Chapter 1

32.5K 722 15
                                    

Chapter One

"Cinderella"

"Anak, maraming salamat talaga sa perang pinadala mo kahapon. Nakakabayad narin ako sa ilang mga utang natin. Kumusta ka na dyan anak?" ng umagang 'yon ay gumising ako sa boses ng mama ko sa aking cellphone.

"Okay lang ako, ma. Wag kang mag-alala. Masaya naman ako dahil mas stable na talaga ang trabaho ko ngayon. Mas may pera na akong maipadala sa inyo kumpara dati." Nagbuntong hininga akong nakangiti.

Bumangon ako sa aking maliit na kama at luminga ang mga mata ko sa loob ng maliit kong bed space na kwarto. Hawak ko parin ang cellphone sa aking tenga.

"Cindy, anak. Maraming salamat talaga. Ang sipag mo talagang bata ka.. Naku.." Naiimagine ko na ang pagngiti ni mama sa kabilang linya. Napangiti na lang din ako.

"Pero wag mong kalimutan ang sarili mo anak, ha? Pera mo na yan, anak. Bata ka pa, kelangan mo ring alagaan ang sarili mo. Alagaan mo ang sarili mo dyan sa Dumaguete. Kakayanin naman ni mama dito sa Manila mag-isa."

Nagbuntong hininga ako at unti unting napawi ang ngiti ko sa mukha.

"Ma.. kailangan parin kitang alagaan, lalong lalo na dahil wala ako dyan. Tayong dalawa na lang ang natitira ngayon. Wala na si papa. Nababaon pa tayo sa utang. Tapos.. may sakit ka pa.." humina na ang boses ko.

Kinagat ko ang aking labi at tumingin ako sa baba.

"Cindy.." narinig ko ang pagbuntong hininga ni mama. Pinikit ko ang aking mga mata.

"Oh sige na ma.. Maaga pa ako ngayon sa ospital. Kailangan ko ng maligo at magbihis. Tatawag ako sa'yo next time, ma. Mag-ingat ka dyan ma huh? I love you."

Nagbuntong hininga ng isa pang beses si mama. "I love you too, anak."

Nang naputol na ang tawag ay napahiga ako ulit sa kama. Kailangan ko naman talagang mag-ayos na dahil maaga ang shift ko ngayon doon sa ospital ng Silliman. Pero... one minute pa muna? Puyat pa ako dahil night shift ako kagabi sa ospital.

"Hay.." nagbuntong hininga ako.

Ang hirap talaga kapag nag-iisang anak ka, tapos ikaw lang ang nag-iisang makakatulong sa pamilya mo. Not to mention na dalawa na lang kayo at nababaon pa sa utang.

Wala na ang papa ko, isa siyang police noon pero inatake siya sa puso noong bata pa ako at pumanaw. Ang mama ko naman, teacher. Pero kinailangan na niyang magresign sa trabaho pagkatapos kong mag-graduate ng nursing noong college. May sakit na kasi si mama, mahina na ang kanyang puso at kidney. Kailangan niyang magpahinga.

Sa wakas ay nakaassign na talaga ako bilang isang certified licensed nurse sa isang ospital dito sa Dumaguete.

Noong gumraduate kasi ako ng nursing noong nagtwenty ako ay hindi ako nakapasa sa una kong board exam. Kinailangan ko pang magtrabaho bilang assistant sa isang dental clinic doon sa Manila para makapag-ipon para sa sumunod na exam. At salamat sa Diyos ay nakapasa na rin ako sa wakas!

Malayo ang Dumaguete sa Manila, pero mamimili pa ba ako? Kailangan ko ng trabaho at pera.. para sa amin ng mama ko. She needs someone to take care of her. And I'm the only one who should do that.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ng nurse uniform ay lumabas na ako ng bed space ko. Dito ako nakatira ngayon sa isang boarding house. Madalas mga estudyante ang narito, pero dahil mura lang dito ay ito ang pinili kong tirahan dito sa Dumaguete.

Dalawang buwan pa ako dito sa Dumaguete. Maliit pa ang naiipon ko para sa sarili kong pangangailangan. Halos kasi lahat ng kita ko ay ipapadala ko kay mama.

Before I Go (TDL Series #4) (COMPLETED)Where stories live. Discover now