CHAPTER 13

3.9K 95 0
                                    

CHAPTER 13

CARISHA is enjoying swimming. It's been a long time since she last experinced this. Nag-floating siya habang nakasuot ng eye-glasses na binili niya sa Souvenir shop kanina.

Ilang minuto siyang nasa ibabaw ng dagat ng may padaskol na tumalon sa dagat kaya natilamsikan siya ng maalat na tubig dahilan din para lumubog ang katawan dahil sa pagkawala ng balanse. Medyo malalim pa naman ang kinaroroonan niya.

Pilit na lumalangoy si Carisha paangat ngunit hinihila siya pababa ng dagat. Oh, God, please no...My baby... Kinakabahan na siya at nawawala na ang maayos na pag-iisip.

Nawawalan na din siya ng hangin kaya't desperada siyang lumangoy pataas at nagpapanic na siya. No, no, no!

Help! Help!

Aniya sa isipan niya. Ilang saglit lang ay may naramdaman siyang humawak sa beywang niya at iniangat. Nang makalanghap ng hangin ay halos mawala ang lalamunan niya kakaubo.

"I'm sorry, Miss." Rinig niyang boses ng lalaki.

Lumingon siya sa lalaking nagligtas sa kaniya. "O-Okay lang." Uubo-ubong aniya rito.

Bakas sa mukha nito ang sinserong paghingi ng tawad. "I am really really sorry, Miss. Do you need anything? Water?" Tanong nito sa kaniya.

Umiling lang si Carisha rito at mabilis na lumangoy patungo sa floating cottage.

Binalingan niya ang lalaking sumunod sa kaniyang lumangoy latungo sa floating cottage. "Thank you for saving me. I owe you." Aniya rito habang inaayos ang sarili. Talagang kinabahan siya kanina dahil akala niya ay malulunod na siya. Pasalamat siya dahil may tumulong sa kaniya.

"I'm sorry also." Sagot naman nito sa sinabi niya. "What is your name, by the way? If you don't mind." Kapagkuwan ay tanong nito habang pareho silang nakaupo.

"Carisha Alejandrino." Tipid na sagot niya rito.

Ngumiti naman ito kaya lumitaw ang malalim nitong dimples, "oh, what a sweet name. I'm Kaden Distauns anyway." Inilahat nito ang isang kamay na akmang tatanggapin niya ng may nakita siyang pigura ng lalaki na papalapit sa kanila. At... matatalim ang matang sinalubong ang mata niya.

"Why?" Takang tanong ni Kaden sa kaniya.

"Carisha!" Sigaw ni Ashton ilang metro nalang ang layo sa kanila.

Huminga siya ng malalim saka tumayo at sinalubong ito. "Hey, angtagal mo naman." Ngumiti pa siya rito ng pagkatamis-tamis ngunit wala sa kaniya ang atensyon nito kundi sa binatang nagngangalang Kaden.

"Who are you?" Ashton coldly asked Kaden who seems confused at the moment.

Kaden smiled, "i'm Kaden-"

"I'm not interested to know your name." Pagputol ni Ashton kay Kaden.

Kaden eyebrow raised and laugh flatly. Sa uri ng itsura nito ay parang nainsulto. "You asked, man." Umiling-iling pa ito. "Anyway, Carisha, do you mind of having a-"

"Did i allow you to talk to her?" Halata na ni Carisha na masama na ang timpla ng binata dahil umiigting na ang panga nito at iba na ang nagiging tono ng boses. Tonong naghahamon ng away.

Hinaplos niya ang pisngi ni Ashton, "Ashton, tara na." Bulong niya rito ngunit hindi nagpatinag ang binata.

"Are you Carisha's brother?" Halatang pilit na mabuting pakikitungo ni Kaden kay Ashton. Mukhang hindi nagustuhan ng binata ang tanong ni Kaden.

"I'm her husband, you f-cker." Ashton said while gritting his teeth. Nagulat man si Carisha sa sinabi ng binata ay tumahimik nalang siya dahil baka mas lalong magalit ito. Kaya lang ay hindi niya alam kung bakit galit ito.

 Amour Series #1 : Aimer La Maman Célibataire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon