CHAPTER 30

920 23 0
                                    

"Claus, open the door! It's your Lola and Lolo!" Utos ko sa anak ko, at pinagpatuloy ang pag-bo-blower ng buhok. Pagkatapos kung magpatuyo ng buhok ay nag-apply lang din ako ng light make-up t'saka bumaba. Naabutan ko silang masayang nag-uusap habang nakikipaglaro naman ang kambal sa Ninang Chantalle at Zele nila.

"Good evening po!" I greeted and kissed their cheeks, binati din nila ako pabalik at niyayang umupo kasama sila kahit iyon naman talaga ang sadya ko ang makipag-usap sa kanila.

"Wow, blooming ang buntis!"

"Oo, kasi hindi uso sa amin ang tagtuyot 'di tulad mo! May jowa nga wala namang dilig!" Nawala ang ngiti sa labi ko at walang pasubaling ibinato ang malapit na table napkin sa kanya. She just give me a smirk, porket alagang-alaga siya ng fiance niya.

"Yung bibig mo may mga bata!" Dinuro ko sa kanya tinidor na nasa harapan ko.

"Anak, nasaan ba yung nobyo mo?" Tanong ni Mommy sa akin. Tumayo ako para kunin ang wine na nasa ref.

"He was on his way here, Mom" nilapag ko sa gitna ang dalawang bote ng wine at bumalik ulit para kunin ang mga baso.

"Mommy! Daddy is here na po!" Nakuha ni Cayne ang atensiyon ng lahat, dahil sa sigaw niya. Nobody know about this, alam nilang sinagot ko si Clyden pero hindi nila alam na Daddy ang tawag ng kambal kay Clyden. It was their first time meeting Clyden in person except for my parents.

"Good evening everyone, I'm sorry I'm late" ani ni Clyden at lumapit sa akin. He kiss my forehead and put Cayne down from his arms.

"No, no, it's fine iho. You're just on time" sabi ni Mommy nang lumapit si Clyden sa kanilang dalawa ni Daddy para magmano.

"Let's eat everyone!"

The dinner went smooth as expected, pero hindi nakatakas sa pandama ko ang minsang pananahimik ng mga kaibigan ko at ang minsang pagsulyap nila kay Clyden. They were also serious at hindi masyadong nakipag-usap at nakisali sa usapan, nagsasalita lang pag tinatanong.

"Can I bring the kids with me, Anak?" Pagbabakasaling tanong sa akin ni Mommy, she was carrying Cayne while Claus is playing with his Dad upstairs, itong si Cayne lang talaga ang naglalambing sa Lola niya.

"Depende po sa mga bata, Mom. Cayne baby... Do you want to come at your Lola's house?"

"Can I Mommy?" Nagliwanag ang mata ni Cayne at talagang bumaba pa sa pagkakabuhat ng Lola niya para lang lapitan ako.

"Of course, baby. Go and ask your Kuya Claus to go with you" mabilis siyang tumango at tumakbo sa taas para puntahan ang kuya niya.

"Heavly, let's meet up at my restaurant tomorrow" ani ni Hellie. Kumunot ang noo ko.

"Biglaan ata mga beh? Anong meron? May chika? Sige, sige go bukas"

"Tomorrow nga di'ba? Kaya panong naging biglaan yan? Bigwasan kita d'yan eh!" Sumabat si Zele at inambahan talaga ako.

"So ano? Bukas ha? Lunch time... Mauna na po kami sa Inyo Tita, Tito..."

"Kami rin po"

Sabay-sabay silang lumabas ng unit hanggang  ang mga magulang ko nalang ang natira. Hindi rin nagtagal ay bumaba ang tatlo, dala-dala ng Daddy nila ang isang bag, nandoon siguro ang mga damit nila.

"Let's go Lola! Lolo!" Nang tuluyang makababa ang dalawa ay patakbo silang lumapit sa Lolo't Lola nila t'saka nagpakarga.

"Sige, uuwi na kami anak—ihahatid nalang namin ng Daddy mo ang mga bata bukas ng hapon" tumango ako at ngumiti. Dahil atat na atat ang kambal na umalis na ay mas nauna pa ito sa pinto at si Claus nadin mismo ang nagbukas. Hindi naman siguro halata na hindi sila magpapaalam sa amin?

"Mauna na kami" pagpapaalam ulit ni Mommy at lumabas.

Now we're all alone. Ngayong kami nalang dalawa ay pinagsisihan ko kung bakit ko hinayaang kami nalang dalawa. Muli ay naramdaman ko ang kakaibang ilang at ang init na tensyon sa pagitan naming dalawa.

"Ahmmm... Ma-mauna na ako sa taas, isarado mo nalang ang pinto pag-umuwi kana" walang lingon kong sabi at diretsong umakyat papasok sa kwarto. I catch my breath the moment I closed the door, para akong hinabol ng kung ano dahil sa mabilis na paghinga na ginawa ko.

I remove all of my clothes, and let the water travel around my naked body. Pinalamig ko na't lahat-lahat ang tubig pero hindi mawala ang init sa katawan ko dahil palaging bumabalik sa utak ko ang nangyari kaninang hapon.

Inabot pa ako ng ilang oras bago naisipang isuot ang roba at lumabas ng banyo. Saktong natapos ako sa pagsusuot ng tumunog ang cellphone ko, may chat sa gc naming apat, pinapaalala ulit na magkikita kami bukas, kala naman makakalimutan ko. Hawak ko ang cellphone ng lumabas ako ng banyo, suot lang ang robe.

Nabitawan ko ang cellphone nang bumungad sa harapan ko ang nakatalikod na bulto ni Clyden, at nagsanhi iyon ng malakas na tunog dahilan nang lumingon siya.

"W-what are you still doing here?"

"I won't let you sleep alone, and there's no way in h3ll I'll go home leaving you alone here" aniya sa seryusong boses habang naka....titig sa dib....dib ko? Mabilis sa alas-kwatro na tinakpan ko ang bandang dibdib ko.

"Ang... Ang bastos mo C!"

"Go and wear your clothes now" aniya sa malalim na boses habang namumungay ang matang tiningnan niya ako. Mabilis akong naglakad para kumuha ng isusuot sa kabinet at agad ring bumalik sa loob ng banyo para magbihis.

"P*ta" naisausal ko dahil sa katangahan. Dahil sa pagmamadali ko sa pagkuha ng isusuot sa cabinet ay pahablot lang akong nagkuha ng isusuot sa cabinet ng walang tingin-tingin... Tuloy ay nighties ang nakuha ko! At iyon pa talagang kita ang cleavage at ilang parte nalang ng legs ko ang natatakpan ng tela!

"Ang tanga tanga mo Heavly! Ang tanga mo!" Ilang ulit kong inuntog-untog ang noo ko sa sariling palad dahil sa frustration.

"Tapos ka na ba!?" Natigil ako sa ginagawa ng kinatok niya ang pinto. Agad kong inayos ang suot ko at sinuot ulit ang robe para hindi niya makita, dahil nakakahiya baka isipin niyang inaakit ko siya.

"A-ah, yes! I'm coming o-out!" Pagkalabas ko ay pumasok agad siya sa loob ng banyo para siguro maligo, pero may extra ba siya? Binlower ko ang buhok ko sa harap ng salamin para mabilis tumuyo, naglagay nalang din ako ng skin care ko t'saka humiga sa kama at nagtalukbong ng kumog para magpanggap na natutulog.

To be continued...

"Do you really have a plan on seducing me? Because I can't control myself now and I'm now fvcking turn on and horny kahit gumawa na ako ng paraan para mawala ang sakit sa puson ko kanina"

"Ready? Because I'm going to make love with you"

"It's not s3x we did. It's love making baby"


Stay stunned everyone! This is will be the content in the next chapter!

That One Night StandWhere stories live. Discover now