Chapter 6: Transfer Student

29.3K 748 95
                                    




Chapter 6





Malalim ang bawat hinga nito nang ihinto ko ang sasakyan sa tabi. Tulala siya at mukhang hindi makapaniwala sa nangyari.




"Okay ka lang— uy gago!" mura ko nang bigla na lang itong nawalan ng malay.




Sumandal ako sa sandalan at pinaglaruan sa daliri ang susi ng sasakyan habang hinihintay siyang magising. Nainip na ako kaya lumabas na muna sandali at pumasok sa Convenience Store kung saan ko iginarahe ang sasakyan. Bumili lang ako ng makakain at maiinom tapos bumalik na ako agad. Wala pa rin siyang malay nang datnan ko.




"Mabuti naman at gising ka na," turan ko habang umiinom ng soda.




"A-Anong nangyari?"




"You passed out, dude."




"What the heck. Are you serious?"




"I didn't know na hindi ka pala sanay sa ganoon kabilis."




"I am."




"Nah, you're not. I bought water for you, by the way. Drink that before you drive. I need to go." Binuksan ko ang pinto sa gilid at naglakad na palayo habang hawak sa kamay ang can ng soda at paper bag.




Tinawag pa niya ako pero hindi na ako nag-abala pang lingunin siya. Sinadya kong hindi ideretso sa bahay ang sasakyan tulad ng nais niyang ihatid ako dahil ayokong malaman nito ang address namin. Of course, hindi ko naman hahayaan na malaman niya iyon ng basta-basta lang. Akala niya siguro mauuto niya ako.




"Hi, Mom." I kissed her cheek.




Naabutan ko siyang nagluluto sa kusina nang makauwi ako.




"What's that?"




"Nothing, Mom." I hid the paper bag pero dahil malaki iyon nakita pa rin niya.




"Sofie," she called me in her stern voice that made me feel nervous.




"Mga anek-anek ko lang po hehehe."




"Tulad ng?"




"Huwag n'yo ng tanungin, Mom. Ang importante masaya tayo. Buhay at walang sakit."




"Libro ba 'yan?"




"Hayss, bakit ba palaging tamang hinala kayo, Mommy?"




"Of course, I know. Anak kita."




Aww, it feels so good being called, "anak" by the woman who wasn't my biological mother but someone who raised us like her own.




"Are you mad?"




"Why would I? If those books makes you happy then who am I para pagalitan ka? Besides galing naman sa sarili mong pera ang pinangbili niyan. After all, it's better to buy books than drugs."




"Aww, thank you so much, Mommy." I gave her a warm hug.




"Just try to balance everything. Don't sleep too late because of that, okay?"




"Yes, Mom." Humalik ako sa pisnge nito at umakyat na sa taas upang makapagbihis.




I just changed my clothes immediately and went back to my bed to see the books I bought. Ito talaga iyong pinakamasarap sa pakiramdam. Limang libro rin ang binili ko. Sale naman eh. Sayang kung hindi ko bibilhin ngayon. Hinayaan kong bumagsak ang sarili sa malambot na kama habang yakap ang mga iyon.




Reminiscing the Cold Wind (Conzego Series 3✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon