hindi ko naman kasi alam na mangyayari iyon. Sabi niya lang naman may sasabihin siya."




"Ano sinabi niya?"




"Tinanong niya lang ako kung alam ko raw ba na lalake si Tweety Bird."




"Huh?!"




Nagkibit-balikat ko.




"May pa close your eyes at go with the flow ka pang nalalaman ah. Ano sabi mo? "I can teach him naman eh." Tapos ultimo pagpikit nakalimutan mo?" pang-aalaska nito sa akin.




"Che!"




"Paano naman ako hindi matatawa sa 'yo eh kung magsalita ka noong nakaraan akala ko eksperto ka dahil lang marami ka ng nabasa tapos- pfft- HAHAHAHA!"




"Tss."









"My mom wants to meet you."




Nahiwa ko ang sarili matapos marinig iyon. Mabilis naman siyang sumaklolo upang tingnan ang lagay ko.




"You okay?"




"Yeah, I'm okay. Mababaw lang naman."




Itinapat nito sa gripo ang kamay ko para hugasan. Nilagyan niya iyon ng betadine tapos band-aid upang hindi madumihan. Hindi naman siya masakit since mababaw lang. Siya na ang naghiwa at ako naman ay naggisa na lang ng bawang at sibuyas.




Reminiscing the Cold Wind (Conzego Series 3✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon