CHAPTER 12

4K 89 0
                                    

CHAPTER 12

"YOU MADE us wait for two hours and fifteen minutes!" Masama ang mukhang bungad ni Bene sa kanila. "Masarap ba?" Ang bunganga nitong walang preno lagi.

Hindi niya ito pinansin at pinaghila ng upuan si Carisha at siya naman ay umupo sa katabi nitong upuan habang karga-karga parin si Gabby.

"Dapat pala dinala nalang natin yung stroller." Bulong sa kaniya ni Carisha.

Nginitian niya lang ito. "It's fine. I can handle."

Sa hindi kalayuan ay may nakita siyang naglalakad ng isang pamilyar na lalaki na may tulak-tulak na stroller.

"Matthew?" Paanas niya. Napatingin ang tatlo sa tinitignan niyang lalaki na animo nagmomodel ng stroller.

Tumayo si Bene saka sinalubong ang kaibigan. "Man, nasa pilipinas ka pala?" Nag fist bump ang dalawa saka bumalik sa upuan ng makalapit ang mga itop.

"Last night." Anito saka lumapit sa kaniya at nakipag fist bump rin saka nakipagkamay kay Gabby na amuse na nakatingala kay Matthew. "Hello, baby. I'm ninong Matthew. Say it."

Tumawa si Gabby at kinawag-kawag ang kamay. “Chu, chu!”

Napakunot  duon si Matthew. Saka lang nito naintindihan pagkalipas ng ilang segundo. "Oh, you're so cute, baby. Para kang doll." Natatawang anito saka pinisil ang pisngi ni Gabby.

Iiling-iling siya saka binalingan ang stroller na hawak parin nito. “Bakit ka nandito at may dalang stroller?"

"A person asked me to get this stroller earlier. But, i think wala na sila." Bumaling ito kay Carisha, "Matthew McConaughey, lady Carisha." Pagpapakilala nito.

Nagtatakang napabaling sa kaniya si Carisha. "Kilala niya ako?" Bulong nito sa kaniya.

"Yes, lady Carisha. I knew you through Timothy. Number one chismoso." Anito saka naghila ng upuan sa isang lamesa at naupo roon saka hinarap nito si Gabby. "You're very pretty and cute baby." Nilaro-laro nito si Gabby na hagikgik lang ang tugon rito at titili-tili.

"Hindi pa siya nabibinyagan, Matthew. You can be her officialy ninong next month. Right, beautiful Mommy?" Anito saka tinignan si Carisha na may ngiti sa labi.

Tumango ito. "Oo. Gusto mo ba?" Tanong nito kay Matthew.

Bumulong siya rito, “you sure? Gago 'yan.” Aniya pa.

Sinamaan siya ng tingin ng dalaga at bumulong rin. “Sa tingin ko naman ay mukhang mabait 'yang si Matthew at kaibigan mo boss kaya panatag ako. Wala rin kasi akong maisip na ninong at ninang dahil kaunti lang naman ang mga kaibigan ko.”

Ngumisi ang gago. "Of course!" Bumaling ulit ito kay Gabby. "Don't worry, baby. I have a lots of gift for you. A'right?" Nag thumbs-up pa ang binata at nakipag-apir kay Gabby. Napansin niyang may dumaan na lungkot sa mukha nito ngunit kaagad din namang nawala at pinagpatuloy ang pakikipagkulitan kay Gabby.

What is that? May hindi ba sinasabi ang kaibigan sa kanila?

"Nakapag-order na kami dahil angtagal niyo." Anito ng may maglagay na ng pagkain sa lamesa nila. "Sabi ko ilagay nalang kapag dumating na kayo. Mga pa-VIP."

Siniko ito ni Yunna at pinanlakihan ng mata. "Babe! Be nice." Nakabusangot na anito saka hindi na pinansin si Bene na nagpapapansin at niyakap ito.

"Sorry na." Nakasimangot na anito pero hindi parin pinansin ni Yunna.

Bumaling siya sa katabi. "Anong gusto mo?" Tanong niya rito habang sinasandukan ng pagkain si Gabby.

"Kailangan ko ng sabaw..." Bulong nito sa kaniya. Walang inorder si Bene na may sabaw kaya nagtawag siya ng waiter at nag-order ng Nilagang Baka since masa Filipino Cuisine floor sila.

 Amour Series #1 : Aimer La Maman Célibataire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon