CHAPTER 37

874 22 4
                                    

"Nay Mercy, may pagkain po ba d'yan sa ref? " Tanong ko kay Nanay Mercy, na naghihiwa nang kamatis. She was preparing breakfast. Maaga akong nagising dahil sa nagugutom ako. I haven't eaten dinner, dahil nagmukmuk lang ako sa kwarto ko buong gabi, still can't get over what happened. Ipinilig ko ang ulo ko at pilit na inaalis sa isip ko ang naging takbo ng pag-uusap kahapon.

"P-po?" Natauhan ako ng kalabitin ako ni Nanay Mercy. Hindi ko man lang namalayan na nakatulala na pala ako.

"Sabi ko may pancake sa loob ng ref, niluto ko yan kaninang madaling araw dahil napag-utusan ako ng Mommy mo, " I smile at her and slightly nod, at nagtungo a ref. Kumuha lang ako ng dalawa at nagtimpla ng gatas.

Patapos na ako sa kinakain ko nang maramdaman ko ang kakaibang pakiramdam na hindi ko mapangalanan na parang may gustong lumabas sa bibig ko, gusto kong sumuka sa madaling salita. Mabilis na tinakbo ko ang pagitan ng lababo para sumuka.

"Diyos ko! Anong nangyayari sa'yo iha?" Nag-aalalang tanong ni Nanay Mercy, sa akin at marahan na hinahagod ang likod ko. Nanghihina kong pinatay ang gripo, 'tsaka nagmumog. Inakay ako ni Nanay Mercy, paupo at pinaypayan.

"Ano ba ang nangyari, iha? May masakit ba sa'yo?" Nag-aalalang tanong ulit sa akin ni Nanay Mercy.

"Wala po, Nay. Dahil lang po siguro sa kinain ko, " Mahinang sagot ko dahil sa panghihina.

"Pasensya kung ganoon, iha. Kanina pa kasi iyang madaling araw at nilagay ko lang d'yan sa ref niyo pagkatapos, " panghihingi niya nang pasensya. I feel bad for her because I think it's not because of the pancakes, there's just something I can't explain today, or is this because I also not feeling well?

"No, Nay. It's nothing, masakit lang po talaga ang katawan ko ngayon. Hindi naman mo masama ang lasa ng pancakes, "

"Naku, magpahinga ka kung ganoon, aakyatan nalang kita ng agahan mo mamaya, " tumango lang ako at tumayo 'tsaka lumabas ng kusina. Bago ako bumalik sa paghinga ay naghilamos na muna ako sa banyo. Nag-text lang 'din muna ako kay Mia, na hindi ako papasok ngayon hanggang sa mga susunod na araw.

Naalimpungutan ako ng maramdaman kong ang mainit na palad na humahaplos sa akin. Bumungad sa paningin ko ang mukha ni Mommy, nakangiti ngunit halata nang pag-aalala. Sinabihan siguro siya ni Nanay Mercy.

"How are you, sweetie? " Banayad na tanong ni, Mommy. Bumangon ako at sumandal sa kama.

"I'm fine, Mi. Masakit lang ang ulo, " I hold and pinch her hand, to assure her that I'm really fine.

"Are you sure?" Hindi parin siya kumbinsido. I nod.

"Yes, Mi. I am fine, don't worry. Sinat lang 'to, "

"Alright. Banana muna ako at kukunin ko lang ang breakfast mo, okay?" I nod and then she leaves. Hindi na muna ako bumalik sa pagkakahiga, at kinalikot nalang ang cellphone ko. Hindi rin umabot ng ilang minuto, dumating si, Mommy, dala-dala ang tray ng pagkain.

Tinulungan pa ako ni Mommy, na kumain. Bumalik lang din ako sa tulog dahil talagang inaantok ako kahit ilang oras na ang ginawa kong pagtulog. Gumising lang akong nang mag 3 pm na, kasi susunduin ko ang mga bata sa school nila. Pinigilan pa ako ni Mommy, pero nagpumilit ako dahil nami-miss ko na rin ang paghahatid-sundo sa mga bata.



"Mommy!"

"Mimi!" Lumiwanag ang mukha nila nang makita akong nakaabang sa labas ng school nila. I spread my arms more to hug them both. They shower me with kisses, kaya tumawa ako.

"Let's go? " Aya ko sa kanila at inilahad ang kamay ko. They nodded.

"Where do you wanna go? Do you wanna eat in Jollibee first?" Tanong ko at pinagbuksan sila ng pintuan.

"Yes, Mommy! Yes, please! " Agarang sagot ni Cayne, habang tinataas ang dalawang kamay. Kung akong kinataas nang energy ni Cayne, ganon naman kababa kay Claus. Napailing ako at napatawa. They were the opposite.

Naghanap na muna kami ng bakanteng upuan  bago nag-order, dahil mukhang dumadami ang nagsisidatingan. Cayne was so loud the whole time, not until our order arrived. Nag-order nalang din ako ng isang bucket ng chicken joy, pasalubong para kina, Mommy.


"Lola! Lolo!" Kakabukas palang ng pintuan ay hinanap agad ni Cayne ang Lola at Lolo niya, hindi ata talaga nauubusan ng energy. While Claus on the other hand was carrying the bucket of chicken joy at dumiretso sa kusina. The serious one as always. Nagmana talaga kay, Clyden. Napailing ako sa sariling naisip at sinundan si Cayne sa sala.

"Hi, Mi," bati ko at humalik sa pisnge ni Mommy. "hi, Di, " ganon din kay, Daddy.

"Hindi na ba masakit ang ulo mo?" Tanong ni Mommy, nang umupo ako sa tabi niya. Cayne was occupying the opposite sofa, with his toys and school stuff. Nag-aaral to be exact, at sinasagutan ang assignment. Hindi man lang kumain muna, though dumaan kami kanina sa Jollibee.


"Mommy, why Daddy isn't visiting us?" I was talking to Mommy when he suddenly ask me. Bumara ang bibig ko at hindi magawang isambit ng bibig ko ang dapat na sasabihin ko kay Mommy. Umurong agad ang dila ko. Pa'no ko ba 'to sasabihin? Should I tell him the truth? Okay, lang naman siguro kung kahit ngayon ay magsisinungaling ako sa kaniya.


"D-daddy, was busy baby, he will be here soon. " Nautal pa ako ng sagutin ko siya.

"And, when is that, Mommy? I miss him na po, " for the second time I don't know how to answer him. Napansin ata ni Mommy, ang reaksyon ko kaya siya ang sumagot.


"Apo, your Daddy will be here soon, okay? Not now, but soon, "

"Okay, po..." Aniya at bumalik ulit sa ginagawa. Buong akala ko ay makakahinga na ako ng maluwag ng si Mommy, naman ang nagtanong. Kung si Cayne nga hirap kung nalusutan si Mommy kaya?


"Kamusta kayo ni Clyden, anak?" Nanuyo ang lalamunan ko sa tanong ni Mommy, hirap akong sagutin siya, dahil kahit ako ay hindi ko alam kong kamusta nga ba kami. LQ? O ano?


"Okay, naman po Mi, " pagsisinungaling ko.

"I know your not, dahil hindi kayo mananatili dito ng ganito katagal, " Akala ko makakalusot ako pero hindi pala. She knows me better.

"M-may hindi lang napagkaunawaan, Mi. Magkakabati din kami, kailangan ko lang ng space, " matamlay akong ngumiti at tumayo.


"Mauna na po ako sa taas, Mi. Inaantok na naman po ako. Goodnight, Mommy. " I bid my goodnight to her and went upstairs.


Ilanh beses na ba akong nagsinungaling sa paligid ko ngayon? Hindi lang ata sila ang napagsinungalingan ko, kundi patio rin ang sarili. I pretended like I'm okay, when in fact, I'm not.


Magaling lang ata talaga akong magtago.



To be continued...

That One Night StandWhere stories live. Discover now