CHAPTER 25

978 23 0
                                    

"Gusto niyo po bang isukat Miss Heav?" Tanong ng assistant ni Cara. Tumingin ako kay Clyde, nagkataon na tumingin din siya sa akin o talagang kanina pa nakatitig. He leaned forward and kissed my forehead. Napapikit ako sa kakaibang sensasyong hatid niyon, it was just a simple gesture but it does gave a different kind of electricity.

"Go on, baby" he said after kissing me. Itinago ko sa sarili ang pamumula at kaswal na hinarap ang assistant ni Cara.

"Okay lang ba Cara?" Hinarap ko si Cara, ang personal designer ko. She just smiled at me at pinakita ang daan papasok sa fitting room.

Cara's assistant leaded the way, nakasunod lang ako sa kanya. She also open the door for me and even help me wear the gown. Malaki ang gown ko, hanggang sahig ang haba, gold iyon na may hiwa sa kanang bahagi ng hita, backless ang likuran at hindi masyadong klaro ang strap ng gown. May pa cleavage pa sa dibdib. Definitely my type!

I smile when I finally see my reflection in the whole body mirror. Umikot pa ako upang tingnan ang likurang detalye. I'm not gonna lie, this perfectly for me!

"Bagay na bagay po sa inyo Ma'am!" Magiliw na sabi ng assistant ni Cara sa akin, pumalakpak pa. Matamis ko siyang nginitian at hinawakan ang ibabang bahagi ng gown para maglakad palabas ng fitting room.

Parang naiwan sa ere ang bibig ni Clyde na sana ay mukhang magsasalita pero nang lumabas ako ay napatigil. He was talking to someone on his phone, maybe dahil nakalagay sa tenga ang cellphone.

"Yieee... Natigil si Sir dahil sa inyo Ma'am, ang ganda niyo kasi!" Kinikilig na aniya. Sinusundot pa ang bewang ko, tuloy ay hindi ko maiwasang hindi mapangiti, I hushed her while chuckling.

"Ang ganda po ni Ma'am di'ba Sir?" Humahagikhik na aniya. Agad na uminit ang buong pisnge ko dahil sa hiya at sigurado akong pulang-pula na ang pisnge ko. Pinikit ko nang mariin ang mata ko dahil ayokong salubungin ang hindi maipaliwanag na kakaibang titig na hatid ni Clyde. It was like it's burning with desire...and with so much admiration...

"Fuck yes! You're so fucking beautiful baby" he said that made my heart melts in too much consistency. Sa simpleng puri niya lang ay parang lumulutang na ang puso ko sa saya. Gumuhit ang ngiti sa labi ko ng dahan-dahan siyang naglakad patungo sa kinaroroan ko. Parang nag-iba ang paningin ko sa buong paligid, it was like he was waiting for me at the aisle as my groom and me as his bride. Everything was in slow mo... Parang tumigil ang mundo para lang sa aming dalawa.

He lifted my chin without leaving his gaze on mine. Kung kanina hindi ko magawang hulaan ang sinisigaw na emosyon ng mga mata niya ngayon ay parang alam ko na. Ang mga mata niyang puno ng pagmamahal habang nakatitig sa mismong mga mata ko.

Naiilang ako sa titig niya pero ayokong itigil ang pagtitig sa mga mata niya.

He licked his lower lip, still staring. Rinig ko pa ang mabibigat niyang hininga.

"Why is it hard not to kiss you?" Aniya sa baritonong boses.

"Ha? Wa-wala naman akong ginagawa?" Hirap na sambit ko, nauutal pa.

"That's is. Wala ka ngang ginagawa pero anghirap hindian ng mga labi mo" aniya sa mas nagtimtimping boses.

"We should go now, nag-text si Mia may dapat ka daw pirmahan" tumalikod na siya matapos niyang sabihin iyon, siya na din ang nagdala ng mga gamit ko pabalik sa sasakyan niya. He waited me outside beside his car at nang makalapit ako ay binuksan niya na ang passenger seat inalalayan akong sumakay yun nga lang ay parang takot dumampi ang balat niya sa balat ko dahil masyadong pag-iingat.

Is he afraid that I might have a germs na pwedeng makahawa sa kanya?

Inihatid niya lang ako sa mismong harap nang building at umalis din pagkatapos. I think it's much better dahil hindi ako nakakagalaw ng maayos pag kasama o katabi siya. My body will suddenly react with his presence, my body will immediately turn's hot.

"May dapat po kayong pirmahan Miss Heav galing sa marketing department" pang bubungad agad sa akin ni Mia pagkalabas ko sa elevator. Hindi man lang ako hinintay makapasok sa opisina. Binasa ko lang ang nakasulat tsaka pinermahan.

Alas tres na nang napagpasyahan kung umuwi  wala nadin naman akong ginagawa at gusto ko ding magpatulong kela Zele na maghanap ng Yaya para sa kambal. Maggagabi na nang makarating ako mismo sa condo dahil sa traffic, dumaan din kasi ako sa McDo at nag takeout.


"Mommy"

"Mommy" Agad na sinalubong ako ng kambal ng makapasok ako ng condo lumuhod ako para mapantayan sila. Ikinulong nila ako sa mahigpit na yakap. Napangiti ako. Ah... My home, my life, and my safe place.

"You miss Mommy?" Tanong ko sa kanila, malaki ang ngiti. Hawak ko sila sa kamay patungo sa malaking sofa doon ay umupo kami.

"Yes Mommy, we miss you po"

"Aw... My baby Cayne is so sweet, come on give Mommy a kiss" ininguso niya ang maliit na nguso para halikan ako hanggang dumampi iyon sa labi ko, nagawa  pa akong yakapin ulit.

"How about my baby Claus? Don't you miss Mommy?" Mabilis siyang tumango at hinalikan din ako sa labi.

"I bring your favorite food, tadah!" Ipinakita ko ang dala ko, ang paborito nilang kainin sa t'wing lalabas kami.

"Wow, look kuya!" Nagniningning ang mga matang pinakita ni Cayne ang paper bag ng McDo kay Claus. Hindi na nila hinintay na ako pa ang maghain sa kanila tsaka nagmamadaling nagtungo sa kusina.

Isinandal ko ang ulo ko sa sofa tsaka maingat na minasahe ang sentido. I definitely need a massage!

"How's work girl?" Ngumisi ako kay Zele nang pandekwatro itong umupo sa tabi ko habang may kakaibang ngiti sa labi.

"Trabaho pa din bakit? Gusto mo mag-apply ng personal janitress ko? Hiring ako everytime" I said in sarcasm. Nagbago agad ang timpla ng mukha niya at inirapan ako.

Hindi na siya sumagot pa at walang sabing naglakad papasok sa kusina hanggang sa narinig ko na ang panenermon niya sa kambal. Ilang saglit lang ay lumabas ulit siya may dala ng fries. Umupo siya sa pang-isahang sofa.

"I want to hire a nanny for the twins, what do you think?" Nakakunot ang noo niya ng tingna niya ako, nagtataka sa sinabi ko.

"Bakit? Andito naman kami gagastos ka pa ng pang-sweldo, wag nalang" aniya bahagyang tinigil ang pagkain.

"May ginagawa din kayo, you can't just make your schedule clear dahil lang babantayan niyo ang kambal"

"Okay lang yun ngayon ka pa nahiya" ibinato ko sa kanya ang nadampot kong throw pillow, natatawa niya iyong sinalo at inilagay sa tabi.

"Pero ikaw bahala, it's your decision anyway" aniya bahagyang ngumiwi, parang sinasabing parang mali ang desisyon kong kumuha ng Yaya para sa kambal. Hindi ko nalang pinansin at nakikuha sa kinakain niyang fries.

"Hoy, bumili ka ng iyo!" Angal niya ay inilayo ang fries tuloy ay naiwan ang kamay ko sa ere.

"FYI lang po, ako po ang bumili niyan!" Singhal ko, inirapan niya lang ako mas nilayo pa ang fries, wala akong nagawa at naglakad patungo sa kwarto para magbihis at maglinis ng katawan dahil nararamdaman ko na ang kati at ang natutuyong pawis.

To be continued...

That One Night StandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon