CHAPTER 1

6.6K 139 1
                                    

CHAPTER 1

PAGOD NA napaupo si Carisha sa kama at napatingin sa duyan na pangbaby kung saan natutulog nang mahimbing ang anak. Napatingin siya sa wall clock at napagtantong alas tres na ng madaling araw.

Napangiti nalang siya dahil ang dahilan ng pagod at puyat na naman niya ay walang iba kundi ang kaniyang magandang anak.

Pagkalipas ng isang buwan ay nalaman niyang buntis siya. Alam niyang posible iyon dahil wala siyang maalalang nagsuot ng proteksiyon ang kaniig habang may ginagawa sila.

Naalala niya parin kung paano nawalan ng pag-asa ang mga mukha ng magulang niya at kung paano gumuho ang mga pangarap nito para sa kaniya.

Nagkulong siya sa kwarto at hindi kumain ng maayos ng ilang araw. Hinahatiran siya ng pagkain ng nakatatandang kapatid niyang si Kuya Carlo na dinamayan siya habang ang mga magulang niya ay hindi siya kinikibo pero ang mga ito ang nagluluto ng mga masusustasyang pagkain para sa kaniya.

Kahit galit at dissapointed ang mga magulang ay ramdam niya ang pag-aalala ng mga ito. Pagkalipas ng ilang buwan at lumaki nang lumaki ang tiyan ni Carisha at sinamahan siya ng pamilya niya at ni Hannah na pumunta sa OBgyne.

Of course, she had to stop from studying. Tinago nila ang pagbubuntis niya sa publiko hanggang sa manganak. Tanggap na nila ang nangyari sa kaniya at hindi na nila maibabalik ang nangyari.

Sa bawat araw, linggo at buwan na lumilipas ay kinakabahan siya para sa nalalapit niyang pagsilang sa anak. Labing anim na taong gulang palang si Carisha noon at hindi kaya ang responsibilidad ng pagiging ina ngunit kinaya at kinakaya niya para sa kaniya at para sa anak.

Lumabas itong premature baby at isang buwan itong nasa incubator habang siya ay nagpapagaling at hinihilom ang tahi niya sa tiyan dahil hindi normal delivery ang panganganak niya sa anak kung'di ay cesarian dahil hindi pa kaya ng katawan kahit na nga ay malusog siya.

Naging mahirap para kay Carisha at sa pamilya niya ang panahong iyon. Masyado kasing delikado ang manganak ng walong buwan at kailangan pa ng anak niyang mamonitor sa bawat araw na lumilipas at kung may kumplikado ba sa kalusugan nito.

Nakahinga lang sila ng maluwag nang wala namang kung anong komplikasyon si Gabby pero mahina lang ang puso ngunit hindi malala, iyon ang sabi ng Doctor sa kanila.

Tumigil na siya sa pag-aaral ng dahil do'n at binigyan ng oras ang anak. Pagkalipas ng ilang buwan at umayos na ang lagay niya ay nagsimula si Carisha na magtrabaho sa isang cafè na hanggang ngayon ay pinagtratrabahuhan parin niya at naging kaibigan ang boss niya.

May kaya sila at nasa mundo ng business ang pamilyang kinabibilangan ni Carisha ngunit mas pinili niyang humiwalay sa mga magulang at tumira sa isang simpleng bahay kasama ang anak. Nagtratrabaho siya sa araw simula 8 hanggang 5 ng hapon at uuwi para sa anak.

Kahit ganoon ay nabibili niya naman ang gatas at pangangalangan ni Gabby lalo na't wala naman siyang maraming binabayaran at silang dalawa lang ng anak.

Magtwo-two years na ang anak niya kaya't dumidede parin ito sa kaniya. Sa tuwing magtratrabaho siya ay pumupunta rito si Yunna na yaya ng anak niya upang alagaan si Gabby.

Humiga siya sa kama at ilang sandali pa ay nakatulog na siya.

KINAUMAGAHAN ay nagising si Carisha dahil sa tunog ng alarm clock niya na araw araw tumutunong kapag pumatak na ang 5 o'clock.

Bumangon siya, naligo at nagluto ng agahan. Pagkatapos ay kinuha niya ang breast pump sa drawer at naglagay ng gatas sa isang bottle for baby. Ilang minuto pa ay rinig niya na ang iyak ng anak kaya't dali-dali siyang nagtungo sa kwarto para kunin si Gabby. Sigurado siyang maghapon na naman lang itong tulog at mamayang gabi naman ay gising.

 Amour Series #1 : Aimer La Maman Célibataire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon