Chapter 7

18.5K 464 39
                                    

Chapter Seven

"Misteryoso"

Wow. Yan lamang ang masasabi ko nang dumaan na kami sa overpass kung saan makikita ang malalaking letra ng lalawigan ng Raquendan. Mga kulay ng asul, green, orange, yellow, at lahat ng mga iba't ibang kulay ng kalikasan ay bumungad sa amin. It was beautiful.

Malayo sa sentro ang Raquendan, walang masyadong mga malalaking buildings, pero tama lang, at puro mga bahay at mga malalawak na mga taniman ang aming unang nadadaanan. Sa kaliwa ng kalsada ay may makikitang malaking ilog at sa unahan pa ay nakikita ko ang mga matataas na bundok. The road curved at lalo nitong pinaganda ang tanawin sa baba ng ilog. It was a quiet little city. Peaceful. Hindi masyadong busy gaya ng Dumaguete.

Mayamaya ay napadaan na kami sa sentro ng Raquendan. There were small and big malls, iilang mga boutiques, mga gasolinahan, mga banko at pharmacies. May tiyanggi pa sa unahan at dumaan kami sa isang malaking parke na nasa tapat ng isang humble na cathedral. There were other churches around as well. Niliko ni Mishael ang kotse at dumaan kami sa isang eskwelahan.

"Dyan ako nag aral noong high school." ani Colton at tinuro niya sa akin. Sa unahan pa ay mayroon namang isang eskwelahan. "And that's where I spent my childhood years in elementary."

Tumango lamang ako at nanatili akong nakamasid sa paligid. It was very clean, the whole place.

Mishael turned left, at pumasok kami sa isang narrow na kalsada, paangat ang lupa, at sa isang iglap ay pinaligiran kami ng mga magaganda at malalaking bahay. Umawang ang aking bibig.

"We're almost there." panay ang ngiti ni Colton.

Ilang minuto lang ay hininto ni Mishael ang kotse sa tapat ng malaking gate na kulay itim at wooden brown. The house was very big and modern. Lumabas sa gate ang isang babaeng nakasuot ng shorts at itim na sleeveless na pantaas na kanyang sinuotan ng sa isang manipis na kulay lavender cardigan. Brown ang kanyang buhok at ito'y nakapusod. Ngumiti siya at sinalubong niya kami.

Maputi, makinis, mapayat at petite na babae si Tanya, mapupula ang kanyang mga pisngi at mga labi kahit na hindi siya naka makeup. sa kanyang isang kamay ay hawak niya ang isang iPhone.

"Kuya Mish! Oh my god!" bumalik kaagad si Tanya sa gate at mayroon siyang tinawag galing sa loob. "Guys, I told you pupunta si Kuya Mish! Narito na sina Colton oh! Yippee!"

Tumawa si Tanya at bumalik siya sa amin. Nakababa na si Mishael, si Colton ay pinagbuksan niya ako ng pinto at bumaba narin kaming dalawa. Umikot si Mishael upang buksan ang likod ng kanyang sasakyan. Nakalagay doon ang mga gifts na kanilang binili. Lumunok ako, ang lalaki ng mga gifts nila. Napahawak ako sa gift na dala ko. Sinamahan at tinulungan ako nina Colton kanina na makahanap at makabili ng gift. Alam naman nila na kagabi pa ako nakapagdesisyon at wala akong oras makabili ng gift ng mas maaga. Kinagat ko ang aking labi. Isang libro lamang na binili ko sa Caballes Store ang nabili ko para sa kanya, but it was a good book. Mahilig si Emily sa mga libro at yung librong yun ang nirekomenda niya, at buti naman at kinaya ng budget ko. Nakakahiya naman kung pupunta ako nang walang gift, gayong binilhan pa nila ako ng dress na masusuot ko. Nakakahiya.

"Mish! What's up? Glad you came." sa isang sandali ay lumabas ang ibang mga pinsan ni Colton. Nalaman ko na sina Tanya pala ay pinsan niya sa side ng kanyang ama at sina Mishael at Kalyx ay pinsan niya sa side ng kanyang ina, pero gayumpaman ay tila close naman ang dalawang pamilya. "Let me help you with that."

Before I Go (TDL Series #4) (COMPLETED)Where stories live. Discover now