CHAPTER 5

4.7K 111 0
                                    

CHAPTER 5

NAPATINGIN SI Carisha sa orasan nang makitang malapit ng mag-alas sais, overtime siya lagi dahil nga apat na araw lang ang pasok niya.

Today is friday kaya naman tinapos na niya lahat ng trabaho upang wala na siyang iisipin pa ng sabado at linggo.

Salamat sa diyos dahil hindi naman masyadong mahihirap at alam naman niya ang mga pinapagawa ng boss niya sa kaniya.

Inayos na ni Carisha ang lamesa niya at handa na sanang lumabas nang sakto namang pumasok ang boss niya sa pintuan ng opisina nito galing sa labas.

"Where are you going?" Tanong nito at tinignan ang bag niya na bitbit-bitbit niya.

Tumaas ang kilay niya sa tanong nito. Eh? "Uuwi na." Aniya saka lalabas na sana ng hinarangan nito ang pintuan. "Padaan." Sabi niya rito ngunit umiling lang ito habang walang emosyon ang mukha.

Problema nito?

"Dito ka muna." Anito kay Carisha at hinawakan ang bag niya saka pilit na kinukuha paalis sa pagkakahawak niya.

Kinunot niya ang noo sa binata. "Hindi pwede. Baka hinahanap na ako ng anak ko." Sabi niya rito saka kinuha pabalik ang bag saka sinubukang dumaan ng tuluyan nitong isarado  ang pinto at nilocked.

Tinitigan siya ng kaharap at inilapit ang mukha sa mukha niya. "I'm still talking to you yet you're trying to slid the topic and get away from me. You're losing your respect to me?" Anito na parang medyo may kakaiba sa boses nito.

Masama ang tingin ng binata 
sa kaniya nang balingan niya ito. Kung nakakamatay lang ang tingin nito, baka ngayon ay nilalapitan na  ng uod si Carisha.

Huminga siya ng malalim saka bahagyang umiling ang ulo. "Hindi naman, i respect you a lot. Pero kailangan ako ng anak ko. Baka naman pwedeng padaanin at pauwiin ako? Since tapos naman na ang trabaho ko at lagpas na ang oras ng uwi ko." Aniya sabay turo sa wall clock sa loob ng opisina nito. Hindi iyon tumingin sa itinuro niya at sa kaniya lang nakatingin.

Ilang sandali ng mapansing namumula ang mata nito at leeg. Salubong ang kilay na inamoy niya ang binata at napagtantong uminom ito. "Lasing ka?" Bahagya lang itong umiling at hindi inalis ang tingin sa kaniya. Para bang amaze na amaze sa kaniya na ewan. "Umuwi ka na, tatawagan ko si Kuya Dex." si Kuya Dex ay ang personal driver ni Sir Ashton. Sa tinagal niyang liman buwan na pamamalagi niya sa kumpanya ng binata, marami na siyang alam at kakilala.

"Ayaw ko." Pagkatapos ay umiling-iling ito ng ilang beses saka ngumuso. Lasing nga.

Pinaningkitan niya ito ng mata. "Okay. Pero padaanin mo ako." Hindi na siya gumagamit ng 'sir', 'opo', at 'po' dahil narin sa sinabi nito.

Umiling ito, "ayaw ko rin."

Naiinis na tinitigan ni Carisha ang lasing na binata. "Seryoso ako. Padaanin mo ako." Seryosong sabi niya pero umiling lang ulit ito.

Bumuntong hininga nalang si Carisha saka hinila ito papasok sa kwarto nito sa opisina, ito naman ay nagpatinaod nalang sa kaniya at tahimik. Good. 

Pinahiga ni Carisha ang binata saka tinanggalan ng sapatos at medyas. Ito nalang ang kaya niyang gawin pagkatapos ng saya na ibinibigay nito sa anak niya nitong mga nakaraang buwan.

Saya at pagmamahal na nais ni Gabby. Naglakad si Carisha sa gilid ng kama at tinanggal ang coat nito saka inisa-isang tinanggal ang pagkakabutones ng suot nitong long sleeve white polo.

Nakatitig lang ang binata kay Carisha at hinayaan siyang tanggalan ito ng damit.

Pagkatapos matanggal ang bawat butones ng polo nito, umakting siyang wala lang sa kaniya at abs at v-line nito. Pero hindi! Nagwawala na ang kaloon-loobang sistema niya at ang malandi niyang utak ay kung ano-ano na ang iniisip.

 Amour Series #1 : Aimer La Maman Célibataire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon