Chapter 19: Dinner Date

30.8K 650 388
                                    



Chapter 19




"But you told me you would never like me."



He averted his gaze, feeling embarrass now. "I didn't say that," he replied, trying to deny it. I laughed at him so he darted me a death glare. "What's funny, huh?"



"Scammer ka nga!"



"Whatever." Pikon itong naglakad pabalik sa lababo.



"Paano ka manliligaw? You don't like me," sabi ko lang kahit alam ko naman sa sarili ko na gusto niya ako kaya nga niya ako nililigawan. "Hindi ka pa nagco-confess," ani ko pa nang hindi ito magsalita.



Syempre iba pa rin iyong sasabihin niya ang mga salitang iyon... na magtatapat siya ng nararamdaman niya.



"Haven't I?" he asked while busy frying the fries.



"Yes, you haven't confessing yet. Dapat nga mauna iyon bago ang ligaw. So come on sabihin mo na. Huwag ka na mahiya. Tayo-tayo lang naman."



"I'm not into expressing my feelings vocally so I won't repeat what I already said."



"Nasabi? Wala ka pang sinasabi. Kahit lasing ako noong sinabi mo iyon if ever, hindi ko pa rin makakalimutan iyon. Kaya sige na sabihin mo na. Manliligaw ka eh hindi ka pa nga naco-confess. Malay ko ba kung anong nararamdaman mo para sa akin. Hindi naman pwede iyon." Nakabusangot kong pinag-cross ang aking mga braso.



"I told you, I already confessed," he said softly and faced me.



"Wala! Kailan? Wala nga akong maalala. Nananaginip ka yata. Hindi pa kita sinasagot pero pinaglololoko mo na ako. Paano pa kaya kapag tayo na?" Tumayo na ako para sana mag-walkout pero mabilis nitong nahuli ang palapulsuhan ko.



Pinihit ako nito paharap sa kaniya at pinisil nang marahan ang mga kamay ko. Mas matangkad siya kaya parang bata akong naghihintay sa sasabihin niya. Pinipigilan ko ang sariling huwag mapangiti. Syempre bad trip ako eh.



"I confessed few weeks ago... the same day when we both found out na ikaw ang babaeng matagal ko ng hinahanap."



"Wala kang sinabi. Wala rin akong maalala na ganoon." Nag-iwas ako ng tingin pero marahan nitong hinawakan ang baba ko at pinatingala ako sa kaniya.



Bawal Ngumiti Challenge muna tayo Self.



"Remember the Wattpad account details I sent to you?"



Napakurap-kurap ako sa sinabi nito. "Details? Yeah, I remember that." Kinuha ko ang phone ko at inalis ang phone case upang kuhain doon ang kapirasong papel kung saan ko isinulat ang details noong hiningi iyon ni Jade. "Here."



"Do you know what does that mean?"



"Hahayaan ko na iyong may-ari na lang ng account ang magsabi sa 'yo."



Umiling-iling ako. "Sinabi sa akin ni Jade na may something d'yan pero hindi niya sinabi kung ano. Hintayin ko raw na ikaw ang magsabi. I checked that too pero wala naman akong napansing kakaiba. Teka may connect ba 'yan sa confession na pinag-uusapan natin?"



"What's the password?"



"Huh?" Tiningnan ko ang papel at binasa upang idikta sa kaniya. "5* x 2* 3/ x 4* 1/. Oh anong mayroon doon?"



"That's the confession."



"Huh? Consistent honor student ako, Kaezar. Valedictorian pa ako noong Senior High. Pero alam mo kapag ikaw na kaharap ko... nabobobo akong literal." Tumawa siya nang mahina. "Kita mo na pinagtatawanan mo pa ako ngayon. Ganiyan ba ang nanliligaw? Sabihin mo na lang kasi nang diretso."



Reminiscing the Cold Wind (Conzego Series 3✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon