Chapter 10: Text Message

28.7K 640 25
                                    



Chapter 10




"Anong panunuorin natin?"



"Horror!" mabilis na sagot ni Jade na nakapwesto na.



Nandito kami sa theater room namin dahil gusto raw nilang manuod. We jogged this morning and had some coffee in Starbucks, then we headed to our house to continue our bond. Sabado na naman at tapos na rin ang mga exams.



"Baka naman manunuod tayo ng horror tapos nakatakip mata ninyo at tainga."



"Uy hindi ah." Tumawa ito.



"Okay." P-in-lay ko iyon at tumakbo na papunta sa tabi ni Jade.



Naki-share ako sa blanket at nag-umpisa na kaming manginig sa kaba at excitement. Sa unahan namin nakaupo si Ilaria na tahimik lang na naka-focus ang mata sa malaking screen. Air-conditioned ang buong silid kaya hindi ka talaga maiinitan. Intro music pa lang ng movie ay kikilabutan ka na kaya sumiksik na kami ni Jade sa isa't isa.



Takot kami sa horror pero gusto namin manuod ng horror.



Kinapa ko ang remote sa inuupuan namin at pinatay ang mga ilaw. Mararamdaman mo talaga na parang nasa totoong sinehan ka dahil sa laki ng screen at bukod pa roon ay maganda rin ang sound system namin dito. Kakabog ang dibdib mo at mararamdaman mo ang bawat eksena. Nakakatakot iyong movie kaya ilang beses akong napatago sa loob ng blanket.



"Kumusta naman pala kayo ni Kaezar?" tanong ng katabi ko habang nasa gitna kami ng panunuod.



"He texted me."



"Kailan?"



"Hmm... five days ago?"



"Oh ano sabi?"



"Wait pakita ko sa 'yo." I got my phone and looked for his message. Sabi niya... I'm hoping that next time, that's not the only cupcake I would taste. Iyon lang."



"My gosh! Iba rin iyang si Kaezar ah. Akala ko pa naman inosente."



"Ano bang sinasabi mo d'yan? Kung iyon ang iniisip mo well nagkakamali ka d'yan. Nagbenta kasi ako ng cupcake nitong nakaraan tapos natikman niya. Kaso nag-iisa na iyon kaya wala na siyang ibang option. Malay mo gusto niya lang ma-try pa iyong ibang flavors kasi nasarapan siya sa natikman. Ito talaga kung ano-ano iniisip."



"Okay. Eh ano naman sabi mo?"



"Wala."



"Wala?"



"I did not reply. Hindi ko nga alam kung paano niya nakuha number ko."



"Then ask him para malaman mo."



"Oo nga, 'no." Nag-type ako sa phone ko pero nakailang bura at ulit dahil hindi ko alam kung anong sasabihin. "Should I still... include SLR? Five days ago na itong message niya eh."



"Huwag na para kunwari entitled ka."



"Ganoon?" Tumawa ako at nag-type ulit.





To: Unknown Number

How did you get my number?





Nang makuntento na ako ay pinindot ko na ang send icon gamit ang nanginginig ko pang daliri. Napabuga ako ng hangin nang mag-send iyon.



Reminiscing the Cold Wind (Conzego Series 3✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon