Chapter 15

16.3K 568 51
                                    

Babala: SPG

Chapter Fifteen

"Throbbing"

Nang bumalik ako sa aking trabaho ay hinatid ako ni Colton sa ospital. Mayroon pa siyang importanteng aasikasuhin, kaya't umalis na din siya kaagad. He was still smiling at me, even if I know it could have been hard for him to leave.

Nang naiwan na ako mag-isa ay tinuon ko na ang pansin ko sa aking trabaho. I had no time to think about our conversation yet. Hindi ako pwedeng magpabaya sa aking trabaho at madistract.

Ngunit nang maghapunan na ay kumabog muli ang aking puso habang paakyat na ako papuntang kwarto niya. Huminto ako sa tapat ng pinto nang mayroon akong mga narinig na boses. Kumunot sandali ang aking noo at binuksan ko ang pinto.

"Hey, it wasn't my fault!" aning matangkad na babae na kulay blonde ang buhok.

Tumawa lamang ang matangkad na lalakeng nakatayo sa tabi ni Kalyx.

"Anyway, the good thing is we got our luggage back." Umiling iling ang lalake.

Tumingin ako kay Mishaek at nakita kong napapangiti siya dahil sa kulitan ng dalawa.

Nagtama ang aming mga mata. Nilingon ako nina Kalyx at ng dalawang bisitang hindi ko pa nakikilala.

"Oh Cindy, you're here." Ani Kalyx.

Hinawakan ko ng mahigpit ang tray ng pagkain bago ko sila nginitian.

"Magandang gabi po." Nilapitan ko na si Mishael at inayos ko ang kanyang higaan upang mapaupo siya ng maayos. Tinulungan ako ni Kalyx. Pagkatapos ay nilagay ko na din ang tray sa compartment sa harap ni Mishael.

"Cindy," Malalim ang kanyang boses. Tumingin ako sa kanya. He gave me a smile. Tumingin siya sa kanyang mga bisita.

"This is Miracle, my sister, and our brother Mario."

Napaawang ang aking bibig.

"Nice to meet you! Call me Racky." Ani Miracle.

"And I go with the name Rio. Pleasure to meet you. Cindy, right?"

Kumunot sandali ang aking noo. Paano niya nalaman?

"Oh, I just read your nameplate. It's not like Mishael talked about you or something." Tawa ni Rio at nilingon niya si Mishael at tinikom niya ang kanyang bibig.

Rio was a huge guy with muscles. Para siyang mayroong katawan ng isang sundalo. Clean cut ang kanyang kulay itim na buhok at lalo siyang nagmukhang musculine dahil sa kanyang facial hair na maayos ang pagkashave. He was wearing a plain shirt at jeans. Samantalang si Racky naman ay napakaganda ng hugis ng katawan at nakasuot siya shades na tinaas niya sa kanyang ulo na parang headband. Umaalon ang kanyang blonde-dyed na buhok half-way sa kanyang likod. Nakasuot din siya ng kulay itim na choker, puting blouse, leather jacket na itim at skinny jeans din na itim.

"Thanks for taking care of our brother, Cindy." Nilapitan ako ni Racky at hinawakan niya ako sa aking kamay. Nakita ko ang sincerity sa kanyang mga mata. Napangiti ako.

"Trabaho ko lang po. Wala pong anuman, Miss Racky."

"Being a nurse is truly a noble job." Tango niya.

"Yup, how do you feel about your job now?" Ani Rio.

"Shut up! It's not like your job is any better!" Inis siyang nilingon ni Racky.

"Just so you know I'm from the army." Taas kilay ni Rio habang nakasmirk.

"I don't care!"

"Tama na 'yan." Tumayo ng maayos si Kalyx mula sa kanyang pagkasandal sa pader at binaba ang kanyang mga naka-ekis na kamay.

Before I Go (TDL Series #4) (COMPLETED)Where stories live. Discover now