CHAPTER 33

855 24 0
                                    

Mabilis akong pumasok sa unit at nag-impake ng mga sapat na gamit. I decided to stay at my parent's house in the meantime. I will run away from Clyden yes, galit ako sa kanya oo, I hate him to the point that I don't wanna see him nor hear his explanation, para saan pa? It won't make sense. Hindi mababago ng explanation niya ang mga nangyari sa akin noon, kung paano ako naghirap, kung paano ako tinaboy ng mga magulang ko, at kung... Kung paano niya ako iniwan mag-isa sa kama na parang isang laruan, na pagkatapos laruin ay basta nalang iiwan at itatapon.

Sapo-sapo ang dibdib akong pabagsak na umupo sa kama, walang tigil sa pag-agos ang luha. Parang sinasaksak ng libo-libong karayom ang puso ko sa sakit, walang mapaglalagyan ang sakit dahil sa bawat oras na lumilipas ay nadagdagan lang ang sakit.

Nakakapanghina ang kakaibang sakit at kahit gustohin kong humiga sa kama at magpahinga ay wala akong choice kundi ang tumayo at ipagpatuloy ang pag-iimpake. While packing my necessities and stuff, I was also wiping the tears that is dripping from my cheek using the back of my hand.

"Ugh! Ano ba Heavly? Tumigil ka na sa pag-iyak!" saway ko sa sarili, nakaharap sa salamin. Habang nakatitig sa sariling repleksyon ay parang bumalik sa akin ang alaala noon, I was this mess as before, ganitong-ganito din ang hitsura. Mugto ang mata, kumakalat ang mascara sa gilid. I was disgusted with myself.

I slap myself hard pagkatapos ay umiyak lang din sa sariling kagagawan. Inayos ko ang sarili 'tsaka umalis ng unit, dahil baka dumating iyon dito.

Tinulungan ako ng mga employees na ipasok sa sasakyan ko ang ilang maleta dahil hindi ko naman kayang pagsabayin lahat at ayaw ko 'ding maabutan niya dito. Isang oras ang byahe mula sa condo hanggang sa mansion kaya hindi naging mahirap sa akin lalo na at hindi masyadong traffic.

"Sino 'ho sila ma'am?" usisa ng guard. How long I have never been here? Hindi ko na maalala. The Village did change a lot, iba nadin ang guard. Ang mansion kaya? Panigurado ay marami ng nagbago.

"Ako 'ho si Heavly Stanford, anak po ako ng mag-asawang Stanford, " I politely said, I even handed him my identification card. Ibinalik niya sa akin ang ID 'tsaka binuksan ang gate para makapasok ako. I once again smile at him and maneuver the car. Sinadya kong binagalan ang pagpapatakbo para mapagmasdan ang mga pinagbago ng village. A smile appears on my face as I pass the playground where I used to play when I was still a kid. Nandoon pa rin ang duyan na madalas kong nilalaruan, though the paint changed.

Pinindut ko ang doorbell ng mansion, at ilang saglit lang ay dumating ang hindi pamilyar na maid. I smile at her.

"Ano pong atin, ma'am?" tanong niya.

"Nandiyan ba sila mommy, at daddy?"

"Ay! Ikaw po ba si miss Heavly?!" she asked in disbelief. Napayuko ako, hindi napigilang mapatawa.

"Ah, yes. Can you open the gate for me?" I thoughtfully asked, smiling.

"Opo, ma'am! Right away!" I laugh again, because of the way she responds. I enter the car and maneuver it inside. I park at my usual garage before. Paglabas ko ay awtomatikong dumapo ang kamay ko sa kotse. It was mine. Malinis paring tingnan dahil parang palagi itong nililinisan. I wonder if someone used this aside from dad and mom?

"Sweetie! You're here!" Sinalubong ko si Mommy na nakaambang yayakap sa akin. I smile at her and hug her.

"Ang mga bata, Mommy?"

"Nasa loob, are you here to take them home naba?" Aniya sa malungkot na boses. I smile at her and shook my head.

"No, Mommy. Actually... I'm here because I want to stay here for weeks?" I ask, hoping.

I panicked when she bursts into tears. She cupped my face, and then she hug me tight. She cried on my shoulder, and that's making me burst into tears too. She gently caresses my hair, up and down while

"Mommy, bakit ka umiyak?" Tanong ko habang pinupunasan ang pisnge. I wonder if my eyes will get puffed more, since kakagaling ko lang din sa iyak. But, I hope they won't notice it. Gagalingan ko nalang sa pagtago!

"Ah! I'm just happy. 'cause finally I can see you rounding our house, " She pulls me again in her arms, and before letting me go, she kisses my forehead.

"Where're your things? Wait, I'll someone to get your things. Let's go inside?" She encircles her arms on my shoulder while we went inside. Dumiretso kami sa living room kung saan nandoon din ang kambal, naglalaro kasama si Daddy. Iniwan na muna ako saglit ni Mommy dahil maghahanda daw siya ng makakain.

My heart melts at the view, the twins are playing with their grandfather. Alam kong kahit hindi sinasabi ng kambal noon sa akin, how they longed to meet their grandparents' I felt it. But seeing them like this? Unti-unting nabubura ang sakit na nararamdaman ko para sa kanila. I was on cloud nine!

I take a deep breath and blew out to calm myself. I wander my eyes, nothing's changed, iyong chandelier lang ata ang nabago since it's been here since I was a kid kaya siguro pinalitan na, para narin siguro mapigilan ang kung anong pwedeng mangyari. Nilingon ko ang malaking portrait na nakasabit, hindi ko mapigilang hindi ngumiti. It was our family picture when I graduated from college. Lalo akong napangiti ng sunod na dumapo ang paningin ko sa katabing frame, it was still a family picture, and if I wasn't wrong kuha iyon ng pre-debut ko. Pinunasan ko ulit ang luhang nakatakas sa mga mata ko. Hah! Bakit ba ang iyakin ko!?

"Mommy!" Pinunasan ko ulit dahil baka mag-usisa ang kambal, mahirap pa namang humanap ng rason sa dalawang 'to!

"Hi!" I bent one of my knees to level myself with them. They automatically wrap their arms around me, pulling me into tight hugs, and giving me a nonstop kisses.

"Anak, kukunin mo na sila? Huwag na muna, gusto ko pa silang makasama, " parang batang pagmamakaawa ni Daddy. Natawa ako 'tsaka napailing. I stand up, while the kids immediately get back in what they are doing.

"I won't, Dad, sa katunayan nga ay dito na muna kami mamamalagi ng ilang linggo" Dad's eyes sparkle because of what I said, parang batang napagbigyan sa gusto.

"T-that's good! Pero, bakit? I mean—" I cut him off. I know what he's going to say.

"Wala lang po, I just miss you and Mommy. Ilang taon nadin po kasi..." He smiles and nods before pulling me in a hug. Bumalik lang din si Daddy sa kambal, pinagpatuloy ang paglalaro.

Umakyat na muna ako sa kwarto ko para magpahinga, dahil iyon ang tanging kailangan ko ngayon. Pagbukas ko ay bumungad sa akin ang pamilyar na amoy. It was my smell, a smell of my perfume before, until now. The sheets looked like new, bagong laba to be exact, lahat ay walang pinagbago, at lahat malinis, halatang araw-araw nililinisan?

I just remove my heels before bringing myself to the bed. Luckily, hindi naman ako umiyak kahit nilalamon na naman ulit ako ng sakit. If there is a feeling who prevails more inside me, iyon ay ang mas nanaig ang sakit. Galit? Maybe, yes. But I guess that's the last thing I can do in my entire life. Hindi ko kayang magalit... Lalo na sa kanya, mahal ko 'yon eh! Si Clyden 'yon! Yung taong mahal ko! Yung taong mahal ko, na sumira sa buhay ko! Pero, hindi ko magawang magalit...

To be continued...

That One Night StandWhere stories live. Discover now