CHAPTER 4

4.8K 109 0
                                    

CHAPTER 4

MAGKASULAMPONG ang mga kamay ni Carisha ng idiniposito ng binata ang anak sa kama. Dahan dahan nitong nilapag ang anak niya saka kinumutan. Pagkatapos ay sabay silang lumabas ng kwarto at siya naman ay sinarado iyon saka sinundan ang binata.

Tumikhim siya upang makuha ang atensiyon nito. "Uhm, Sir, thank you po pala sa pagsama sa'min. Salamat po sa pagpapasaya sa anak ko." Sinserong sabi ni Carisha sa binata na parang kanina pa tulala sa kaniya.

Napatitig ito sa kaniya saka gumuhit ang isang masaya ngunit maikling ngiti. "You really sound like a mom." Amaze na amaze ang boses nito. Parang hindi ito ang kausap ni Carisha kahapon. Parang hindi ito ang kaharap niya kahapon.

Napatawa naman siya ng mahina saka tinugon ang sinabi nito. "'Cause i really am, Sir." Aniya saka inaya itong mupo silang dalawa sa sofa. Ito ay nakadekwatro habang siya ay maayos na nakaupo.

Hindi parin siya nakakapagpalit dahil nga kadarating lang nila sapagkat na-enjoy ata ng dalawa ang paglalato. "Sir, what do you want? Juice? Tea? Water? Softdrink?"

"Water will do." Sagot nito saka naging busy ang mga mata sa paglibot sa paligid.

Tumayo siya at nagpaalam. "Ikukuha lang kita. Sandali lang, Sir." Kumuha siya ng tubig sa kusina at bumalik rin kaagad sa kanilang sala.

Inilibot ng binata ang paningin sa kanilang sala. Maayos naman ang bahay nila at kasya silang mag-ina roon ngunit sa mga oras na iyon ay parang nanliit siya dahil isang napakamayaman at galante ang kaharap niya ngayon.

"You and Gabby only live here?" Kapagkuwan ay tanong nito kay Carisha na agad namang sinagot ng dalaga.

She nodded. "Yes, Sir."

"Can you stop calling me 'sir'? And stop using 'po' and 'opo' when you're talking to me." Wala ng kangiti-ngiting ani nito na parang sinasabing hindi nito nagustuhan kung paano tawagin at igalang ito ni Carisha.

Napamulagat siya sa tinuran nito. "Ho? Hindi naman po ata pwede 'yon."

"Do i look old to you?" Parang angsama-sama ng loob nitong sabihin iyon dahil bumuga pa ito ng marahas na hangin at bahagyang umigting ang panga.

Napalunok siya sa hindi malamang kadahilanan. "Hindi naman, Sir ah." Aniya. Hindi naman talaga. Napaka-manly nitong tignan pati na ang mukha nito but not definitely old. "Ilang taon na ba kayo?" Napangiwi siya sa tanong niya. Parang ang private ng tanong niya? Pero hayaan na nga.

"I'm only 26." Pantay labi na sagot ng binata sa tanong ni Carisha.

Umiling siya, "ah, not definitely old sir." Sambit niya pampalubag loob sa mukhang nagkakaroon ng delubyong si Sir Ashton. Tumayo siya at nagpapahalatang gusto na niya itong umuwi. "Uhm... it's 8:45 already, Sir. Aren't you going home?" Hindi niya maipigilang itanong.

Masyado ng malalim ang gabi at kagustuhan man niyang patulugin ang binata sa bahay niya ngunit hindi pwede isipin na baka kung ano ang sasabihin ng mga kapitbahay niya. Wala namanng pakialam si Carisha sa sasabihin sa kaniya dahil sanay na siya, h'wag lang madamay ang anak niya.

Tumayo na rin ito at tumango. "Yeah. I'll go now." Inihatid niya ito sa labas ng pinto at ng akmang ibubukas na niya iyun ng humarap ang lalaki sa kaniya. "But...uhm..." Parang hindi nito masabi ang sasabihin at nagdadalawang isip. Tinaasan niya ito ng isang kilay, "can i...can i..." Inisang hakbang nito ang pagitan nilang dalawa, hinawakan ang batok niya at huli na ng marealize na hinalikan siya ng mariin sa mga labi ng binata.

Smack lang 'yon dahil agad itong humiwalay. "Uhm, sorry." Nakangiwing anito saka binuksan ang pinto, naglakad takbo patungong kotse nito, pumasok at pinaharurot iyon paalis sa tapat ng bahay niya.

 Amour Series #1 : Aimer La Maman Célibataire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon