CHAPTER 17

990 29 0
                                    

"Mia, cancel all of my appointments today please... Ipapasyal ko na muna ang mga bata"
Kausap ko si Mia sa telepono at pinakausapan na i-cancel na muna ang schedule ko ngayon. Today is Sunday so it's supposed to be a rest day at gusto kong makasama ang mga anak ko, dahil kahit magkasama kami gabi-gabi ay sa tingin ko hindi padin sapat iyon at namimiss ko na ang mga anak ko. Day-off din sana ngayon ni Mia, pero ilang araw na siyang nag-leave ay may trabaho siya ngayon.

"Sige po Miss Heav" 

"Sige Mia, thank you"

Ibinalik ko sa lamesa ang cellphone matapos kong patayin ang tawag dahil nagluluto pa ako ng agahan at ng paboritong cheesecake ng kambal. Pagkatapos ay ginising ko na ang kambal at pinaliguan dahil ilang saglit lang ay aalis na kami. Hindi naman sila mahirap gisingin at paliguan kaya hindi nagtagal ay nakababa na kami para kumain.

"I want that Mommy!"

"I want this Mommy!"

Hindi ko na alam kung sino ang uunahin ko, sabay-sabay sila kung magtututuro nang gusto nila. Kung anu-ano ang pinapapabili nila dahil sa nabanggit ko kagabi na lahat ng gusto nilang ipabili bukas ay bibilhin ko. It just supposed to be a joke for them last night because they were fighting in one toy, kaya ko sinabi na lahat ng ipabibili nila ay bibilhin ko ngayon, and I thought they would forget it but I guess it's me who forgot that this two young man is smart. Hindi makakalimutin.

"Teka, teka lang! Careful with your actions boys! Isa-isa lang dahil nahihilo na ako sa kakaturo niyo" I lectured. They stopped pointing together at nagbibigayan ng time para sa kahit sino sa kanila na mamili. I smile while looking at them dahil ang bilis nilang sumunod at hindi matigas ang ulo.

They chose a lot of toys and it takes one and half cart. Napasapo ako sa sariling noo. Ang laking bayaran nanaman nito, and I'm pretty sure na hindi naman nila magamit to lahat, they will just dumped their toys at the play room, but I can't do nothing, I made a promised with them last night.

"Is this all what you want boys?" Tanong ko sa kambal nang papalabas na kami ng boutique. Hawak ko sila magkabilang kamay at tulak tulak naman ng isang employee ng mall ang pinamili na mga laruan nila.

"A new books mommy!" Nangunguna agad ang boses ni Cayne, getting more excited at nagtatalon-talon na.

"Alright, we'll buy books then. How about you Claus baby?" Matagal bago siya sumagot at nakatitig sa malayo. I looked into where is he looking pero wala naman, a bookstore indeed.

"Claus? Baby? What do you want? You want books too?" I assume na baka gusto nya rin nang bagong libro since he and Cayne are both really fond of reading books and stories. Kung ako mahilig sa panonood ng BL series sila naman ay mahilig sa pagbabasa. One of things they inherited I guess from their father since ayaw na ayaw ko ang magbasa simula nang bata pa ako. I just read books when it's needed, kung may kailangang aralin at pag-reading month noon sa school.

Pumasok na muna kami sa National Bookstore dahil nga gusto nila. And again I just let them picked what they want as long their happy. Nagtingin-tingin nalang din muna ako, may nakita akong BL books pero kapareho lang din naman sa libro na nabili ko noong pumunta kami rito.

Dahil nandito nadin naman kami sa labas ay dumaan nalang din muna kami sa groceries store para mamili ng mga stocks na papaubos na ref namin. Napag-isipan ko nalang din na kumain sa isang restaurant at mukhang nagugutom na ang dalawa.

I lessen the car speed nang magpaparking na ako sa harap ng Jollibee, request ng mga bata.  Kakaparking ko lang nang lumabas doon ang taong hindi ko inaasahan at may kasamang mag-ina? Anak nila?...... So... Asawa n'ya pala iyong babaeng nakita ko noon sa office n'ya at may anak sila.

Nanikip bigla ang dibdib ko sa kadahilanang hindi ko alam. Parang ayaw kong lumabas nang sasakyan at hindi ko kaya ang nakikita ko, parang sasabog na ang dibdib ko sa sa...kit? My vision is getting blurry na parang may gustong kumawalang luha....

Bakit ganito?...... Bakit ang sakit?..... Hindi ko siya mahal at mas lalong hindi ko siya gusto pero bakit ganito!!!??? Bakit ang sakit sa dibdib ang makitang kasama niya ang asawa niya at anak? Bakit ayokong tanggapin?

A single tear escape in my eyes.

"Mommy?"

"Are you crying Mommy?"

I immediately wipe the tears so they can't see it. I unbuckle my seatbelt and go out to open the door for them. Napalingon ako sa kung saan nakita ko sila.... Umalis na sila. Wala na. Pero ang sakit pa din. Normal pa ba ang ganito?

Wala ako sa sarili nang pumasok kami sa loob, hanggang sa matapos silang kumain dahil nawalan ako ng gana. I just takeout a bucket of chicken joy and a foods in case I'll get hungry pag-uwi namin. Ayoko naman nang magluto.

Me:
       Come in my unit ladies. I have chika.

Message ko sa GC namin dahil parang gusto kong magkwento at hindi ko kayang kimkimin ang ganito.

Pasado alas-otso na ng dumating sila at napatulog ko na ang kambal. I offered them a canned of beer as soon they sat down at the living room. Nagtaka pa sila dahil ito ang kaunaunahang pagkakataon na nangunguna ako sa pag-iinom ng beer dahil hindi naman ako ganito. Simula nang magbuntis ako sa kambal ay may limit na ako sa pag-iinom ng alcoholic drinks dahil nga naaamoy ng mga bata.

"First time in the universe! May problema ka noh? Ito ang kaunaunahang pagkakataon na ganito ka" See?

"Hindi ba obvious beh? Nagtangatangahan ka na naman" it's a joke but I can't even laugh. Pain eated me. I just remained silent while they both joked at nahalata ata nila.

"Zele, tigil. Wala sa mood si Heavly" Chantalle whispered to Zele. Silent eat us.

Bumuntong hininga ako. "Hindi ko alam kung bakit ko to nararamdaman" I started telling them. They don't answer anything at hinintay akong magsalita ulit.

"Siguro crush ko siya pero sigurado akong hindi ko siya mahal.... Pero bakit ganito? Bakit ang sakit nang makita ko siyang kasama ang asawa't anak niya?" Tears started to fall in my cheeks hanggang sa mas dumarami at hindi ko na makontrol.

I was smitten by this thought.... It's killing me...

"Kasalan ko naman kung bakit ako nagka-crush doon, kung bakit ako naattach doon sa mga gestures nya sa akin... I am to dumb to assumed everything" I wipe my tears using the back of my hands at tumungga ng beer.

"Gusto mo nga lang ba o mahal mo? Dahil hindi ka naman masasaktan kung hindi mo mahal eh" Chantalle spoke.

"Sa tingin ko Heavly, mahal mo... Dahil sa sakit palang na naidulot niya sayo ay sapat nang rason para sabihin naging nahuhulog ka na nga sa kanya" I shooked my head repeatedly.

"Hindi.... Hindi eh.... May asawa yung tao... Hindi ko dapat... Hindi ko siya dapat mahalin...." I cried and sobbed more.

"Pero hindi mo kasalanang minahal mo siya dahil hindi mo naman alam.... And he even flirted with you! He made you fell in love kaya hindi mo kasalanang nahulog ka sa kanya"

"Ayoko... Ayoko nang ganito"

"Sino ba kasi yang business partner mo ha?! Teka nga at ma-cancel lahat ng appointment ko next week" Si Chantalle, mukhang napipikon na.

"Mag-set ka nang meeting next week para makita namin"

" Kahit naman mag-set ako hindi niyo naman siya Kilala panigurado" I said to them, pero inilingan lang nila ako.

"Set a meeting okay?" It was Zele and rolled her eyes on me.

"Gaga"

To be continued...

That One Night StandWhere stories live. Discover now