Chapter 16

14.7K 440 17
                                    

Chapter Sixteen

"Bago"


Ilang buwan ang lumipas.

"Naku, anak excited na talaga ako makauwi ka na ngayong Pasko!"

Napangiti ako habang nakahawak sa aking cellphone at nagpalit ako ng posisyon sa aking kama. Hinawakan ko ng mahigpit ang aking unan.

"Excited na din ako, Ma, sobra! Aabangan ko ang gift mo para sa akin, Ma, ah?" pangungulit ko sa aking ina.

Natawa lamang siya at buong gabi ay nagkwentuhan lamang kami ni mama. Disyembre na at ilang linggo na lang ay Pasko na, ibig sabihin uuwi ako ng Manila upang magdiwang ng Pasko kasama ang aking ina.

Nang binaba na ni mama ang tawag ay napatingin ako sa kawalan ng aming madilim na kwarto. Tulog na sina Emily, Joy at Garvi. Hinawakan ko ng mahigpit ang aking cellphone na nakapatong sa aking dibdib at unti-unting gumuhit ang isang ngiti sa aking mukha.

Excited din ako dahil magkikita na kami muli.

Araw-araw ay dala-dala ko ang mga alaala namin noong gabing iyon at noong araw nang siya'y umalis.

Before he left, namasyal kami sa Dumaguete. We only had five hours that day. We spent it strolling around the city boulevard, it was a beautiful place. Dinala din niya ako sa Silliman University, kung saan ang mga estudyante niya ay masayang masaya na nakita siya muli. They didn't know about his condition, and it was far from obvious. Magaling si Mishael magtago ng kanyang karamdaman, pero kahit nag-aalala ako sa kanyang paraan ng pagtago nito ay hindi ako nagreklamo noong araw na iyon. Naiintindihan ko naman na ayaw niyang mag-iwan ng malungkot na alaala sa kanyang mga estudyante.

Lahat sila ay naging curious sa akin. Paano ba naman kasi halos buong araw hindi binibitawan ni Mishael ang aking kamay. Lagi kong nadadatnan ang mga mata ng kanyang mga estudyante na nakatingin sa aming mga kamay at iba-iba ang mga ekspresyon ng kanilang mga mukha.

Pagkatapos naming mamasyal ng siyudad ay bumalik kami sa kanyang bahay upang doon kami kumain ng tanghalian. Rio and Racky was there, although si Racky ay tulog pa at hangover. Ang ibang mga pinsan nila ay umuwi na habang kami'y wala sa bahay. Hinatid sina Colton, Dean at Niv ni Rio sa kani-kanilang tinitirhang condo habang dumating din raw ang kaibigan nina Jax na si Kronos upang ihatid silang tatlo nina Louisse at Tanya sa Raquendan.

Nagluluto kami ni Mishael ng tanghalian habang si Rio ay nanonood ng TV sa sala, ni hindi siya nagtanong o interesado man tungkol sa aming dalawa. Hinayaan niya lamang kaming dalawa ni Mishael na magkasama. Nang natapos na namin ang aming mga niluto ay ginising na ni Rio ang kapatid niyang si Racky at sabay kaming apat na kumain.

"Alam mo nung una pa lamang kitang nakita, Cindy, alam ko nang may something kayo nitong kapatid namin. I must be psychic!" Kumindat si Racky sa akin at natawa ako dahil sa kanyang paraan ng pagsalita.

"Hayaan mo itong kapatid ko, Cindy. Hindi siya psychic. Psycho iyan."

"Mario!" Tinulak ni Racky si Rio sa kanyang matigas na balikat. "You're such a bully."

"Tama na 'yan." Ani Mishael at nagkatinginan kaming dalawa. Ngumiti siya sa akin at uminit ang aking puso.

We had a great time together. Nagkwento sina Racky tungkol sa kanilang pamilya habang si Rio ay bilang lamang ang kanyang mga salita, pero halos lahat puro panlait sa kanyang kapatid. Si Mishael naman ay tahimik lamang at napansin kong mayroon siyang malalim muli na iniisip, gayumpaman ay hindi ko inalis ang atensyon ko sa mga kwento ni Racky. Nakikita ko talaga na gusto niyang ikwento halos ang buong istorya ng kanyang buhay at ang buhay ng kanilang pamilya at natuwa din ako dahil interesado siyang sabihin sa akin ang mga bagay na iyon. 

Before I Go (TDL Series #4) (COMPLETED)Where stories live. Discover now