CHAPTER 40

1K 26 2
                                    

"Daddy!"

"Daddy!" Kinuha ko ang dala niyang dalawang paper bag, at tinulak siya papunta sa kambal. Aangal pa sana siya pero pinanlakihan ko siya ng mata. Sinalubong agad siya ng kambal at nagpakarga. They really misses their father so much. Dumiretso ako sa kusina para ihain ang pagkaing binili namin bago umuwi. I was busy preparing the plates when Mommy enter the room with a bucket of chicken joy in her hands. They really know what the twins favorite.

"Mabuti naman at ayos na kayong dalawa, " aniya at inilapag ang dala niya. I look at her and smile.

"I just realized everything, Mom, " tinulungan ko siyang ilabas ang ilan pang pinamili niya pagkatapos ay nagtungo ako sa sink para maghugas ng kamay at para tawagin na sila.

Nangunguna agad ang kambal takot maagawan ng pwesto. We just laughed at them and follow. Their Dad help them get up on the chair since mataas ang upuan. Napagitnaan naming dalawa ni Clyden ang kambal, habang si Mommy ay nasa harap ko at si Daddy naman ay nasa kaliwa ko. Their Dad again help them get their foods.

"Mommy, I want that, " turo ni Cayne sa stake.

"Kiss muna, " ininguso ko ang labi ko sa kanya.

"Mommy!" Pagmaktol niya at tinulak ang mukha ko. Tumawa ako dahil sa reaksyon niya.

"Ok, ok! Chill ka lang okay? Mommy will get it for you, " ani ko. Tumatawa parin. Hindi na maipinta ang mukha niya, lalo na nang mapansin niya wala siyang kakampi dahil puro namin siya tinawanan.

"I hate you all! " Sigaw niya. Mas lalo lang kaming tumawa ng pinagkrus niya pa ang dalawa niyang kamay sa dibdib niya, galit na nakatingin sa amin.

"No, you love us, baby. " sabi ko at sinundot-sundot ang bewang niya.

"I hate you, Mommy!" sigaw niya habang tumatawa.

Natapos ang dinner ng puno ng tawanan ang buong kwarto. Cayne was obviously still mad at me dahil hanggang ngayon ay hindi niya parin ako pinapansin. Imbes na suyuin ko ay mas inanaasar ko lang lalo. Sa Daddy nya siya lumalapit, nagsusumbong.

"Cayne baby, pa-kiss nga," pang-aasar ko.

"Daddy si Mommy!" Sumbong niya, pero walang magawa ang Daddy niya dahil takot lang niya na umuwi ng ganitong oras, maglalakad lang dahil kukunin ko ang susi at wallet niya. Hanggang sumbong lang siya at yakap sa Daddy niya.

"Sorry baby, pero wala akong magagawa sa Mommy mo, " aniya kay Cayne na mangiyak-ngiyak na.

"Cayne, Mommy's coming..."

"Daddy!" Malakas akong tumawa ng umatungal siya ng iyak. Napailing lang ang Daddy niya dahil walang magawa, at hanggang patahan nalang sa kanya. I was still laughing until Cayne fell asleep on his Daddy's arms, while Claus was also sleeping, mas nauna pa nga kay Cayne.

I was scrolling on my phone when I see someone flexing her bucket of ice cream. Awtomatikong naglaway ang  bibig ko sa nakita. I want ice cream.

"C, bumili ka nga ng ice cream, "

"Huh? Seriously baby? It's already 12 am, wala nang bukas na convenient store sa labas, " aniya. Nag-init ang bawat sulok ng mata ko dahil sa sinabi niya. Is he refusing me? How dare him! Gusto ko lang naman ng ice cream! Bakit ayaw niya akong bilhan!? I hate him!

"Hey, hey! Why are you crying baby?" He panickly wipe my tears. "Fine, I'll try to find you ice cream, " nagliwanag ang mata ko, awtomatikong tumigil ang mga luha ko sa pagbagsak.

"Good. I want a bucket of ice cream. Now, get out I don't want to see your face, be here at exactly 1 am, no extension. " Sabi ko. Umiling-iling pa siyang lumabas ng kwarto, may sinasabi pang kung ano-ano. Nagtalukbong nalang ako ng kumot at pinikit ang mata dahil sa antok.


"C! Asan na ang ice cream ko!? 6 am na oh!? Sabi ko 1 am, asan na!?" Sigaw ko sa natutulog na fiance ko. Niyugyog ko pa ang balikat niya para magising, kasi yung ice cream ko!

"C!" Sigaw ko ulit ng hindi parin siya nagigising. Sumigaw ako ulit at pinalo ang kamay niya, ayon nagising!

"Why? May problema ba?" Aniya sa inaantok pa na boses. Parang kinain ako ng konsensya ko dahil sa ginawa ko, alam kong kulang siya sa tulog pero... Yung ice cream ko!

"Asan na ang ice cream ko!? I told you, dapat 1 andito kana! 6 am na oh!" I show him my phone, particularly the time.

"I try to woke you up, baby... Pero hindi ka gumising, you even slap me, dahil sabi mo ginagambala ko ang pagtulog mo, " mahinang sabi niya, nagtitimpi.

"Kahit na! Dapat ginising mo ko!"

"Ayaw mo ngang gumising, "

"And now you're mad!"

"No, I'm not baby..." Bumangon siya 'tsaka hinawakan ang mukha't kamay ko.

"Yes you are!—" hindi ko natuloy ang dapat sasabihin ko ng bumaliktad ang sikmura ko. Mabilis na tinakbo ko ang banyo para sumuka, naramdaman ko din ang pagsunod niya sa akin. I throw up like there's no tomorrow na tanging laway lang ang lumalabas sa bibig ko. Nananakit na ang lalamunan ko.

Nagmumog muna ako 'tsaka naghilamos. Hindi parin niya nilulubayan ang likod ko sa paghagod.

"Hey, are you okay? Should I take you to the hospital?" Nag-aalalang tanong niya. I think I really should. We really should. I think I know why I am experiencing all of this things. Palagi akong inaantok, paminsan-minsang nagsusuka katulad ngayon, I crave and I am experiencing mood swings. All of this wasn't new to me.

"I'm fine, C. Can you accompany me when you have some spare time sa OB ko?" Tumango siya at inalalayan akong bumalik sa kama.

"Rest first, I'll prepare your breakfast, " kinumutan niya ako, at hinalikan ang noo ko. He was about to go when I stop him.

"Don't go. Stay here with me. Let me smell you, " parang batang sabi ko, hinawakan ko pa ang laylayan ng t-shirt niya at hinila-hila. Bahagyang umawang ang bibig niya, kalaunan lang din ay tumabi siya sa akin at para akong batang napagbigyan sa hiling dahil sa tuwa.

Isinubsob ko ang mukha ko sa may kili-kili niya, inaamoy siya. I really love his smell. I could stay here all day, just smelling him.

Randam ko ang pagkalito niya sa inakto ko pero wala akong pake. Later on, he will know though.


Baby... Kung andiyan ka man sa tummy ni Mommy, please huwag mo kaming pahirapan ni Daddy...

To be continued...

Epilogue next...

That One Night StandWhere stories live. Discover now